Freezing and Shoving

ramleague

Elite Gamer
May 11, 2015
274
11
18
eezing and shoving ang karaniwang ginagamit/ginagawa ng mga players para ma-dominate nila yung respective lanes nila, hence the call "lane dominace". May mga pros and cons ang Freezing and Shoving.

Ibig sabihin ng "freezing" na ginagawa sa lane is yung pagpigil sa lane mo na mag push-in sa tore ng kalaban. Paano ginagawa? Maglast hit ka lang ng enemy minions pag mamatay na sila, para mabagal yung pag-usad ng lane mo. Also, habang nagfrefreeze, pag melee ka, pwesto ka sa gitna ng creeps mo pati creeps ng kalaban. Pag ranged, sa gitna ng creeps mo.

Pros:
-Lane pressure
-Creep stacking
-Lane control
-Farm denying

Cons:
-Pushing power
-Creep stacking (lol)

Pag nag-freeze ka, pinipilit mo yung kalaban mo na lumapit sa gitna ng lane para makapag-cs, or harapin niya yung wave ng minions na pupunta sa tower niya pag nastack na sila. Mag-freeze ka kapag yung ikaw ay:
-Lane bully
-Madaling manalo sa trades
-Pwedeng ma-gank ng jungler

Mag-freeze ka rin ng lane pag yung kalaban mo ay:
-Madaling ma-lane pressure
-Hirap mag farm under tower
-Low health
-Masyadong play safe
-NASA LANE

Kung nagtotower hug siya, mahihirapan talaga siyang maglevel-up or mag farm dahil sa freeze mo. Maganda ring pangset-up ng ganks yung pagfreeze ng lane kung maganda yung pwesto nang pagfreeze. Mga champs na usually hirap mag farm under tower ay yung mga tank na walang AOE (Shen, Nasus na wala pang CD, etc.) ay mahihirapang makakuha ng advantage sa lane pag nafreeze mo. Magfafarm si Nasus sa lane? Trade ka kung kaya mo. Pipili si Nasus kung either labanan ka or kumuha ng cs. Either way, lugi siya. Papalag si Shen habang nagfrefreeze ka? Pag stacked na yang minions mo edi lahat ng minion aggro kay Shen mapupunta. Wag ka namang magfreeze pag yung kalaban mo ay madaling makakafarm under tower (Darius, Yasuo, Fiora, Etc.) Binibigyan mo lang sila ng libreng farm na hirap ka pa makipagtrade kasi, under tower sila. Lalo na't bigyan mo ng malaking wave si Yas, nako GG.

"Shoving" naman yung ginagawa kapag wala yung kalaban sa lane tapos kailangan magpush/magdeny ng cs. Paano mag-shove? Push mo lang yung lane as much as possible.

Pros:
-Creep deny
-Lane control
-Pushing power
-Roam potential

Cons:
-Open to ganks
-Under tower cheese
-Hard trades

Malaking yung naitutulong ng shoving sa lane, especially kapag wala yung kalaban. Karaniwang ginagawa kasi ng mga league players eh pag wala yung kalaban, finifreeze yung lane. Why? HAHAHAHA. Pag nagshove ka, di mo lang dinedeny ng cs yung kalaban mo pag nakabalik na siya, binibigyan mo pa yung sarili mo ng extra time para makapressure sa map or makapagback ng di nahihirapan sa lane. Mag freeze kapag ikaw ay:
-Malakas magpush
-May planong mag-roam or magback
-Well warded
-Maganda waveclear

Mag shove ka rin kapag yung kalaban:
-May planong mag back/nagbaback
-WALA SA LANE

Let's say napatay mo yung kalaban mo sa lane tapos healthy ka pa naman, shove the lane as much as possible. Pag walang tp yung kalaban, maraming mawawalang cs sa kanya under tower at pag ikaw naman yung nakabalik sa lane, nasa advantage mo yung lane mo. Or kung nagback yung kalaban. Shove the lane tas magroam ka or tumulong sa objectives. Wag ka namang magshoshove ng lane kapag nandiyan pa yung kalaban. Maeextend ka at open ka sa ganks, kahit warded ka pa. Always shove to push, not to harass, ikaw pa yung madadali sa dulo niyan. Kung mapapansin mo, karamihan ng pro players ay nagshoshove ng lane bago magroam or mag B. Marami kasing benefits dun. Combine shoving with excellent warding and you can dominate any lane nang hindi nagugulat ng kalaban.

Basta rule of thumb, freeze kapag may kalaban, shove if walang kalaban/may pupuntahan.

Pag may tanong, comment down nalang. Basta di toxic, sasagot ako ng maayos. Sorry mahaba pero at least detailed HAHAHA. Tsaka sorry kung top lane ako focused kasi top lane yung usual kong lane. GLHF and go get 'em! (Di pa ako natututlog puta HAHAHA)
 
Reply