Mobile Legends Fanfiction Land of Dawn Academy - Chapter 1

ramleague

Elite Gamer
May 11, 2015
270
12
18
Visit site
Land of Dawn Academy

Disclaimer: This is a mobile legends fanfiction. I am not affiliated with MLBB or it's partners. But I do own the copyright of this fanfiction. Tale as old as time. Song as old as rhyme. Plagiarism is a crime

Lunako's POV

Dinilat ko ang aking mga mata mula sa aking pagkakatulog. Nagising ako dahil sa tunog ng alarm. Napahikab pa ako habang nakahiga at napakusot pa sa aking mata. Inaantok pa ako. Hindi kasi ako kaagad nakatulog kagabi nang sabihin sa akin ni Ate Miya na magta-transfer na ako sa academy kung saan siya nag-aaral.

Speaking of Ate, pagkatapos kung kusutin ang mata ko ay nakita ko siyang nagbibihis dito sa kwarto namin. Nakatalikod siya sa akin at nakaharap sa salamin. Nagsusuot pa lang siya ng mga underwear niya nang napalingon siya dahil napansin niyang gising na ako.

"Ate naman! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na sa CR ka na lang magbihis?", sabi ko sa kanya. Hindi na kasi ako bata 'no. Sixteen years old na ako habang si ate Miya naman ay eighteen na.

" Eh sa nagmamadali na ako eh. Bumangon ka na nga diyan! I-eenroll pa kita eh bago ako pumasok. Handa na ba mga gamit mo? Doon ka na rin muna titira pansamantala sa isa sa mga dorm doon kagaya ko."

Napakamot na lang ako ng ulo dahil sa sagot niya. Ilang beses ko na rin naman talagang nakitang nakahubad si ate pero hindi lang talaga ako sanay. Syempre ang awkward no'n.

"Oo naman ate Miya. Excited na nga ako eh. Sige ate maliligo na ako"

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay nakita ko si ate na nakaready ng umalis.

"Ang bagal mo namang maligo daig mo pa babae! Tara na doon na lang tayo mag-almusal sa cafeteria."

Nasa loob na kami ngayon ng principal's office. Parang normal na office lang ang itsura nito. Kaharap namin ngayon ang principal. May tina-type na siya ngayon sa computer habang may lumalabas ng papel sa printer. Nakalagay din sa harap ng desk niya ang pangalan niya.

Principal Jess N. Limit

May gano'ng apelyido pala?

"Nakalagay na diyan ang rules and regulation ng academyang ito. Alam na rin naman ng ate mo 'yang mga 'yan pero mas magandang may kopya ka. Nandyan na rin ang class schedule mo pati ang dorm number mo. Pwede ka ng pumasok sa klase mo ng 8:00 dahil alas-siyete pa lang naman.", sabi sa akin ni Principal Jess habang inabot ang papel na pinrint niya kanina.

Pagkatapos kong maging officially enrolled, nagpaalam na si Ate dahil may klase na raw siya ng 7:00. Itinuro naman niya sa akin kung nasaan ang boy's dorm.

Ang room ko ay B207. Nahanap ko ang room ko sa second floor ng dorm. Kumatok ako doon. Pagkabukas ng pinto, nagulat ako dahil kilala ko kung sino iyon.

" Estes ikaw pala! Dito ka rin pala nag-aaral", sabi ko sa kanya.

"Ikaw pala insan! Mabuti naging ka-room ka namin. Bakit kasi ngayon mo lang naisipang magtransfer? Sige pasok mo muna 'yang mga gamit mo."

Tinulungan niya naman ako sa pagpasok ng mga gamit ko. Naalala ko 'yong salitang ginamit ng pinsan ko kanina. Mabuti raw dahil naging ka-room ko sila. Ibig sabihin may kasama pa kami dito?

"May kasama ka pa ba dito?", tanong ko kay Estes.

" Meron. May klase na siya ngayon kaya hindi mo na siya naabutan. Pakilala na lang kita mamaya sa kanya. Ako na muna maliligo ah! Klase ko na ng 8"

"Uy parehas pala tayo ng oras ng klase! Sige sige sunod na ako aayusin ko lang muna mga gamit ko insan!", sabi ko kay Estes.

Nakapang-uniform na kami ni Estes. Umalis na kami ng dorm. Inikot niya ako ng kaunti sa ilang parte ng academy. Ngayon ko lang napansin na ang laki pala talaga ng Land of Dawn Academy. Umakyat na kami sa school building second floor dahil Room 202 kami.

Nasa labas pa lang kami ng room ay naririnig ko na ang ingay mula sa room namin. Pagpasok namin ni Estes sa classroom, biglang tumahimik. Teka, bakit tumahimik?

Napansin kong may pumasok mula sa backdoor dahil pumasok kami ni Estes mula sa harap. Isa itong babae na may katangkaran at maganda rin ito. Napansin kong nakatitig si Estes dito. Sino nga bang hindi eh tila anghel nga talaga siya na galing langit?

" Sino ba 'yon?", siniko ko ang pinsan ko para makabalik sa reyalidad.

"Ah. Siya si Rafaela."

May papalapit na lalaki sa amin. Medyo mahaba ang buhok nito kumpara sa ibang lalaki. Mapagkakamalan mo rin siyang bakla dahil do'n at dahil na rin siguro sa sobra niyang kapogian.

"Sino naman 'yang kasama mo Estes?", tanong ng lalaking lumapit sa amin.

" Lance ,meet Lunako. Lunako, meet Lance. Lancelot talaga ang first name niya pero nasanay ako na Lance na lang ang tawag sa kanya."

Nakipagkamay naman siya sa akin. Mababakla na yata ako hahaha. Joke lang.

"Nice to meet you. Doon ka na umupo sa may likod kasama namin. Bakante pa 'yon", sabi sa akin ni Lance.

Dalawampung upuan lang ang nasa room namin. Nahahati ito sa apat na column at limang rows. Nasa panglimang row kami ni Lancelot. Ako ay nasa second colomn at nasa third naman siya na mas malapit sa backdoor. Nasa harapan ko naman nakapwesto si Estes at nasa kaliwa niya si Rafaela.

Maya-maya lamang ay dumating na ang unang teacher namin. Bumulong naman si Estes sa akin.

" Siya ang adviser natin. Si Sir Zap Nu. Ang subject talaga niya na tinuturo ay Assassin. Pero dahil lunes ngayon, homeroom muna natin. Maghanda ka na dahil magpapakilala ka sa harap."

Hindi na ako kinabahan sa sinabi niya. Inaasahan ko na talaga iyon. Pagkatapos kaming batiin ni Sir Zap ay tinawag niya na ako upang magpakilala sa harap. Agad naman akong tumayo at pumunta sa harap.

"Ako nga pala si Lunako. Sixteen years old. Nagtransfer ako dito dahil sa ate ko. Yun lang. Sana maging mabait kayo sa akin."

"And your type?", tanong si akin ni Sir Zap.

" What do you mean sir?", tanong ko.

"In this school, there are 6 types of students. The first one is my subject which is for Assasins. The other five are mages, marksman, tank, fighter and support."

Hindi ako informed about do'n ah? Nakasulat yata 'yon sa rules and regulation pero hindi ko binasa.

"I don't know yet sir", sagot ko.

" Ok. At least you are not alone. You may now go back to your seat."

Dahil nga raw sa bago lang ako dito, ang idiniscuss ni Sir Zap ay ang rules and regulation. Hindi lang para sa akin kung 'di ay para rin ipaalala raw ito sa iba.

Habang nagdi-discuss si Sir Zap, napatingin ako sa katabi ko sa kaliwa. Babae ito at nakasuot siya ng salamin. Napatingin siya sa akin pero bigla niya rin itong iniwas at ibinalik sa harap ang atensyon. Nakatingin pa rin ako sa kanya ngayon. Ang ganda niya kasi eh. Ano kayang pangalan niya?

~~~Ganda
 

Reply