Alternative Nintendo Switch Controller

pinoytut

Casual Gamer
May 12, 2019
30
4
8
Visit site
Simpleng reference lang, naway makatulong sa mga kapwa ko gamer ng nintendo switch na naghahanap ng alternative or extra or for primary controller...
This time, gawin nating per highlights lang ng isang characteristics ng controller...



Best in Grip goes to
PowerA Enhanced Wireless Controller, sobrang comfortable kahit long gaming session ka dahil sa shape niya na medyo mataba ang harap and rounded ang pinakachassis or casing ng controller. Lapad na lapad ung palad mo, kahit ilang oras ka maglaro, walang ngalay ngalay. Kumbaga sa tao, di hamak na mas masarap yakapin ng matagal ang mga chubby kesa sa macho. Tabs is better than abs, atleast for me. Hehehe.

Best in Texture goes to
Gulikit NS09 Kingkong Pro V2, premium feel na tipong kala mo may carpet. Smooth and matte eh. Sarap hawakan, napakasmooth, mas makinis pa sa jowa mo. Pero di to advisable sa mga madaling magpawis o oil ang kamay, dahil mamayat mayain mo malamang ang pagpunas dito.

Best in Style (excluded customization and prints) goes to
Nyko Core Wireless Controller, sobrang naging iba ung style niya compare mga nakasanayan nating "controller". Kumbaga uniqueness. Pinagsamang mga kanto kanto at rounded shape sa iisang controller.

Best in Battery Life goes to
Nintendo Switch Pro Con, wala ng explain explain. Almost 20 hours in total bago ko magcharge ulit from full batt to dead batt.

Best in Buttons
8bitdo SN30 pro/pro+, dito wala talaga kong angal. Ito lagi ung panlaban ng mga 8bitdo lovers pero yes I agree, swabe ung pagkaclicky niya and pang arcade gaming din talaga. Papalag to sa mga button smashing games. Unang madudurog daliri mo kesa dito. Pero gaya ng lagi kong sinasabi, nasa pag iingat pa rin yan.

Best in Analog feel goes to
Nyko, iba ung resistance nitong controller na to pag dating sa analog, firm. Nanlalaban, pero sobrang accurate pa rin sa in game movement.

Best in Vibration goes to
Gulikit NS09 Kingkong Pro V2, adjustable vibration. Hindi siya HD Rumble pero kung gagamitin mo ung max level ng vibration niya, isa lang masasabi ko. Durog kamay mo boy. Ang lakas ng vibration hahaha.

Best in Price (considering quality)
Gamesir T4 Pro, murang mura, isipin mo sa halagang 1350 sa shopee under ng GameSquare eh meron ka ng controller with motion control, adjustable vibration motors, turbo button, programmable back buttons,

Best in Player Assistance goes to
Gulikit NS09 Kingkong Pro V2, narinig o nabasa mo na ba ung "Auto Pilot Gaming (APG)"? Kung gusto mo maglaro ng mga simulation games pero sobrang tamad ka o gusto mong magmulti task, ito sagot jan. Hanggang 10 minutes, pede kang magpakabatugan moden dahil sa APG feature ni Gulikit. Pede kang magset ng actions with combination of buttons and stick. Sa isang pindutan lang, tapos ang hirap.

Magna Cum Laude or with great distinction,
- Nintendo Switch Pro Con, andito na lahat ng hanap mo, andito lahat ng kailangan mo basically para maenjoy at malaro ang switch mo ng walang pag aalala na baka masira analog ng lite or ng joycon mo.

Summa Cum Laude or with the highest distinction,
Gamesir T4 Pro, andun sa Best in Price na rin kung bakit ito ung Summa Cum Laude para sa akin, uulitin ko, para sa akin.

Honorable mention for controllers in the list pero walang award:
  • Uberwith U50, complete feature, LAHAT ng feature ni Procon meron siya, tapos sobrang affordbale ng price
  • DS4 via 8bitdo Wireless Receiver - if PS user ka before ka magswitch, d mo kailangan mag adjust ng layout. Hindi mo kailangan lumabas sa comfort zone mo when it comes to layout. Kailangan mo lang ng 8bitdo wireless receiver, hahaha
  • Xbox One Controller, kung galing ka sa "most powerful console", bili ka na lang ng 8bitdo wireless receiver. Nice d ba.
  • Ipega PG-SW001. Changeable layout from Nintendo to PS layout and vice versa? Ito na yun.
Ito ung full comparison and ranking ko for all these controllers
Please subscribe na rin. Salamats


Ctto to Piel Bassig
 

Reply