Back to Basics: The Kiting Technique

ramleague

Elite Gamer
May 11, 2015
270
12
18
Visit site
Introduction: Ito na naman ako pa'no ba yan? Hindi ako magpapapigil sa mga toxic dito 'no. Kahit ilang beses niyo pa ako i-trashtalk, at least may mga nagugustuhan ang tips ko.

Kaya yung mga toxic dyan, wag na lang kayo manggulo. Hindi ko kailangan ang atensyon niyo. Para ito sa mga gustong matuto. So ang topic ko ngayon ay Kiting...

Ano nga ba ang Kiting?

Ang Kiting ay nagmula sa salitang 'kite' na nilagyan ng ing sa dulo. Pinalitan lang yung e. So anong connect? Para ka lang nagsasaranggola. Lumalayo ka sa direksyon ng saranggola. Or in game term, you are attacking while moving backwards. Mahalaga ang technique na ito lalo na sa mga long range attackers gaya ng mga marksman at mages.

Example: Si Layla ang may longest range at Level 15 kaya siya na ang gagamitim kung example.

Nasa mid lane siya at katapat niya ay Lesley. Para mas simple, kunwari na lang na nagkaharap silang dalawa sa mid at level 15 kung saan mas malayo ang range ni Layla. Magagamit ni Layla ang tinatawag na kiting.

Aatake siya ng basic attack tapos step back atake tapos step back ulit and repeat. Dahil mas mahaba ang range mo, hindi ka nila maaatake at mas malaki ang damage taken nila habang pilit silang lalapit sayo unless mas mabilis sila sayo.

Example na dito ang first skill ni Lesley.

Syempre hindi pwede ang ordinary style ng kiting dito. Dapat lumayo ka muna bago ka ulit magstep back attack step back attack habang nagko-cooldown ang skill ng kalaban. Makakatulong din ang minions para hindi ka targetin ng kalaban kaya free hit ka na no'n.

Kailan pinakamagandang gamitin ang kiting technique?

Syempre kapag long range ang gamit mo at melee ang hero ng kalaban. Isa na ditong example ang Layla versus Minotaur. Dahil walang mobility skill ang minotaur, hindi siya makakalapit ng basta basta kay Layla. Kaya kung lalapit man sayo ang minotaur, just use kiting. Hindi ka niya maaatake.

May gusto pa ba kayong idagdag? Comment below. Yung mga toxic bahala kayo kung magcocomment kayo.
By: MysteriousKaito
 

Similar threads


Reply

Philippines Discord
Google News