ML Simple Tips

ramleague

Elite Gamer
May 11, 2015
270
12
18
Visit site
Observation ko lang and simple tips: Madami magagaling naman sa pinoy/pinay ML gamers. Kahit given na marami din cancers at afk, sa ratio, out of 10 gamers, 7 to 8 dun magagaling or marunong naman maglaro.

Napapansin ko lang, na ang kulang sa karamihan ng pinoy ML gamers eh yung laning skills nila sa ML. Eto kasi style ng mga pinoy gamers na napapansin ko.

Master to gm, epic rank, attention:
  1. Focus masyado sa kill
  2. Favorite assassin and marksman
  3. Mahina sa split push
  4. Hindi alam or confused kung kailan mag lolord or push tower. Especially kapag wipe out or tatlo nalagas sa kalaban.
  5. Mahina laning skills or mag clear ng wave. Push mid agad.
  6. Mabagal responde, magagaling pero watak watak.
  7. Pagalingan sa team
  8. Agawan ng creeps
Tips. Wag nyo hayaan mag clear ng waves ang tank, dapat tank lagi handa yan kung saan ang maraming kalaban. Mabagal mag clear ang tank

Kapag nag clear kayo ng wave, make sure ying advntage ng incoming wave pabor sa team nyo.

Mahalaga ang mid lane, pero marami natatalo or nasisira ang laro dahil naiwan ang top at bottom.

Minions first before jungle, sino ba sisira ng torre nyo? Creep ba? Clear muna. Eh andyan na minion sa torre mo, uunahin mo pa yung crab. By the time cclear mo na, andyan na enemy hero. Disadvantage ka tuloy sa tower push

Mag kusa ka, kapag nakita mo yung minion wave sa top or bottom eh umaatras na. Wag mo hintayin yung iba... Maaring hindi nila napansin pero ikaw nakita mo na eh papabayaan mo pa rin.

Timing sa lord, tignan nyo yung revive time ng kalaban at i assess kung ilan ang patay nila against sa team nyo. Diversion ng tank ang kailangan para harangin ang kalaban. At sana, marunong mag retreat if alanghanin, wag ipilit kasi ang tendency, ma wiwipe out kayo or maagaw ang lord or both. Nakakaiyak.

Matuto ng split push. Mag kusa ka.

Makinig sa signal ng team, pay attention if may bine bell sa mapa it means may threat or kailangan puntahan.

Tingin sa mapa Bago mag push. If nawawala kalaban, matic yan, ambush or papunta na sayo. Atras atras din at wag pilitin sirain ang torre.

Learn advantage vs. Disadvantage. Wag papalag kapag 2v1 or 3v2. Maghintay ng team. Hindi ma huhurt pride mo if aatras or tatakbo ka sa kalaban. (although situational ito)

Mabilis na responde, eto lagi key, kapag mabilis gumalaw or attentive ang bawat player malaki chance manalo.

Eyes on map.... Always!

And last, minsan mas magaling talaga ang kalaban, at minsan mali ang pick nyo. Pero lagi may pagasa, hangat hindi tapos ang laban, lagi may pagasa. Team work lang, wag tatamarin. Wag iyakin.

It aint over till its over. Kaya nga may comeback eh.

Happy monday
 

Similar threads


Reply

Philippines Discord
Google News