Ang Marksman na sawi

ramleague

Elite Gamer
May 11, 2015
274
11
18
A fan fiction poetry made by jannah aubreen perez

Hayabusa? Naalala mo paba sa lugar kung saan tayo unang nagsimula?
Sa kung paanong ngiti sa ating mga labi ay di mabura.

basta't tayoy magkasama sa kung paanong ang yapos mo at halik ang gamot sa lahat ng sakit at nagpapagaan sa bigat na aking pasan at bumubuo sa araw araw kong kulang kulang.

Hayabusa, naalala mo pa ba ang bawat saya? Bawat match up na pareho nating nalagpasan dahil mahal natin ang isa't isa.

Bawat damage na pareho nating tinamo, dahil di kita kayang mawala at ganun ka din diba? Kaya nga tayo nakapag epic, nakapag epic nang pansamantala.

Pero hayabusa, naalala mo parin ba? Noong unang beses mo syang makilala,
unang beses kayong nagkasama.
Nung unang beses ka nyang napangiti
pati ang mapupungay mong mga mata.

Noong nag uusap kayo sa voice chat na kayong dalawa na parang kayo lang, na parang kayo lang dalawa sa mundo nyo na parang walang ako.

Hayabusa, naalala mo pa ba yung una kong pag-iyak dahil sa kanya? Malamang hindi, malamang hindi dahil sa nakalimutan mo na dahil na-stun ka ng lord o meron kang amnesia.

Malamang hindi, dahil pinilit kong ilihim ang sakit pinilit kong sarilihin ang selos, pait at pagkainggit
Dahil mukhang meron nang papalit! Mali! Mali ako mali, dahil mukhang meron nang pumalit sa pwesto ko sayo, hanggang sa hindi ko na mapigilan.

Tinanong kita nang walang pag aalinlangan
"may gusto ka ba kay kagura?"
Pero sabi mo
"ano ba.. kaibigan ko lang sya"
hayabusa naman hindi ako tanga, hindi ako tanga para malaman ang special sa kaibigan lang hindi ako bulag para hindi makita sa inyong mga mata ang saya na tila may kakaiba, may kakaiba pag dating sa kanya, pero naniwala parin ako. Naniwala parin ako na wala lahat sa inyo.

Ang pagtiis mo saakin na hindi ako kausapin habang kausap mo sya at nagdedefend kayong dalawa ng turret, oo wala lang yun.

Ang pagpupuyat mo gabi-gabi at pag abot nyo sa umaga sa rank game at pagkukulitan, oo wala lang yun.

Ang pagbabahagi mo sa kanya ng paborito mong build at combo habang sabay kayong nag aaliw sa ilalim ng base ng kalaban, oo wala lang yun
At dahil sabi mo kaibigan mo lang sya, at ako? At ako ay hindi dapat mangamba.

Siguro nga masyado lang akong malisyosa para pag isipan kayo ng hindi maganda, kaya hayabusa nais kong sanang humingi ng tawad sayo at sakanya, patawad dahil nasaktan ako nung nakita kong mas kaya ka nyang samahan sa clash at malambot ako
Patawad dahil nagselos ako nung nakita kong nabubuo nya ang araw mo at kahit ganito tayo nagkakagulo.

Hayabusa, pagtawad dahil kailangan ko nang sumuko sa laban ng pag-ibig na ito, dahil alam kong ako na ang talo. At ngayon kung magbabago man ang ikot ng mundo at sasabihin mo saakin na mahal mo pa ako.

at kung itatanong mo saakin kung pwede pa ba tayo at sasabihin mong bumalik ako sayo
paki-usap lang! Wag ako at kung pipili ka saamin ng kaibigan mo?

Please lang wag ako hindi dahil sa mas maganda sya o may payong sya, o may shugyo mugio sya o di dahil sa mas magaling sya sa larangan ng stratehiya.

Kung sa tingin mo ako ang nakaraan mo ang bubuo sayo wag ako.
di dahil sa hindi kita kayang panindigan
wag ako hindi dahil sa di ko sya kayang tapatan wag ako hindi dahil sa di ko sya kayang higitan
Wag ako dahil sa di kita kayang ipaglaban
Wag ako di dahil sa ayaw ko na sayo

At kung tingin mo meron kang isang taong kailangan ipaglaban,
paki usap lang wag ako kasi hindi mo naman kailangan mamili saaming dalawa dahil sa umpisa palang sana ako lang at walang kagura.

wag ako dahil sa ako ang sumuko at nang iwan pero sa hindi mo ako binigyan ng dahilan.
 

Reply