How to Create new ML Account iOS 

ramleague

Elite Gamer
May 11, 2015
274
11
18
Ang post na ito ay magsisilbing gabay kung paano gumawa ng panibagong account sa Mobile Legends: Bang Bang ng hindi kailangang i-reset ang phone at ang kailangan lang ay i-reinstall ang application.



Ang guide na ito ay para lang sa mga iOS users (maaaring hindi applicable sa lahat ng iOS devices pero higit na naaangkop ito sa mga iPhone devices.

DISCLAIMER:

1. Huwag kalimutang i-bind ang kasalukuyan o ang iyong main account bago gawin ito.
2. Bago gawin ito, tiyakin alam mo ang mga impormasyon sa KASALUKUYAN o MAIN account mo gaya ng kung ilang heroes, ilang skins, ilang diamonds, kailan mo ginawa at anong device ang ginamit mo sa paggawa ng account mo. Ilan lamang ang mga ito sa mga karagdagang seguridad na tanong kapag ikaw ay mag switch account o kapag ikw ang babalik na sa main account mo.
3. Hindi ko alam ang pwedeng risk sa paggawa neto pero alam kong safe po ito

Guide:
1. I-uninstall ang Mobile Legends:Bang Bang application. Pumunta sa Settings > General > iPhone Storage > hanapin ang App at i-click ang> Delete App (ang pag uninstall ay maaring hindi pareho sa iba)
2. Pumunta sa Settings at piliin ang “Privacy” at pumunta sa “Advertising”
3. Pindutin ang "Reset Advertising Identifier..." at "Reset Identifier"
4. I-redownload ang game.
5. Maaari ka ng gumawa ng panibagong account at tapusin ang tutorial. Enjoy!

 

Similar threads


Reply