Everything That You Have to Know About Stats and Item Stacking

mltlgganda

Casual Gamer
Oct 9, 2018
45
5
8
Visit site
Hero and Item Stats
Armor- investing on this stat reduces the physical attack that your hero receives during battle. In short “pangpakunat” pero sa physical attacks lang ang kaya ngang harangin.
Example: You Vs. Layla, since lahat ng skill ni Layla ay physical damage, epektibo ang armor upang hindi malakas ang bawas na tatanggapin ng hero mo sakanya.
Example 2: You Vs. Eudora, since lahat ng skill ni Eudora ay magical damage(Mahika) hindi magiging epektibo ang armor bilang panangga sa kanyang mga atake(Skills)
Note: Lahat ng normal attack ng mga hero(Bayani) ay physical damage sa skills lamang sila nagkakaiba.

Magic Res- “Res” ay Resistance(Resistensya) simple lang, kung may armor para sa physical damage, meron ding Magic Res para sa Magical Damage.

Example : You vs Layla, since Physical Damage ang skills ni layla, hindi magiging epektibo ang Magic Res bilang panangga sa kanyang mga atake.
Example 2 : You vs. Eudora, alam na dis, syempre effective kasi nga diba magical damage ang kanyang skills.

Okay lets move on.

Time-Controlled- Bago ba ito sa iyong paningin? Kung ikaw ay kasalukuyang nasa lobby, maaari mong tignan ang Tough Boots. Time controlled ay isang bagay sa laro kung saan ikaw ay hindi makagalaw ng maayos, HINDI LAG DAHIL SA GLOBE O PLDT HA.

kundi ang mga skills ng kalaban kung saan ikaw au hindi makagalaw(immobilized), hindi makapagbitaw ng skills(silenced), hindi makagalaw at di makapag skill(Stun). Ang time controlled ay kailangan upang mapadali ang oras na ikaw ay nasa ganong kalagayan.


Example - Kung ikaw ay magiging broken hearted ng isang oras(60 minutes) ngunit may time controlled ka na 50% ang resulta ay magiging broken hearted ka nalang ng 30 minutes. O diba mas masaya kasi di ka na masyado magdurusa.

Note: Effective ang time controlled na stats kapag kalaban mo sila; Moscov, Selena, Minotaur, Nana, at iba pang heroes na maraming CC(Crowd Control)

Physical Attack- Lahat ng normal attack ng hero ay Physical Attack, ngunit sa skills lamang nagkakaiba. Ito ang atake na nasasangga ng armor, minsan ito ay skills ng hero, ang bawas na idinudulot ng Minions, at Jungle monster ay halimbawa ng Physical Attack
(Damage Text Color Red)

Example: Layla - Physical Attack resulta Physical Damage

Magical Attack- Ito naman ang kabaliktaran ng Physical attack, kung si Layla, Miya, Saber, Roger ay Physical Damagers, ito naman ay ang mga atake ng Mahika na hindi nasasangga ng armor kundi nasasangga ng Magic Res.
(Damage text color Purple/Violet)

Example: Eudora, Aurora, Harley - Magical Attack resulta Magical Damage

Magic Pen- “Penetration” Ito ay karagdagang stat upang mas lumakas pa ang Mahika(Magic Damage) ng isang hero laban sa Magic Res. Kapag masyadong mataas ang kanilang Magic Res, kailangan ng Magic Pen upang mabuwag ang kanilang mataas na depensa upang mataas parin ang ating idudulot na Magic Damage.
Karamihan ng may mataas na Magic Res sa laban ay Tanker.
Physical Pen- kung may magic pen may physical pen din.

True Damage- (Damage Text Color White) Maaari mo syang makita sa items (Endless Battle, Thunder Belt) at sa spell na (Execute), Ang True damage ay ang damage na walang kinalaman sa DEPENSA ng kalaban, gaano man kataas ang kanilang depensa ang true damage ay FIXED na.

Damages Comparison Example
Ex: 100 Phy Damage vs 50 armor = 50 phy dmg
Ex: 100 Magical Damage vs 50 Magic Res = 50 Mag Dmg
Ex: 100 True Damage vs 50 phy and mag def = 100 True Damage

Shield Absorber- Shield malamang panangga, makikita sa items na Athena’s Shield, Rise Gold Meteor and Immortality. Spell(Aegis)

Ito ay karagdagang depensa na nadadagdag sa HP kapag kinakailangan, Ang pagkaubos ng shield na ito ay depende kung gaano ka katigas, or kung gaano kataas ang mga depensa mo.

MP (Mana Points)- Blue Bar ( Ginagamit sa pagbitaw ng mga skills)
HP(Hit Points)- Green/ Yellow/ Red Bar ( Buhay ng iyong hero(bayani)
Energy- Yellow Bar(Selected Heroes only)

Attack Speed- kung gaano kabilis ang Normal Attack ng hero

Critical - Isang malakas na atake na halos dumodoble ang bawas, makikita mo din na malaki ang RED DAMAGE TEXT na lilitaw pag violet naman ay Magic ito.

Critical Chance ay ang chansa na ikaw ay bumitaw ng malakas na damage.

Crit Dmg - Ito naman ang pinsala na idinudulot ng critical ngunit kung papataasin mo ang crit damage, hindi ang chansa na makadulot ng malakas na atake ang nadadagdag ngunit pinapataas nito ang bawas na maidudulot kung sakali mang ang iyong hero ay magdulot mg Critical Hit.

Healing Effects - healing text color (green with + Sign) Heal ay ang pag dagdag ng buhay. Pag umuwi ka sa base o kayat meron kayong nga support na nakakapag heal.

Spell Vamp (Phy&Mag) - (Damage text Color. ( Green with + sign) - Spell Vamp ay ang paraan ng pag agaw ng HP gamit ang SKILLS hindi normal attack.

Lifesteal - Damage Text color (Green with + sign) - ito ay ang pag agaw ng hp gamit ang normal attack.

meron tayong
Physical Spell Vamp
meron din
Magical Spell Vamp

HANGGANG SA MULI!!!!
 

Reply