A Simple Rotation Guide

Kaito

Hardcore Gamer
Apr 22, 2019
53
8
8
Visit site
Ang common kasi ngayon na Laning ay 1-2-2 meaning solo top.

Naiintindihan ko naman kung bakit iba ang ginawa nila AdminGanda kasi nga counter META talaga ang gusto ni AdminGanda kaya kakaiba talaga ang gameplay niya.

Key points

- Kasama ng Tank ang Marksman (normally Bottom)
- Solo Lane ang Fighter (normally Top)
- Mid ang Mage and Assassin

Ganyan ang lane distribution. Normally naman nasa Mid ang Tank at MM lalo na kung nagpupumilit magmid ang MM.

Other laning distribution tactic

- MM and Support Top
- Assassin Bottom
- Tank and Mage Mid

Pwede ring Tank and Assassin ang Mid and Solo bottom ang Mage.

May mga nagsasabi na dapat Mid rin ang tank kasi nga ang Midlaners ang dapat nagvivisit sa mga lanes.

Jungle Distribution

Mid-left Buff ay sa Mage (commonly)
Mid-right Buff ay sa Assassin (especially Selena para diretso Bottom lane)

Then 'yong green-marked jungle monsters sa mapa ay sa laners nila respectively.

Gold crab in the top must be secured from invaders kaya doon unang nagrorotate ang midlaners.

Gold crab in the bottom can be stolen by another Retribution user sa Bottom.

Example:

Laning:
Aldous Solo Top
Belerick and Hanabi Bottom
Lunox and Gusion Mid

Kapag cleared na 'yong Minion wave, buff, and jungle monster sa Mid, oras na para pumunta 'yong Gusion sa Top and Lunox sa Bottom para sa Gold Crab.

Then clear all lanes again. Then rotate na papuntang Turtle.

Example Top ang Turtle Lane

After clearing the lane, pwedeng makaisang jungle monster pa ang Gusion and Aldous before proceeding sa Turtle.

Lunox can clear the Bottom lane while si Belerick and Hanabi ay papunta ng Top pero dadaan muna sila sa Mid para i-clear ang wave.

Belerick, Aldous and Hanabi can start killing the turtle. Lunox is probably on its way. Gusion can hide in the bush and secure na walang ambush na magaganap mula sa kalaban.

This way, makakakuha kayo ng objective which is 'yong turtle.

Mahalaga ang turtle lalo na't may turtle buff na. Give the turtle buff to your assassin.

Pwede na kayong mag-initiate ng fight along with your assassin and take objectivea like turrets and even steal buffs in the enemy territory.

A Simple Rotation Guide By: Kaito
 

AshuraML

Elite Gamer
May 1, 2019
128
11
18
Visit site
Tank MM Mid and No Assassin Rotation Beginner Squad Rotation Guide

Disclaimer: Simple rotation lang po ito at hindi pwedeng laging ganito ang rotation. Depende pa rin po sa sitwasyon 'yon. You may comment your own styles of rotations po para malaman rin ng iba kung paano ba dapat magrotate ang bawat role para makapagpalevel up at makapagpaitem ng mabilis.

So sa guide na ito, ang line-up na gagamitin ko ay...
  • Belerick
  • Kimmy
  • Kaja
  • Leomord
  • Harith

Kontra sa
  • Minotaur
  • Chou
  • Gord
  • Claude
  • Alice

Ang lane ni Leomord ay opposite ng turtle lane. Solo lane niya 'yon. For example nasa top malapit ang turtle, solo bottom si Leomord.

Commonly, Kaja and Harith ang mid. Pero ngayon ang idi-discuss ko ay Belerick and Kimmy ang mid. Top naman sila Kaja and Harith.

Bakit 2 sa mid at top? Ang reason doon ay para makuha ang turtle before the 3-minute mark.


Midlane

Clear wave tapos punta sa buff tapos clear wave tapos help sila sa bottom para makuha ang crab bago magrotate papunta sa turtle.

SoloBot

Clear wave then sa green monster tas clear wave then makakatulong niya sa crab yung dalawa sa mid. Punta na sa top para sa turtle.

Toplane

Clear wave then sa green monster tas clear wave tas secure crab. Punta na sa turtle after ng next wave habang on the way na rin yung galing sa bot.

Going to turtle lane

Clear mid and bot bago dumiretso sa turtle yung Belerick, Leomord and Kimmy. Belerick muna unang pupunta sa mid habang kini-clear ang bottom lane. Then, pagkaclear sa bot tatlo na sila sa mid na pwedeng magclear tapos kapag cleared na, go for the turtle.

Teamfight plan

Top teamfight

Kaya na ni Kaja and Harith 'yon pero pwedeng bumack-up si Kimmy after niyang kumuha ng buff. Si Belerick muna magclear ng lane.

Mid teamfight

Si Harith ang pupunta sa mid.

Bottom teamfight

Si Harith pupunta sa mid. Si Belerick at si Kimmy ang baback-up kay Leomord sa bottom.

How to initiate a teamfight

Reminder: Do not initiate a teamfight kapag lugi kayo sa XP, Gold, or sa bilang.

Kaja initiation
- Use Divine Judgment (Ult)

Harith initiation (kapag wala si Kaja sa scene)
- Use Zaman Force (Ult)

Kimmy counter-initiation
- Purify or blink away gamit ang 2nd skill

Belerick initiation
- Use First skill (kapag may naimmobilize, pwede na mag-engage basta hindi kayo lugi)

Leomord initiation

Kapag nag-ult na si Leo, engage na rin siya since sayang. Pero kapag lugi, pangplay safe iyon. Basta kapag hindi kayo lugi, engage sa teamfight.

~~~~~

Bonus Tips:

1. Ingat sa knock-ups ni Chou
2. Ipain si Belerick sa ult ni Minotaur. Iwasang mahuli si Kimmy at Harith.
3. Iwas rin sa first skill ni Gord
4. Lalo sa Alice kapag nag-ult.
5. Kapag nag-ult si Claude, kayang i-absorb ng ult ni Belerick iyon.
6. Ang buffs ay para kay Kimmy and Harith
7. Kimmy and Leomord ang malakas sa push
8. After ng turtle sa top, si Leomord na doon. Kimmy and Belerick sa mid and kay Kimmy pa rin yung midleft buff. Kay Harith naman yung sa midright na malapit sa bottom lane. Nasa bottom na si Harith at Kaja.

I am open for criticisms po. Tell me what's wrong po para may matutunan rin ako.
 

AshuraML

Elite Gamer
May 1, 2019
128
11
18
Visit site
Simple Guide about 1 3 1 Rotation

Ang solo po rito ay Assassin and Fighter.
Tapos 'yong tatlo sa mid.

Ang nasa turtle lane ay fighter dahil mabilis naman magrotate ang assassin.

Example Line-Up:

Selena
Leomord
Belerick
Claude
Gord

Case 1: Assassin Top dahil bottom ang Turtle lane

Top lane

Clear lane then do'n sa green jungle monster then clear ulit then secure crab. Mas madali masecure ng Assassin 'yong crab. Kung 2 katapat mo, playsafe na lang. If need mo ng buff, pagkatapos ng green jungle monster, punta ka sa buff. Saglit lang 'yon kapag tumulong 'yong tank na nasa mid at sakto ka lang para magclear ulit ng wave pagbalik mo sa top.

Mid lane

Clear wave then 'yong pagpunta sa buff depende sa Assassin. If need niya ng buff, sa kanya 'yong nasa midleft. Samahan siya ng tank. 'Yong MM tas Mage punta doon sa isang buff na malapit sa bottom lane.

Bottom lane

Clear wave then sa green jungle monster then clear wave then try to get the crab.

Case 2: Assassin Bot

Ang pagkakaiba lang nito sa nauna ay mas malapit na sa buff 'yong Assassin. 'Yong marksman ang pupunta pababa pagkatapos patayin ang jungle monster or pwede na siyang dumiretso doon kapag papunta na 'yong Assassin. Tank and Mage ang kukuha sa Midleft buff.

~~~Rotating to Turtle Lane

Before the 3-minute mark at pagkatapos makuha ang crab, Rotate papunta sa turtle lane. Just a reminder na clear wave habang nagro-rotate.

~~~After the first turtle

Kapag lamang kayo, pwede na kayong mag-initiate ng clash.

Top lane Teamfight

Rotate pataas 'yong Marksman and Tank. Hindi pa kasi dapat iniiwanan ng tank ang marksman kaya as much as possible magkasama sila hangga't wala pang first item.

Mid lane teamfight

Tatlo na kayo sa mid kaya pwede na kayong maggank

Bottom lane teamfight

Gano'n rin. I mean Marksman and Tank ang marorotate pababa.
 

Similar threads


Reply