Mobile Legends Belerick Guide

AshuraML

Elite Gamer
May 1, 2019
128
11
18
Visit site
Belerick Guide by S12 Top 1 Local Server 3145 and Top Global 2501, Hindi ako magpapaka-bookish ngayon mga zer since alam na alam ko 'tong hero ko na ito. Let's start



Skills

Passive niya ay 'yong para siyang marksman na nagbibigay ng magic damage na mas sumasakit habang tumataas ang HP niya. May extra 15% HP earned din siya from items and emblems.

Skill 1 niya ay pang-immobilize
Skill 2 niya ay 'yong pangmarka niya na magiging priority na babarilin ng passive niya.

Yan 'yong pinakaiiwasan ng Kimmy users kasi papatayin nila sarili nila sa Belerick lalo na sa 1v1.

Ult niya ay siya 'yong mag-aabsorb ng iilang percentage ng damage tapos may damage reduction rin. Hahawaan niya rin ng passive ang mga kakampi niya na malapit sa kanya

Emblems

First tier: HP
Second tier: CDR
Talent: Tenacity

Tenacity para mas makunat pa siya.

'Yong Brave Smite kasi di ko gaano ramdam galing sa first skill niya.

'Yong Attack and Defense naman, sumasakit sa push si Belerick kaya lang hindi iyon ang role niya.

Malaki po ang epekto ng additional 40 points na Physical and Magical Defense sa Early Game.

Spell

Healing Spell ang gamit ko dahil gusto ko laging buhay ang carry hero na kakampi ko

Pwede rin naman ang petrify para may pangstun ka

Pwede rin purify para kapag ikaw ang dinisable, makakapag-ult ka pa rin. Minsan kasi namamatay ako bago makapag-ult sa early game kapag ako ang nastun. Pero at least ako lang ang patay madalas buhay pa rin lahat ng kasama ko.

Items

Wizard Boots - tanging boots na may HP Stat na bagay talaga sa passive ni Belerick

Thunderbelt - madali maubusan ng mana si Belerick lalo na kung lagi kang tumatakbo gamit ang second skill at ginagamit ang first skill. Armor item mo ito.

Athena's Shield - magic resistance item mo naman ito. Cursed Helmet kapag may Esmeralda sa kalaban.

Courage Bulwark - support na support po talaga ang laruan ko kay Belerick. Pinapalakas nito kakampi mo.

Wings of the Apocalypse Queen - Para mas mahirap ka pang patayin. Max na rin CDR mo.

May CDR ang Thunderbelt, Courage Bulwark, at Wings of the Apocalypse Queen. Sa emblem na galing 'yong 10% pa for a total of 40% Max CDR.

Final item ko ay Immortality.

Kapag may Kimmy, Blade Armor kaagad pagkatapos ng boots. Then dalawang mana necklace muna tapos unahin ang Athena's Shield tsaka ka magThunderbelt. Hindi na ako gumagamit ng Immortality kapag may Kimmy.

Inuuna ko naman ang Wings of the Apocalypse Queen bago ang Courage Bulwark kapag lugi kami.

Gameplay

Sa umpisa, hindi mo malalaman kung sino 'yong magaling. Kaya sa marksman ka muna sumama. Hayaan mong siya ang magdikta ng rotation niyo. Tulungan mo siyang tumaba. Wag mong iiwan unless wala ng bantay sa lane niyo.

As a solo player, hindi maiiwasan ang mga cancer kaya tiyagaan lang talaga. Okay lang sakin kahit panalo talo panalo talo. Alam ko naman kasi na teamplay ang ML. Basta ang sa akin lang, alam kong ginalingan ko. Se-swertehin rin ako sa kakampi.

Kapag 6-minute mark na, tinitingnan ko kung sino ang pinakamataas sa gold. Siya ang priority kong protektahan sa teamfight. Pwede na iwan ang mm kasi may isang core item na iyon. Pero always check the map pa rin.

Gusto kong pangpain ako. Hinayaan kong mahila ako ni Kaja or masipa ni Chou basta susugod kaagad ang mga kakampi ko.

Kahit ult ni Mino kabisado ko na. Kunwari kapag naramdaman kong magdadabog na siya, mag-uult na ako kaagad kasi sure susugod na sila.

Ang favorite kong kalaban ay si Kimmy. Suicide siya sa akin eh haha. Kaya hindi ko talaga pinaban Kimmy kasi easy lang siya para sa akin.

May nakalimutan pa ba akong i-share? That's my Belerick Guide mga zer.

PS: Oh alam niyo na ah na pabuhat lang ako. Pero promise basta magaling tank at carry kaya talagang bumuhat ng laro. Ayoko mag5man kasi madalas squad kalaban.

Follow our page Mobile Legends Tier List and Guide
 

Reply