Dragon Nest M Beginner's Essentials: Prioritize Your BP

ramleague

Elite Gamer
May 11, 2015
274
11
18
Tingnan mo po yung strengthen tab mo. Andun lahat ng kelangan mong gawin. Pero specifically eto matuturo ko sayo:

1. ENHANCE. Enhance mo increment mo by 5. Merong incentives yon kapag lahat 5 enhance na o 10,15,20 ganon. Isabay mo na rin yung UPGRADE (pag may sobrang materials ka sa nest), REFINE (maximize the refine stone sa attribute na mas kailangan ng class mo), saka ENCHANTMENT (gives extra attribute too, tas every attribute naman may kasamang bonus sa BP).



2. CRAFT. Panggawa ng gear. Makukuha mo yung item nito sa abyss at sa nest. Yung stones makukuha sa abyss kasabay nung Abyss Medal. Check backpack lang. Pwede mo ipalit yun sa stone din. Bili mo ung dc mo ng kulang na materials sa bazaar. 2x a day ka lang makakapagnest. Use it wisely. Per level, iba ibang material drop niyan. (Pero pwede gawing 3x kapag binuy mo pa ng isa.



3.JADES. Makukuha mo to sa Dragon Expedition at Dragon Soul. Pagpantay pantayin mo rin ang upgrade. Pwede mo isalvage yung jade papalit yung item na mukhang mahabang mata. Iexchange mo yun para makapili ka anong kelangan mo. Try mo Level 5 maximum goal per jade. Alam ko kasi may bonus din to kapag pantay pantay.



4. HERALDRIES. Mapipick up ito sa Boss Rush. Craft ka lang (kaso medyo pricey kapag beginner ka pa lang). Bumili ka rin sa bazaar. hanap ka ung may magnifying glass sa icon. May 3rd attribute yun. Tas yung mga bato na parang diamond hugis ipang refine mo sa mga heraldry mo.



5. FAIRIES. Di ko to masiyadong kabisado pero ang sabi sakin, iawaken ko yung main pet ko para tumaas yung skill, tapos iascension potion ko lahat. Gains stars though.



6. ALBUM. Sa may Continental Exploration po. Dice-dice ka lang pwede siya magland sa 1-2 moves, 3-4 or 5-6.. be wise sa pagbitiw, wag matakot makarating sa dulo kasi magbibigay ng bagong board. So piliin mo na yung number na meron kang makukuha na chest. Guys wag na wag kayo mag sasalvage ng album. Kasi after nyo ma kumpleto magagamit nyo pa siya. Hahaha tiis tiis para di mag sisi wag madaliin lahat. After mo kasi ma 60/60 magiging 1star na sya then may panibagong album na pwede mo magamit yung iba"



7. DRAGON WARES. Sa Dragon Soul. Farm ka don. Madali lang yon. Don’t worry sa tickets. Meron yun everyday sa mail, random ata time. Haha. Kasi mag gegain ka don ng dragon ware. Yun. Malaki rin yun na dagdag sa bp. Wag mo muna pansinin yung ibibigay na skill-related, swerte mo kapag class mo nakuha mo pero ok lang kahit hindi, basta mataas. May combine din to. Sa dragon ware oven. By grade naman (B to B grade, A to A-grade etc)



Yung mga bato mapapansin niyo may upgrade (heraldry refine stone, Ocean/Green dragon stone, ATK/DEF refine stone). So gawin mo. I"return refine" mo nagastos mong refine stone sa low level heraldry mo, tapos iupgrade mo para mag"combine" at tumaas level ng refine stone mo tas gamitin mo naman sa bagong level na heraldry mo. Malaki rin taas ng bp sa heraldry. Kaso beware di na to naibabalik baka masobrahan ka sa upgrade haha



PERSONAL TIP KO? Wag magmadali sa may leveling up. Iwas ka sa mga activities na mag gegain ng experience, mag mission ka lang pag may kailangan kang stage na buksan sa abyss o main dungeon. Focus sa BP. Kasi mahirap maghabol ng BP promise haha.

DISCLAIMER. Lahat ito based lang sa experience ko, marami pang kulang or pwedeng may mga mali. Correct me if I'm wrong lang. TAKE NOTE, NOT IN ALL SITUATIONS KAILANGANG IPRIORITIZE ANG BP. Kanya-kanyang preferences yan. Guide lang din eto pano sundin yung "strengthen" tab mo kung wala kang idea pano gamitin ito.

ps. nilagay ko jan ign ko saka server ko, di pa ako petmalu pero pag may gusto pa kayo tanong o kaya pag nakita niyo man lang ako batiin nyo ko haha. Gusto ko lang talaga magshare. Tas kung gusto niyo ng guild na happy-happy lang. Rank 13. "PinoyPride" search niyo.

Ikaw, anong beginner's tip mo?
 

Reply