Mobile Legends All about the Midlane

mltlgganda

Casual Gamer
Oct 9, 2018
45
5
8
Visit site
Introduction: Ok alam ko libre bash dito gaya ng sinasabi ko kapag nagpopost ako sa official MLBB Philippines Group. Gasgas na topic na nga 'to mga zer eh pero may mga hindi pa rin nakakagets kaya mag-eexplain ako dito tapos tsaka na kayo mag-sml sa comment section below. Uso rin magtanong at magshare kapag may hindi ako nabanggit o nasagot na tanong. Forum Thread 'to kaya kung hindi mo alam kung ano yun zer, simple lang masasabi ko, para kang pumasok sa isang gaming school na ganito ang lesson sa loob ng 40 minutes. Totoo mga zer na may mga school na may ganyang subject pero 40 minutes lang hindi gaya ng ibang subject na 4 hrs a week tinuturo. So back to the topic na...



Sinong mga hero ang suggested kong pumunta sa mid kapag simula ng laro?

Kapag solo gaming ka, ikaw mag-adjust kapag hindi marunong mga kasama mo. Pero syempre may tamang adjust sa laning na tinatawag. Kunwari high mobility naman ang hero mo, kahit magmid ka tapos kahit walang tao sa bot eh mapupuntahan mo pa rin 'yon. Sa low rank, minsan wala ring hero dun. Sa high rank ganun din kasi nga busy sa jungle. Pero kadalasan maabutan mo pa rin yung minions mo na buhay basta high ang mobility na hero ang gamit mo. Kapag hindi mabilis ang hero mo, halfway ka pa lang sa mid, adjust ka na kung saan walang bantay.

Kunwari naman marunong yung mga kasama mo sa laning, I suggest ang mage and assassin sa mid. Kapag dalawa o tatlo kayo sa mid, mapapatay niyo na kaagad kapag solo lang yung kalaban tapos hindi pa marunong. Kapag ayaw magrotate ng kasama mo sa mid, okay lang yun kasi may magbabantay pa rin ng midlane kahit umalis ka pa. Sa low rank kasi wala talagang masyadong nagrorotate pero kapag nakarating ka na ng legend at mythic dapat marunong ka na kasi kung hindi trashtalk talaga aabutin mo.

Tip lang kapag magswi-switch ng lane from Mid to sidelane: DAPAT MAY RASON KA KUNG BAKIT KA LILIPAT NG LANE. For example, hindi na kaya ng solo fighter sa top, tulungan mo siya tapos isa pa sa objective mo kapag pupuntang sidelane ay ang goldcrab. Lista ko 'yong mga objective na pwede mong gawin kapag lilipat ka na ng lane
  1. Tulungan mo kateam mo
  2. Goldcrab
  3. Push turret
  4. Turtle lane
  5. Walang bantay
Yun lang para sa akin ang nga reasonable reasons. Kayo baka may naiisip pa kayo comment niyo lang.

Next naman na ididiscuss ko ay kung bakit maganda sa midlane. Lista ko rin yung mga rason na naaalala ko
  1. Nandoon yung buff na dalawa. Yung papuntang top lang kunin mo kasi yung isa pang bottom yun eh. Pero kapag no choice lalo na kapag fanny ka, kunin mo na yun.
  2. Easy access sa jungle monsters.
  3. Straight lang yung minion wave
  4. Pinakamabilis rin na daan
  5. Mas mabilis magpalevel-up basta marunong ka sa rotation.
At final tip ko. Dahil magrorotate ka dapat kapag nasa mid ka, USE RAPID BOOTS. Mapa-anong role mo bagay iyang boots na yan. Kasi kunwari madalas ang ambush sa mid kasi kabilaan din ang bush, makakaretreat ka kaagad. Mas maganda naman kung nagrorotate ka tapos naabutan mo yung kalaban mo na solo mid, mas mahahabol mo yun kasi nga nakarapid boots ka.

Sana nakatulong!
 

Reply