Axie Tips Scholarship at Manager, iwas hack!

Bantillo

Elite Gamer
Nov 4, 2018
249
7
18
Visit site
Tips sa Axie Infinity? Iwas hack? Scholarship at manager? Basahing mabuti.



Iwasan ang pagiging lula gaya ni patrick, uto uto gaya ni spongebob at may sariling mundo gaya ni squidward.
At ang pinaka importante sa lahat. Wag maging greedy. Greed is good diba? Manager gaya ni Mr. Krabs. Hahaha.

>>>>Pag gawa ng account

*Sunod sunod ang mga na hahack na axies ngayon at padami ng padami. Kung baguhan ka lang sa axie at gagawa ng account. Mag tanong ka sa mga may nakaka alam, sa relatives, kakilala, basta yung may tiwala ka. Kung wala naman at mag isa mo lang, single o walang jowa, manuod ka sa youtube. Madaming tutorials don, AT panuodin lamang yung mga updated o mga latest na video.

*Kung gagawa na ng account make sure na updated ka din kung may problema ba sa server ng ronin, metamask at axie infinity, may time na down ang server o wala ang mga websites na pinupuntahan mo kaya mga fake websites ang lalabas. Example nyan ay nung July 21-23 2021.

*Para safe sa mga websites na pag gagawan icopy ang mga URL sa mga youtube videos, tignan mabuti kung tama ito, i-double check mo o maghanap ng mga legit at mapag kakatiwalang tao, fb page man o group basta legit, about sa mga websites. Isave mo mga passwords, seed phrase, email sa mga gagawin mong account. Isulat mo pa sa notebook para sure ka. Make sure din na iba iba ang passwords ng mga ito para kung malaman man ng iba yung password mo gaya ng metamask ayos lang kasi pwede mo i-unlink. Pero kung ronin ang nakuha eh dasal ka na lang.

>>>>Pag bili ng Axies at iwas scam

*Pinaka safe na paraan para bumili ng Axies ay sa marketplace. Pano bumili? Noud ka uli sa youtube mahabang proseso yon bahala ka na don. Ano ba ang magagandang axies? Punta ka sa axie.zone. Madaming tips don about sa axies masisigurado mo team na gusto mo. Kung tinatamad ka sa youtube para nuod nuod ka na lang.

*Para sa mga di nakaka alam. Mas madaming murang axies sa marketplace kesa sa mga inaalok ng mga ibang tao, o sa mga seller walang samaan ng loob ah. Isa pa dahil sa marketplace meron auction time, kung saan bumababa ang price ng isang axie at kung mabantayan mo man ito, at abot kaya mo na ang price, eh bilhin mo na.

*Kung sa tao naman bibili at wala kang idea sa mga axies na pinapakita nya eh mag tanong tanong ka na sa iba, may sariling mundo ka na naman eh. Pinaka best way na pag bili sa axie kapag sa tao ka bibili eh meet up diba? Sa police station pa para safe na safe ka. Kung wala naman mahanap na ka meet-up madaming seller through online, pero siguraduhin nyo muna kung legit ba ito. Mag tanong tanong muna kayo sa iba at nakararami. Mamaya nag tanong ka sa isa tao lang eh kasabwat nya pala yon paktay ka hahaha. At ang TANGING ibibigay mo lang sa seller kung bibili ka na, ronin ID. Icopy mo lang then send mo na sa kanya. Wag kang mag pakatanga. Madaling madali ka eh. Greed is good nga diba? Siguraduhin mo muna na yung ka transaction mo eh legit na tao. Hindi basta nag send sya ng ID kakagat ka naman. Kapag may naramdaman kang di tama wag mo na agad ituloy.
Walang ma uuto kung walang mag papa-uto.

>>>>Pag iingat sa account

*Ayan. Happy happy na at nakakapag laro ka na. Kumo-quota ka na. Tandaan greed is good. May mga nag sesend sayo ng link kung saan may free slp o free axie. Ikaw naman si uto, click link agad greedy ka eh. Tapos nakita mo sa link input ronin password or seed phrase, at dahil tanga ka nag log in ka pa din. Swerte naman ni hacker. Sa lahat ng sinabi ko dito sa part na to common sense na lang eh.

*Down ang server.

Sa naka PC, may mga nag sasabi para makapag laro uninstall yung application at download ng bagong mavishub. Chineck mo ba naman ng 10 times kung legit yung pinag downloadan mo?

Sa phone naman, qr code? Mag la-log in ka sa website ng axie para kumuha ng qr code. Check mo uli mabuti kung tamang website ba ng axie pinuntahan mo.

*Tanong tanong ka muna sa iba para updated ka sa dapat gawin. Isure mo din baka naman fake news or outdated nababalitaan mo. Mas mahalaga maka-quota kesa mawala axie mo eh diba? Kaya hindi ka na ang iisip sa mga ginagawa mo. Ah wala na kasing tulog? Tignan ko lang kung makatulog ka pa once na mawala axies mo. Hahaha.

*Basta may gagawin ka sa account mo at involve ang ronin wallet. Icheck mong mabuti yung ronin na pupuntahan o pag log-in mo. Check mo din kung ok ba ang server ni ronin. Mag tanong tanong ka.

>>>>Pag aapply ng scholarship

*Dami kong nakikitang na sscam sa pag kuha ng scholar. TANDAAN NYO PO. WALANG BAYAD ANG PAG AAPPLY NG SCHOLARSHIP, kung meron talaga dun sa manager na inaapply-an nyo, ibawas na lang sa unang sahod nyo.

*Dami nag rereklamo na 2 months na daw hindi pa din sila nakukuha. Tandaan nyo po. Hindi birong pera ang pinupuhunan dito. Derserve po nung mga makakakuha ng scholarship kung mapili sila dahil wala naman silang ilalabas na pera pero makakapag laro at kikita sila, kaya pag butihin lang sa pag hahanap.

>>>>>About sa manager

*Take note po hindi po ako manager ah kaya wag nyo ko i-spam ng messages na mag aapply. Nakikita ko kasi na kahit anong post ang ilagay dito sa page may nag cocomment na "Hi manager" hahaha.

*Mas maniwala kayo sa manager na looking for 5 scholars pababa. Mas kokonti mas kapani-paniwala. Aba eh may nag popost bigla "looking for 50 scholars". Aba ano ba yung axie nya baboy? Pota dami kung manganak ah. Bigla lang lumitaw yung 150 na axies na yon sa account nya? Mag isip ka din kung kapani paniwala ba pinag sasabi non.

*Eguls sa mga ladies. Mas malaki future mas natatanggap. Pero kapag tunay na manager talaga mas pinipili yung may alam sa axie or sa mga larong strategy games. Kaya mga nag ke-candy crush jan labas labas na.

*Sa mga tunay na manager jan. Baka naman po. Hehe.

Safety tips

*Ingatan ang mga accounts. Wag kung kani kanino mag bibigay ng seed phrase o password, maski sa kamag anak. Depende na lang kung may tiwala ka. Mahirap na, nag iiba ang tao pag dating sa pera.

*Wag nag papaniwala sa mga fake news at links na binibigay ng kung sino sino. Matuto kang makuntento.

*Kapag may problema mag tanong tanong ka muna o mag research ka. Wag lang sa iisang tao ka maniniwala. Mag survey ka mas maganda haha.

*Wag maniniwala sa mga tao lalo na kung hindi kilala. Mababait kausap, mabulaklak ang bibig ng tao kapag may pera. Maski ba concern sa inyo na "wag nyo po madaliin at pera po yan" wag kayo papa-uto.

ctto Christian Pelagio

 

Similar threads


Reply