FanFiction Savagely Inlove

ramleague

Elite Gamer
May 11, 2015
274
11
18
Genre: Romantic Comedy at may konting drama

Prologue

" Mahal kita pero hindi pwede..." sabi ko sabay taas ng ulo at nakita ko ang pamumuo ng luha sa mata nya.

"Bakit?" tanong nya ng may nanginginig na boses.

" Dahil hindi pwede, please kagura umalis kana rin bago ka pa nila makita dito, hindi ko sila mapipigilan ng matagal. patawarin mo sana ako sa gagawin ko." napaluha ako at muling isinuot ang mask ko at umalis na sa bahay na yon.

Muli ko syang tinignan, umaagos ang luha nya at napapahagulgol na sya. Parang pinipiga ang puso ko sa nakikita ko, Mahal na mahal ko na talaga sya, mas lumakas ang agos ng luha ko kaya't umalis na ako ng tuluyan. Mahal kita, kaya iiwan kita. patawad. hindi ako naging malakas para sayo.

Chapter 1

*Haya's PoV*
Kagura Shinomiya, yan ang pangalan ng babaeng nagpatibok ng puso ko, isa sya sa pinaka magandang babae na nakita ko sa buong buhay ko. Maganda, Matalino, Mabait, at Masipag.

Ako si Hayabusa Yagami. Nerd dahil laging naka mask na parang palaging may sakit, naka salamin ng makapal at palaging naka suot ng longsleeves o di kaya'y jacket.

Madaming tumatawag saakin ng Canser kasi parang may sakit daw talaga ako sa suot suot ko, nerd ang pustora ko pero hindi ako matalino, nasa 4th year highschool na kami.

Simula ng nakatungtong ako sa ML high, hinahangaan ko na talaga sya dahil sa ganda nya, sya ang kaunaunahang estudyateng nakilala ko dito dahil bukod sa mabait sya ay approachable pa.

"Hoy!!" sigaw ni lance sa akin , napatakip naman ako ng tenga dahil sa ginawa nya, "[email protected]@ ka parang nabutas ear drums ko ah" sigaw ko rin sabay suntok sa braso nya.

"Nag dedaydream ka na naman kay miss payong, bat kasi hindi mo pormahan, tae bakla ka ba?" natatawang tanong nya, sinamaan ko naman sya ng tingin kaya napataas sya ng kamay sabay tawa.

tinatawag syang miss payong sa school kasi kahit saan sya mag punta naka payong sya, pero hindi naman sya maarte baka takot lang talaga sya maarawan.

"Ako bakla? baka ikaw ang haba nyang buhok mo gusto mo atang talunin si Rapunzel, nag sasunsilk ka no? ahahaha, pero taena, anong pinagsasabi mong pormahan ko sya tingnan mo nga itsura ko." sabi ko sabay harap sa kanya kaya mas lalo syang natawa,"Letche isang tawa pa papangahin talaga kita" banta ko.

"Whoah, ahaha ang init ng ulo ahaha, Wala ka kasing skill puro ka talkshit wala ka namang gawa, hanggang tingin ka nalang nyan sige ka, umaaligid pa naman yung dart varsity player natin, ano ulit pangalan non? Gossen o Gusion?" tanong nya sabay tingin sakin.

Napatingin naman ako sa kanya ng may nanglalaking mga mata " ulol Girlfriend nya si miss sniper yung Lesley, yung may patch sa mata na akala mo palaging may sinisipat." sabi ko naman sabay tingin ulit kay kagura na nag lu-lunch, nasa canteen kasi kami ngayon lunch time na kaya malaya ko syang nakikita sa malayo, tumatawa sya at ang ganda ganda nyang tingnan, napangiti naman ako.

"Alam mo bang barkada si Alucard at Gusion?, Balita ko kasi napaka babaero nyang si Alu, Una niligawan nya ng sabay si Rafaela At Ruby na parehong nasa section 1 tapos mga ilang linggo lang naging girlfriend na nya si Miya yung Archer Varsity Player, kaya kung magkaibigan sila hindi malabong babaero rin yang si Gusion." mahabang kwento nya , napatingin naman sya sa relos nya sabay sabing "Hala! patay tapos na nga pala practice ni Odette, una na ko bro."

umalis sya pagkatapos tapikin ang balikat ko at napatakbo palabas ng canteen, ballet dancer kasi si odette at myembro ng school choir, malakas sumigaw kaya ayaw ni lance na mag away sila kaya naman todo ingat ang [email protected] dahil baka magaway na naman sila ng girlfriend nya.

Tumingin ulit ako kay kagura na patapos nang kumain. Tama si Lance, hindi malabong ligawan ni Gusion si Kagura dahil magkaibigan din sila ni Lesley, malay ko bang mag kaibigan lang din si lesley at gusion at may pagnanasa din sya sa kagura ko, Kailangan ko nang gumawa ng paraan para mas mapalapit sa kanya.

Natapos na silang kumain magkakaibigan kaya tinapos ko na din ang pagkain ko, bigla namang lumapit yung tigasilbi sa canteen sakin, medyo close kami kasi madalas din syang ma assign malapit sa room ni kagura kaya lagi ko din syang nakikita, "Uy Haya, pinapatawag ka sa office ni Principal Vexana" Ani nya sabay sinimulan ang paglilinis sa mesa ko

"Ha? bat daw ako pinapatawag Cyc?" kumunot ang noo ko sa pagtataka dahil hindi ko alam kung ano ang ginawa kong mali.

"Di ko alam eh, pero sabi nya pumunta ka na daw ngayon mismo dun" sabi nya naman "Ah ganun ba? sige salamat una na ako Cyc" paalam ko sabay alis, tinanguan lang nya ako.

Pagdating ko sa Principal's Office may kakaiba agad akong naramdaman, parang pamilyar sa akin ang aura na yun. Kumatok ako at pumasok nang tuluyan. Hindi naman ako nagkamali sa naramdaman ko dahil nandito nga sya.

agad naman akong yumuko upang bigyan sya ng galang "Master" tanging nabanggit ko. Senenyasan nya akong tumayo at dun na ako bumati kay principal. "Good noon principal Vex." bati ko sa kanya "Good noon" bati nya naman pabalik.

"Kaya kita pinatawag dahil may importante kaming sasabihin sayo iho." serysong sabi ni principal kaya lumakas ang kabog nang dibdib ko, ibabalik na ba ni master ako dun? ayoko, ayoko nang bumalik sa impyernong lugar na yun. napatingin naman ako kay master na nakatingin kay principal na nakatingin sakin, bakit ba? kailangan mag describe eh.

"Well may pabor lang naman ang isa sa may pinakamalaking share sa school na ito at ang pabor nayun ay napapatungkol sayo." Dugtong nya kaya nakinig naman ako, "Ililipat kita sa Section 1 Kasama yung kaibigan mong si Lancelot Cruz, dahil may mission ka."

mas bumilis naman ang tibok nang puso ko. "Iha pumasok kana" sabi ni principal at may lumabas naman na magandang babae sa isa sa mga room dito sa office ni principal vex.

Nanlaki naman ang mata ko dahil sa lumabas na babaeng yun "Hello, we meet again Hayabusa." malamig na bati nya habang nakatitig sa mga mata ko, hindi ko inaakalang makikita ko pa sya

"Hanabi..." yan lang ang tanging nasambit ko.

*End of Chapter 1*

Next or Delete?
Libre lait ahaha
 

Similar threads


Reply