Leomord Indepth Full Guide The movement debuffer

AshuraML

Elite Gamer
May 1, 2019
128
11
18
Visit site
Introduction: Si leomord ay isa sa fighter na nasa meta ngayon na malakas sa team fight at clash lalo na kapag nakasakay sa kabayo niyang si Barbiel. Mas madalas kang makakasama sa team fight kung mababa cd mo. Halos lahat din ng skills niya ay may slow effect kaya nga movement debuffer ang bansag ko sa kanya.

Leomord can be bought using 32,000 battle points or 599 Diamonds.



Why choose Leomord?
  • Quite Easy to Use
  • Movement Debuffer
  • High Sustain
  • Relies on both basic attack and skills
  • Can survive 1v2 or more as long as he is ahead in terms of level and items

Weakness:
  • CC (will be discussed further in the latter part of this guide)
  • Low movement speed (lowest among all fighters) but is balanced by his dashes in his skill set
  • Needs enough space and time to get items and level up fast
  • Has a lot of direct hero counters
  • Item dependent and flicker/sprint is almost a must
  • Burst Damage (which counters his high sustain)

Skill Review:

Passive niya ay sure crit kapag less than 30% na lang ang HP ng kalaban

Tips and Tricks for his passive
[ Leomard Passive skill will easily kill multiple of enemies when reaches by 30% and below.

Building a critical hit items will increase the damage ratio of critical in every hit when reaches the opponent HP by 30%.

The higher the Damage and Critical, the higher the damage will occur using Basic Attack

Building critical items like Berseker’s Fury, Windtalker and Scarlet Phantom will greatly increase your Critical hit and Attack Speed

Disclaimer: Berserker's Fury is the only recommended subcore item for Leomord. But you can experiment with the other items when playing Classic Mode.]

Ang first skill niya ay may 60% Slow Effect kahit hindi pa totally nacacast ang skill na ito. Ito 'yong chinacharge pang skill ni Leomord. The longer the charge, the higher the damage.

Second skill naman niya ay may 50% slow effect. Hindi 'to normally ginagamit pang-engage pero worth it din siyang gamitin dahil sa slow effect na ito. Blink skill niya ito

Ultimate skill niya ay 'yong sasakay na siya kay Barbiel. Pwede 'tong macounter ng kalaban basta hindi mo makasalubong si Barbiel dahil magiging useless ang skill na ito. May 50% slow effect din ito. May new set of skill ka kapag ginamit mo ito.

Slight dash ang first skill niya ngayon na may 60% slow effect.

Second skill niya naman ay may knock back effect.

Additional Info sa Mounted State niya.
  • If Leomord is riding on the horse the skills for “Mounted State” will remain stable for a short time.
  • Leomord’s Damage will increase when his in Mounted State
  • Leomord's not only dashing. He can do also pull or push the enemies while dashing for a short distance.
  • Leomord Basic Attacks will be an AOE Skill because you can hit everyone around you.

Laning:

Solo Top ang pinakabest lane niya para makapagfarm ng maayos at mabilis makapagpa-level 4 para makapagrotate at makatulong sa teammates.

Sikapin mong makapagfarm agad at huwag muna sasali sa clash lalo na kung early game. Lalo na kapag Endless Battle ang una mong item after ng boots. Matagal-tagal i-build yo'n pero lamang ka na kapag mayroon ka na no'n kaagad.

Also, pag may nakikitang kalaban na nagcra-crab you can steal it always gamit yung kanyang first skill pero dapat mong timingan. Ito ang explanation kung bakit sa top lane siya. Kahit nasa turret range siya, kaya niyang maabot 'yong gold crab gamit ng first skill niya sa human form.

Kung may malapit na kakampi mong need ng tulong don't hesitate to help him. Kasi kaya niya mag turn around ng situation kahit maraming kalaban as the cooldown ng skills sa mounted state niya ay mabilis lang. Tantiyahan lang din minsan ng sitwasyon kung kaya mo ba talaga.

Pag nakabasag ka na ng isang tore sa top lane, I recommend na magrotate ka na at tumulong sa pangga-gank ng kalaban dahil AoE ang damage nya pag nakasakay sya kay Barbiel.

Wag matakot sumugod sa 5v5 dahil may lamang kayo dahil sa AoE damage ng Basic Attacks at Skills niya. Tsaka fighter ka kaya pagkatapos saluhin ng tank niyo 'yong first wave ng damage at CCs, sugod ka kaagad papunta sa gitna ng teamfight at tulungan mo 'yong Assassin niyo na mapatay ang mga nasa backline.

Be consistent at huwag gumawa ng mistakes kung ayaw niyong matalo. Also, kung gusto mo ng mas mabilis na cooldown, you can get buff to help you out always. Mas maganda kapag buff na nasa area ng kalaban.



Item Build:

Discuss ko muna 'yong sarili kong style sa pagbuild sa kanya. Hindi ito pangpro pero maganda 'to sa solo ranking.

Start off with hunter's knife para mas efficient ka sa pagfarm sa jungle monsters.
  • Boots: I recommend 2 boots.
  • Rapid or Warrior Boots
  • Rapid Boots for Fast Rotation
  • Warrior Boots for Armor.

2nd Item : Bloodlust Axe

Ito 'yong magiging main sustain item niya as it gives 20% spellvamp which is maganda para kay leomord.

Mababa lang kasi ang cooldown ng skills niya plus masakit din. Maganda rin ang +70 na dagdag nito sa physical attack.

3rd Item: Endless battle

Para sa karagdagang 15% lifesteal and 10% cooldown reduction which is maganda para sa kanya. Maganda rin 'to para kahit cooldown pa skills niya ay may sustain ka pa rin sa basic attack.

After mong ma-build ito, may 20% Cooldown Reduction ka na from Items.

4th item: Blade of Despair

Pag nakuha mo na 'to, napaka-deadly mo na sa clash kasi bukod sa large amount of damage na mabibigay nito, napakaganda ng unique passive nito. Pag lower than 50% ang HP ng kalaban, may karagdagang 25% damage which is a lot especially magkakaroon ng synergy sa passive ni leomord na kapag 30% na lang ang buhay ng kalaban, critical damage automatic.

5th Item: Berserker's fury

Para sa karagdagang 25% crit chance. Saka 'yong unique passive nito na 40% critical damage which synergizes well with Leomord's Passive. Passive nito plus Passive ng BoD means auto-kill ang mga kalaban mong less than 30% na lang ang health.

Last Item: Immortality/Wings of Apocalypse Queen.

It depends in the situation pero kung super late game na kayo, mas magandang Immortality as it will increase the chance of preventing wipe-out.

Wings of apocalypse queen naman pag confident ka na di ka mapapatay agad-agad sa clash. Passive nito ay every 50 secs, if your health is below 50 percent, you'll receive 50% damage reduction and 30% lifesteal within 5secs which is magandang maganda sa clash 'to pag sayo nakafocus lahat ng damage ng kalaban.

Pro Build: By Teng of Aether Soul
  • Wizard Boots
  • Bloodlust Axe
  • Endless Battle
  • Blade of Despair
  • Wings of Apocalypse Queen
  • Immortality

Wizard Boots kasi Teamplay naman ang focus niya since Squad sila kung maglaro kadalasan. Early game, assists lang muna i-aim mo tapos tsaka ka na maging aggresive kapag may Blade of Despair ka na.

Counter Picks:

Thamuz- Mas malakas si thamuz kaysa kay Leomord sa 1v1. Kayang kaya ni Thamuz i-burst down si leomord lalo na pag walang tulong. Pero mahina na si Thamuz kapag teamfight and sa late game. Look for our Thamuz guide to know more and why mahina si Thamuz sa late game.

Minsitthar- Pag nag-ultimate skill na 'to, di makakapag skills si leomord under ultimate state kasi Blink lahat ng skills niya except sa first skill. That means hihina sa clash si Leomord lalo na't mostly ng damage niya ay from skills. Maganda lang kasi ang puro basic attacks kapag low HP na ang kalaban pero kapag halos puno pa, skills then basic attack then repeat.

Minotaur - Tamang dabog lang wala ng magagawa si Leomord. Although lahat naman wala ng magagawa dahil CC skill ang ultimate ni Minotaur, makunat din siya para kay Leomord and personally siya ang isa sa pinakaayaw mong makatapat na tank sa teamfight.

Chou- Counter naman si chou sa lahat, eh. Pag mag-uulti si Leomord, sipain mo lang palayo si leo nang hindi makasakay kay Barbiel.

Jawhead- ibabato mo palayo para di makasakay sa kabayo.

Nana- Iwas sa second skill nito. Hayaan mong tank ang sumalo kasi kapag sinalo mo 'to sa teamfight, walang kwenta sustain mo at mapapatay ka kaagad. Sustain kasi talaga ang nagpapakunat kay Leomord lalo na kapag walang defense item.

Ruby- hook para di makasakay sa kabayo

In short, weakness ni leomord is mga crowd controls at mga hero na kaya siyang ilayo mula kay Barbiel kapag magcacast siya ng Ultimate skill.

Spells to use:

Purify- kung sa tingin mo marami cc ng kalaban you really need to use this dahil malaking tulong 'to sa clash pero dapat fast hand ka tapos hindi slow phone mo.

Sprint- Ito ay para anti-slow naman sa mga katulad nila Angela, Ultimate ni minsitthar at Ultimate ni hylos. Ginagamit rin 'to para maka-chase and secure kill (SK) si Leomord

Flicker- Dash for escape or chasing.

Emblems:

Fighter emblem- Max physical attack and physical pen. Para sa'kin Festival of Blood ang best for more Sustain. Pwede rin ang Disabling Strike dahil may slow ang first skills ni Leomord.

Physical Emblem- kung mababa pa ibang emblem mo at ito ang pinakamataas currently, I recommend to use this. Max armor and physical attack. 'Yong unang talent piliin mo, 'yong may 3% of total hp instant regen 'pag nakapatay ng minions.

Best combo with him:

Angela + Leomord combination

Nagiging deadly naman lahat ng sinasapian ni angela lalo na sa clash. Pero ibahin natin kay leomord kasi nga 'di ba AoE damage niya and skills niya ay AoE rin, which is great especially for teamfight kasi may dagdag sustain si Leomord sa tulong ni Angela.

Overall, si leomord ay balanced fighter na para sa akin. You can also turn the situation around for a comeback victory kapag maganda ang pasok mo palagi sa clash. He is also a late game hero kaya maaasahan mo si Leomord mula Early hanggang Late and even Super Late Games.

Skill Combo:

Human Form Combo

1 > Basic Attack (kapag abot) > Ult > 2 (para salubungin si Barbiel)

Mounted State Combo

1 > basic attack > 2 (pwedeng papunta sa teammate or pangzone out dahil may knockback effect ito) > basic attackSss > 1 > Basic attack > 2 > Repeat hangga't makabalik ka na sa human form

Clear Minion Waves Easily just by using your first skill in Human Form
 

AshuraML

Elite Gamer
May 1, 2019
128
11
18
Visit site
What's up guys sorry kung natagalan etong leo guide natin. Leomord Fighter Hero sobrang lakas neto pag clash lalo na pag 30% below na lng hp nyo dahil sure crit tatama sainyo

Emblems: Assasin Emblem/ Bounty Hunter or Killing Spree, 3 Points Agility, 3 Points Physical Pen or 3 Points Spell Vamp.

Fighter Emblem/ Unbending Will or Festival of Blood, 3 Points Physical attack,3 Points Physical Pen.

Di ko po rinerecommend na mag solo emblem kayo sa assasin emblem yung increase damage pag solo kalaban(nakalimutan ko name) dahil mas malakas leo pag clash.

Festival of Blood naman para sa additional spell vamp tapos unbending will pag mas tumaas ng onti damage. About sa Disabling Strike pwede din dahil may slow effect naman skills ni leo pero mabilis lng nawawala yung additional 30% physical attack.

Spells: Sprint,Aegis,Purify

Sprint panghabol or pangtakbo
Aegis para may shield pag nakipag sabayan
Purify kung maraming CC kalaban.

Q. Bakit hindi retribution?
A. Di nya na need retribution dahil mabilis naman sya magfarm dahil sa passive nya.

Builds: May Dalawa akong build sakanya.

1st Build: Burst

Tough Boots/ Warrior Boots
Bloodlust Axe
Blade of Despair
Endless Battle
Corrosion Scythe/ Bersekers Fury
Queen Wings

Sa build na yan malakas na damage at lifesteal/spell vamp nyan plus may true damage nadin. at dahil sa passive ni Leo na deal crit damage pag 30% below hp ng kalaban mas mataas damage nya dahil sa Blade of Despair.

2nd Build: Burst + Durability

Tough Boots/Warrior Boots
Blade of Despair
Bloodlust Axe
Endless Battle
Brute Force Plate
Queen Wings

Sa build naman na yan may burst damage kana tapos may movement speed na dagdag ka pa tapos may physical and magic def ka pa, Queen wings para increase hp, additional lifesteal pag low hp, reduce damage taken, cd reduction, 15 physical attack.

Combo&Tips:

Pag Leomord ka mas ok kung solo lane ka then spam 1st skill para mabilis makapag clear lane(mas mataas damage pag mas matagal charge ng 1st skill).
Sa Combo naman di naman sya ganun kahirap gamitin kailangan lng makuha mo yung barbiel mo pag nag ult ka at wag basta itap yung skills . Basic Combo: Ult + 2nd(salubungin barbiel)+ 1st skill + 2nd skill(Note: Itutulak nya kalaban pag ginamit to mas ok kung paatras mo itulak kalaban para di makatakbo) Then basic at skill lng dapat iadjust nyo yung 2nd skill nyo pag nasa barbiel kayo dahil baka mailayo nyo lng kalaban. Yung 1st skill nya may slow effect para mas madali mo mahabol kalaban wag mo to itap iadjust mo din.

Another Combo:
Ult + 1st Skill(bago makasakay kay barbiel) + 2nd Skill(wala pang barbiel) + 1st Skill( nasa barbiel) + 2nd Skill (para ilapit sa kakampi yung kalaban) (Note: Pag tinawag mo barbiel mo at tumama sa kalaban mapapalapit mo sila ng konti may damage din yun)

Make Sure na makukuha nyo barbiel nyo pag tinawag nyo

Kung may suggestion kayo or gusto idagdag comment lng. Thank You Guys sa 600+ Likes sana umabot tayo ng 1k at may magsend na ng stars satin pag live stream at pa Sub nadin ng YT channel natin nasa Info ng Page pag Umabot tayo 100 Subs or more baka magpaskin giveaway tayo next week

Sa mga gusto mag pa seminar ng leo dyan mga zer pwede kayo paseminar kay zer Johnmar Matias Damian or Johnmar Damian Matias Nueva Ecija Top Leo User or kay Richard Andrei Geronimo
 

Reply