Genshin Impact Tips

Bantillo

Elite Gamer
Nov 4, 2018
261
9
18
Visit site
Mga maliliit na bagay na nagpadali ng buhay ko sa paglalaro ng Genshin Impact:

1. Mas madali hulihin isda pag frineeze ang tubig (di na makakatakas )

EDIT - pwede din daw kuryentehin ayon sa ating mga tropa

2. Markahan ang area ng map na may content/puzzle/kalaban na hindi mo pa matapos or hindi mo pa maprioritize dahil sa ongoing quests

EDIT - wag kalimutang lagyan ng label ang pin para di malito!

3. Pag may puzzle na kelangang may tumapak sa isang spot, gumagana na pabigat yung alaga ni Amber, pero yung kay Xiangling hindi (exception sa heart island, di gumagana both)

EDIT - gumagana din ang geo skill ni traveler atsaka yung skill ni Ningguang pag ayaw mo kay Amber! (Ningguang bit contributed by Elaine Simpao. Salamat!)

4. Hindi lahat ng puzzle at secret chests ay obvious, pay attention sa mga clues

5. Dahil sobrang taas naman ng weight limit, wag tamaring pulutin lahat ng loot na makikita, lahat yan may gamit

6. Ugaliing mag switch ng mag switch ng mga character sa mga laban para mapractice ang elemental combos

Kayo? Dagdagan nyo naman to panigurado madami pa akong hindi alam

Dagdag ng mga helpful peeps sa group:

7. Pumunta sa tavern para bumili ng mga wine or cocktails na consumables, mura lang siya every day ang refresh.
*boost ng damage atk or certain element
*resistance
Salamat christian alpuerto!

8. Tagain mo ng tagain ung puno para kusang malaglag mga prutas
Salamat Romel Balin!

9. Pwede gamitin yung Geo skill ng MC sa mataas na lugar para may tapakan ka at mag recover ng stamina
Salamat Michael Liclican!

10. Nalimutan ko pala. Kapag nasa gitna kayo ng tubig at malulunod na kayo, o kaya may boss fight tapos alanganin, open nyo agad map at magteleport, instant safe! Hahaha

11. Pag mauubos na energy mo sa climbing at alanganin ka na, may dalawa kang option - kumain nung stamina replenishing food, o kaya bitaw ka sabay diving/flying attack. Kesa mamatay sa fall damage

ADDENDUM - Kung new players po kahit full hp patay pa rin sila (sa diving/plunge attack)

May occurrences rin na pag may tinamaan na kalaban sa dive walang fall damage kahit galing peak yung aerial attack (skl sensya na boss gusto ko lang rin maging newbie friendly yung guide mo )
Salamat Jepoy Tolentino!

12. When you use elemental vision around spirits, you can actually see where they are headed.
Salamat Jay Nayon Jr.!

ADDENDUM - Tapos follow up sa number 12: pag ung empty statue ng Seelie naman ung makita mo, use Vision para makita kung saang general direction nung Seelie for that statue
Salamat John Apostol!

13. Kesa isa isaisahin nyo pulutin mga drop, tayo lang kayo sa gitna tapos click nyo lang yung screen na wala sa selection, instant kuha na lahat. (Phone functionality)
Salamat john rey merino!

14. There is a girl named Chloris along the road of windrise, always buy the Valberry, Windwheel Aster and Philameno mushroom. Hustle maghanap nyan eh, need mo pang ascend nung ibang heroes ng Mondstadt
Salamat Jerico Raqepo!

15. For traveling gumamit kayo ng matatangkad na character para mas mabilis takbo niyo, kagaya nila, Kaeya, Diluc, at Jean.
Salamat Miguel Medul!

16. Fastest character in the game: Mona. Number 1 sa sprinting

Fastest miner: Ningguang. May passive skill to detect cystals sa minimap & she can easily melt yung crystals by normal attack.
Salamat Seah Badiongan!

17. Pag hindi busy, kumausap din ng mga NPC at iexplore lahat ng conversation, minsan may isang specific convo sila na mag eend sa pamimigay nila ng items or loot sayo. Kung wala, ayos lang din kasi naimprove ang knowledge nyo sa lore

Salamat Eigan Santiago!
 

Bantillo

Elite Gamer
Nov 4, 2018
261
9
18
Visit site
Material Guide For All Characters (Genshin Impact)


 

Reply