ML Suggested Guides and Tips

mltlgganda

Casual Gamer
Oct 9, 2018
45
5
8
Visit site
May posibleng mali dito kaya as much as possible, analyze niyo sa sarili niyo yung situation sa laro because a game is unpredictable. Lalo na kung kakaiba yung team ng kalaban. Baka dahil nakita lang na puro MM kalaban ay hindi na kayo nagseryoso kaya natalo pa kayo ng team MM hahaha.

Baka masisi ako eh hahaha.

ML Suggested Guides and Tips:
Here are some guides and tips na sinunod ko mula Warrior hanggang Master I mula sa kakilala kong Mythical Glory na bumaba na ang rank ngayon dahil sa bagong season haha nung ML lang inaasikaso ko. I don't consider this as perfect dahil binigay lang na gude and tips sakin to.

1. Huwag makipag1v1 lalo na kung mas mababa ang level ng hero niyo or mas konti ang hp ng hero niyo.

2. As much as possible, outnumber your enemy. Imbis na 1v1, go for 2v1, dalawa kayo magkakampi fighting one enemy.
And since na nagoutnumber kayo ng kalaban sa isang lane, just stay and defend one of the lanes. For example, 2v1 sa top, 2v2 sa mid, tapos 1 ka lang sa bottom at may 2 kalaban na parating. Just defend while waiting for 1 of the 2v1 to defeat single enemy. After killing by outnumber, balik naman sa kakampi na na-outnumber.

3. In this case, if galing kayo sa top at nasa bottom ang tutulungan, RECALL, huwag lakad o takbo. Ang layo ng top sa bottom. Okay lang tumakbo o lumakad kung magkalapit yung 2 lanes na panggagalingan at pupuntahan.

4. Understand the role of your hero. Magalit na kayo sa kill steal ng kakampi except for assassin. Pero as much as possible, huwag kayong mainis na kill steal-an kayo. The road to victory is to destroy the base turret of the opponent, hindi paramihan ng kills. Also, kapag namatay ang support or tank niyo, huwag niyong kainisan. Kasi minsan yung tank pa iniiwan kahit na mas marami pang hp yung nang-iwan. Kaya as much as possible too, add niyo sa quick chat yung Skills in cooldown, para hindi kayo nagmumurahan na gumamit kakampi mo ng ss kung nakacooldown pa lahat ng skills niya.

Tank - Protect your teammates. At the same time, damage din sa kalaban kahit konti lang.In pushing turrets, basic attack lang. Save skills for the opponent. And make sure too na ang spells niyo, skills, at emblem ay match na match para sa gusto niyong maging focus ng tank niyo lalo na kung dual role ang tank niyo.

Example sa'kin, dual role ang tank ko, Lolita, Tank/Support. Most people use petrify as spell for Lolita. Pero sa'kin, hindi petrify. Kundi Aegis.

Why? I do not focus on stunning the enemy two times for my teammates to easily kill them. I more or less trust them that they can kill the opponents with me only stunning once. I focus more on shield and absorb.

After using shield, then I'll analyze the situation first and consider the hp of both teammates and opponents. And then as much as possible, if I know I can, I will immediately use aegis after shield. Then use Lolita's skill that I saved to stun the enemy.

For emblem, I mostly use tank emblem but during picking, after looking at the hero I picked by my teammates, I'll either stick with the tank emblem or change to a support emblem.

Fighter at Assassin- Makisama kayo sa isa't isa. Huwag kayong mag-agawan sa title ng mvp, kaya minsan nagiging mvp pa yung tank or support eh. At huwag niyong iiwanan kakampi niyo pag sobrang baba na ng hp. In pushing turrets, basic attack lang. Save skills for the opponent.

For example, my main fighter is Ruby though parang tank na siya. I don't make Ruby go on its own. I always make sure Ruby has one teammate by her side.

Why? I do not need the kills. I do love assists. But I more like the opponent to be killed even if it's not me who will kill. After using Ruby's ss to pull the opponent, then I immediately use 2nd skill.

And then teammate will damage the opponent while I'm helping with using the 1st skills and basic attack.

Mage - Go for damaging the opponent, pero learn the range cover of your skills. Mamaya damage ka ng damage, sobrang lapit mo naman sa kalaban kaya mabilis kang mamatay. Sa pagpush ng turrets, basic attack lang gamitin, save niyo skills niyo pangdamage sa kalaban.

Kung gusto niyo naman quick push, request one teammate to help in pushing. Medyo mahihirap ako mag-explain dito kasi ang hirap gamitin ng main mage hero ko eh.

Kagura. Hindi ko pa nagagawa yung sikat na combo niya hahaha. But more or less, ang ginagawa ko lang with Kagura is retribution in jungling for easy increase level and damage. Yes. You read it right.

Hindi lang assassin ang kelangan magjungle. There are non-assassin heroes who also needs to jungle. And in pushing turrets, I only use basic attack, but since Kagura gamit ko, nilalagay ko yung payong niya sa gitna ng turret na sinusugod namin.

Why? Para pag may dumating na kalaban na magpoprotect sa turret, gagamitin ko ss pangslow sa kalaban. Hindi na ko tinamaan ng turret, napabagal ko naman kalaban. But in this case, I don't go solo. Kelangan may kakamping kasama.

Marksman - LongRange hero ang marksman (lalo na yung pure marksman), kaya keep distance sa pagdamage ng enemy or pagpush ng turrets. As much as possible, push ang gawin niyo kahit na kadalasan reap ang nakalagay sa mm niyo. May build naman sa mm na pangpush eh.

Also, there are certain heroes na need jungle pero not much as assassins. Why? May marksman na mas tumataas ang sakop na range ng skills pag mas mataas ang level. Yung tipong kahit hindi ka lumapit sa turret, kaya mo idestroy ang turret. Example ko is my main Marksman Layla.

Yes. Noob sabi haha. But it's true, mas tumataas ang cover range niya pag mas mataas ang level niya.

Eto yung minsan, kinaasaran niyo na pano tatama yung ss niya sa inyo, na hindi niyo naman siya nakikita sa map kahit na hindi siya nagtatago sa mga bush, at sinasabing niyong cheater haha.

It's the range increase because of level increase. Kung na-try niyo makipag1v1 at nagtataka kayo pano tumama sa inyo, nasa increased level.

Support - You're a support so as much as possible too, huwag kayong masyado lumapit sa kalaban at baka masisi kayo ng mga kakampi niyo pag namatay kayo. If Healer-type kayo ng support, iwasan ang deaths. I know this since I try Rafaela once. Tig-1 na lang kami ng turrets na natitira. Parehong base turret. Lahat kami ng mga kakampi ko, nasa base ng kalaban.

No deaths ako, dahil habang hini-heal ko kakampi ko, nagreregen ako. Tapos attack, habang nagcocooldown ang regen at heal.

Tapos nung nagclash na sa base turret ng kalaban, hindi agad ako nakaalis para magregen at i-heal ang kakampi ko. Kaya ayun, after mamatay ng Rafaela ko, sunud-sunod namatay kakampi ko. Kaya ayun, sabay mid lahat ng kalaban namin diretso sa base turret namin.

Ayun, dahil lang sa death ko, natalo kami haha. Kaya medyo natigil na rin ako sa paggamit ng Rafaela haha.

5. Sa picking, kung sinabi ng too many marksman, or too many tank, please adjust. At huwag lagi bibilisan ang pagclick ng okay sa picking. If hindi naman sinabing too many marksman at may 2 kayong mm kna akampi, huwag agad ma-disappoint, may magandang teams or duo ng mm lalo na pag nagpupush.

Example is Miya and Layla. Pag nakainspire ang spell at sumusugod sa iisang turret.

6. In destroying turret. Count the number of turrets in each lane. An learn rotation too. Kung hindi alam ng kakampi mo ang rotation, ikaw na mag-initiate. For example, wala pang nadedestroy na turret.

After i-destroy sa top, punta ka sa mid, tapos yung mga nasa mid pupunta naman sa bottom, at yung mga nasa bottom, recall at punta sa top.

7. If afk ang kakampi, don't chat. Just do your thing. Just play. Sayang ang time kung aawayin niyo ang afk dahil hindi rin nakakatulong yun. Kakaaway niyo sa afk na hindi naman kayo sasagutin, hindi niyo napansin sinusugod na base turret niyo haha. What you care is your rank diba?

Tataas ba ang star niyo pag inaway niyo kakampi niyo kahit defeat na kayo. Nakakapagtaka lang din kasi.

Aawayin ang afk? Parang abnormal na nagsasalita nang walang kausap hahaha.

8. Kung mahina kakampi, then just help instead of cursing them. And instead of cursing them, encourage them to play with seriousness. Maasar ka na matatalo kayo dahil mahina kakampi mo? Kung mahina pala kakampi mo, edi huwag ka maasar.

Kasi kung sabi mong mahina siya, ibig sabihin malakas ka. Or sadyang kahit mataas rank mo ay tinatamad ka nang maglaro lalo na kung smurf ang account mo. Yung magagaling nga, pero tamad.

Hindi magagaling, pero masipag. Gets?

9. Practice a certain hero you're not familiar with in Classic or Ai Mode. Ai for complete new players to understand the game. Classic for all players who wants to be familiarized with certain hero kaya wag kayong maasar na mahina kakampi niyo sa Classic.

Classic lang yan. No stars. Kung quests naman ang habol, meron rank para mas mabilis mo matapos quests. Kung tutuusin, mas mabilis matapos quests pag sa rank ka.

Like naka 3 win ka ng rank games sabay destroy 4 turrets.
Complete 1, 2, or 3 games ata nakalimutan ko eh.
Win 3 games in ranked.
Destroy 4 turrets.

O 3 rank lang na win, 3 quests na agad pa nacomplete ko e kung nagshare ka pa ng win, edi 4 quests completed pa haha.

10. Don't play if you're busy at studies or work. Depende na lang kung example ay may pa-ML tournaments sa school niyo or nagpa-ML tournament ang boss niyo sa trabaho. Diba? Pati boss niyo sa trabaho, nagML haha.

Kahit teachers sa school, pasimuno rin ng ML haha. Yung sa mga studying na may thesis, huwag muna kayo maglaro hahaha. Kakaalala niyo sa thesis niyo, pati rank niyo bababa. May thesis, tapos pilit sa rank hahaha. Baka biglang 1 straight na bagsakan mangyari sa inyo lalo na kung malapit na bagong season.

Alam ko 'to kasi Master I ako dati. Hindi pa nun masyado busy. Pero biglang Master II hahaha. Tapos nagsimula bagong season. Balik Master IV.

Edi tinuloy ko. Pero dahil biglang nagsimula ang pagkabusy sa thesis, ang bihira kong laro. Bumalik na naman ako ng Elite III haha. Dalawang beses balik Elite hahaha.

Pero pabawi na rin naman, Elite I road to Master IV ulit haha. Sayang yung Master I 4 ko na Road to Grandmaster V.

Naging Master I Road to Elite II hahaha

Kaya wag na muna kayo maglaro pag busy. Reward na lang yan pag nakaraos sa gawain sa school at trabaho hahaha.
 

Similar threads


Reply