Genre: defence of the romance...
DotA NA LANG SANA
pc1pc2pc3pc4pc5
*** Dota 2 ***is life....
DotA player po ako, so syempre kapag player ka, mapapa-DotA is life ka. Kada araw, lagi kong kaharap ang monitor at palagi kong holding hands yung mouse. Buong oras at panahon ko lagi sa DotA lang nakatuon at wala akong paki sa pag-ibig na yan.
Then one day, may dumating na babae sa buhay ko, nakilala ko siya sa Facebook then usap-usap tungkol sa buhay. Hanggang sa nagkaroon ako ng interes sakanya, yung tipong lagi ako na yung maggu-goodmorning at siya na yung bagong pinaglalaanan ko ng atensyon. Kahit po gaming at MMR nilalaro ko ‘pag nag-chat siya napapa-alt tab ako para lang mag-reply sa kanya. Kahit nga mga tropa ko naiinis na kasi nagcha-chat ako kahit nagka-clash na pala.
Hanggang dumating sa point na sinabi ko sa pabirong paraan kung pwede ako manligaw then pumayag naman siya. After 5 months, sinagot niya ako, syempre ang saya-saya ko noong araw na yun. Halos yung time ko sa paglalaro ng DotA, nakikipag-chat na lang ako sa kanya. Sobrang saya lagi namin ‘pag magkausap.
“Walang sawang mamahalin kita, pangako, ‘di kita iiwan”, syempre as first-timer naniwala naman ako. Lahat ng oras ko nasa kanya na. Nakakalimutan ko nang maglaro ng DotA dahil sa kanya, minsan ‘pag maglalaro pa lang ako tapos ‘pag sinabi niya na tama na, uuwi na agad ako.
Nakakabaliw talaga umibig hanggang sa mag-iisang buwan pa lang kami, dumating ang pinaka-ayaw kong salita, narinig ko sa kanya. Nakipaghiwalay- siya dahil sa ‘BUSY DAW SIYA AT WALA NA SIYANG ORAS SA AKIN’. Sa sobrang sakit napaiyak na lamang ako, ‘di lang naman mga babae ang umiiyak dahil sa pag-ibig, kami ding mga lalaki.
Sobra akong nasaktan at nalungkot. Biruin niyo, mas tumagal pa yung panliligaw ko sa kanya kesa sa naging relasyon namin. Kaya simula noong iniwan niya ako, naging sandalan ko ang DotA, lahat ng galit ko binuhos ko sa DotA at kung yung iba sa inom binubuhos lahat ng drama, ako sa DotA, na habang nakakapatay ako ng hero siya yung iniisip ko na namatay.
Lahat ng clash sa DotA iniisip ko na ibubuhos ko skill ko para mamatay ang kalaban. Then habang tumatagal bumalik ako sa pagiging adik sa dota, which is hanggang ngayon. Dapat pala noon hindi na lang ako naniwala sa sinabi niya, nag-DotA na lang sana ako. Bumalik sa pagiging DotA is life ang motto ko.
Kaya ang bestfriend at naging girlfriend ko ay DotA, umulan o umaraw, DotA pa din. Hindi na ako naniwala sa pagmamahal ulit.