Laro Lang, Wag Magpakain Sa Larong Ito!

Aldeo Galiego

Newbie Gamer
Nov 23, 2018
1
1
1
MOBILE LEGENDS: "LARO LANG, WAG MAGPAKAIN SA LARONG ITO! WAG MAGPAKAIN SA TEKNOLOHIYA!"
Hi ako nga pala si Aldeo, isa sa mga ml players na nasaksihan ang nga pangyayari mula nang sumikat ang ml hanggang ngayon.

Noong sumisikat pa ang larong ito ay halos mababait pa lahat ng players at MATURED silang mag-isip. Yung kumbaga kung mamatay ka sasabihan kalang nila ng "Okay lang yan, bawi lang tayo", "Hahahhaa, sige, go lang", "Sorry, di kita na tulungan", ganyan yung nababasa ko na chat. Eto yung oras na may konsiderasyon, mababait, at magagalang pa ang mga players ng larong ito.

Sa pagdaan ng taon ay biglang umiba ang ihip ng hangin at umiba ang mga players. Rumami rin ang mga manlalaro, mapabata man o matanda. Ngunit ang nakalalungkot ay umiba sila. "Bobo ka, cancer", "Noob mo naman,quit ml", "pu*angina, feeder, vovo", "Malamang bata ito kaya't cancer", "Quit ka na ng ml, para mabawasan ang cancer" yan ang kadalasan ng sinasabi. UTANG NA LOOB, THINK LIKE A MATURED PERSON!

Pwede bah? Laro lang ito, okay? ANG MOBILE LEGENDS AY LARO LAMANG AT GINAWA PARA MAGING MAGANDA ANG CHILDHOOD NATIN, MAGING MASAYA TAYO KAHIT PANSAMANTALA, MAKISALAMUHA SA IBANG PLAYERS, AT MAIMPROVE NATIN ANG ATING SKILLS PAGDATING SA LARANGAN NG ESPORTS, HINDI PARA MAGAWAY AT MAGTRASHTALK.

Ngayon ay marami nang natutong magtrashtalk, at inaaway pa ang kapwa ml players, lalo na't kabataan ay ginagamit na rin ang salitang ito sa mga taong nakakasalamuha natin pang araw araw.

"Cancer!" Sinasabi sa mga di marunong maglaro. Utang na loob, WAG KANG MAGMALINIS DYAN, BAGO KA MANGHUSGA ISIPIN MO SAN KA NANGGALING. kung walang cancer, walang players. Lahat tayo nagsimula sa pagiging cancer, di tayo marunong sa una at kalaunay naging marunong rin pagtagal ng panahon. "bobo", pwede bah? Hindi lahat ng ml players na nagiging feeder or di naging magaling sa game niyo ay bobo, meron iba ay napakalakas lamang ng kalaban niyo, o nagkamali talaga ang team niyo, WAG NIYONG SISIHIN ANG TEAMMATES NIYO, KUNG NATALO MAN KAYO, WAG KANG MAGTRASHTALK, KUNG MAGTRASHTALK KA MAN SIGURADUHIN MO MUNANG NADALA MO ANG TEAM MO! Wag magmalinis, please.

Gustong gusto ko talaga ibalik ang dating ml at players nito, sana'y sa mensaheng ito ay natuto rin kayong gumalang.
Wag tayong magpakain sa teknolohiya, kaya't pahirap ng pahirap tayo dahil sa pagkakaobssesed natin sa teknolohiya.
Pwede naman tayo maglaro, isipin lang talaga natin ang limits natin, at maging matured tayo magisip, utang naloob pls. Bematurex.
I'm Aiden Aldeo Galiego, again, be matured. Let's bring the old ml back.

P. S: di ako nagmamalinis, minsan napapamura rin ako pero nagsosorry naman.
 
  • Like
Reactions: unel

Similar threads


Reply