Mobile Legends Fanfiction Land of Dawn Academy - Chapter 3

ramleague

Elite Gamer
May 11, 2015
270
12
18
Visit site
Author's note: Ayan na pagbibigyan ko na mga kamanyakan niyo haha. Nilagyan ko ng plot twist para makita niyong nakahubad si Odette whahaha mga manyak! R18+

Land of Dawn Academy - Chapter 3

Disclaimer: This is a mobile legends fanfiction. I am not affiliated with MLBB or it's partners. But I do own the copyright of this fanfiction. Tale as old as time. Song as old as rhyme. Plagiarism is a crime.

Read at your own risk!

Lunako's POV

Sinubukan ko mang makatakas, hindi ako nagtagumpay. At bakit? May cooldown pa nga pala 'yong button na hawak ko ngayon. At dahil nga taksil mga mata ko, napatingin muli ako kay Odette.

'Wag dito Odette'

Iyan sana ang gusto kong isigaw sa kanya ngunit natanggal na niya ang suot niyang bra at pinalitan na ng blue na kakulay ng dress niya. Tsk. Sigurado akong nag-eenjoy na 'yong dalawang 'yon sa view. Napatingin ulit ako sa button na hawak ko. Ayaw pa rin gumana. Ang tagal naman yata ng cooldown nito.

"Wait lang bes!"

Huhubarin na rin sana ni Odette ang white niyang panty para palitan na rin ng kulay blue. Alam na kaya ni Alice na nandito kami? Lagot!

Bigla akong nataranta dahil sa takot na baka nahuli na kami. Nagulat ako ng biglang lumiwanag ng kaunti ang mga kamay ko. Siguro naman hindi ito makikita mula sa labas dahil ang liwanag na nagmumula sa kamay ko ay parang liwanag ng buwan.

Bago pa man tuluyang maibaba ni Odette ang panty na suot niya, pinigilan siya ni Alice at iniabot sa kanya ang blue na shorts.

"Wag ka ng magpalit niyan! Suot mo na lang 'to. Alam mo naman na may manyak tayong mga kaklase lalo na si Martis! Mamaya kapag wala kang shorts masilipan ka nila"

Pagkatapos nilang magbihis, dumating ang isang babae kong kaklase na hindi ko rin kilala kung sino. Basta kulay blue ang buhok niya at maganda rin siya sa suot niya ngayong golden armor.

"Natalia, naiinip na si Ma'am Mutya. Bilisan niyo na raw. Ikaw ang sunod Odette, di ba? Bilisan mo na rin."

Nagsimula ng magsilabasan lahat ng babae na nandito sa loob ng kanilang locker room. Si Rafaela na lang ang natitira dito dahil pinauna na rin niyang lumabas si Mirasol.

Nagtaka ako kasi nakahawak siya ngayon sa bukasan ng dalawang magkatabing locker sa tapat ko. Tila napahinto siya at nagbilang ng 1,2,3 bago tuluyan itong binuksan. Iniluwa no'n si Martis at si Estes.

"At sa tingin ninyong dalawa, anong ginagawa niyo dito?!"tanong ni Rafaela. Patay! Biglang nakita kong umilaw ang button. Makakatakas na ako!

Wala ng tao sa locker room namin ng makabalik ako. Naglaho na ng kusa 'yong button na hawak ko. Lumabas na rin ako ng locker room at nakita kong nag-uumpisa na ang laban ni Natalia at Lancelot. Nakita kong nakaupo si Mirasol mag-isa doon sa pinakababang bahagi ng mga upuan dito sa training court. Pinuntahan ko siya doon.

"Goodluck sa laban natin mamaya", pagsisimula ko sa usapan namin.

Tila nagulat naman siya at inangat ng kaunti ang kanyang salamin bago lumingon sa akin.

"Goodluck din", tipid niyang sagot.

"Di ba healer ka gaya ni Rafaela at Estes? Paano ka makikipaglaban kung iyon pa lang ang alam mo?" tanong ko pa sa kanya.

"Hindi ko pa alam. Pero binigyan ako ni Rafaela ng isang wand", kinuha niya 'yong kulay pulang stick at biglang may lumabas na apoy mula doon.

"Dito raw manggagaling ang basic attacks ko sabi ni Rafaela. Eh ikaw ba?", tanong naman niya sa akin.

"Wala namang weapon na binigay sa akin eh. Pero kanina napansin ko na nagliwanag ang kamay ko, pwede bang dito manggaling ang kapangyarihan ko?", tanong ko sa kanya.

"Siguro."

Napatigil kami sa pag-uusap ng pareho naming mapansin na kinakausap ni Rafaela si Ma'am Yosores. Hala oo nga pala! Nahuli niya si Estes at Martis. Nakita ko silang dalawa na sumesenyas sa akin. Pinakita nila ang button sa akin at pinindot-pindot ito. Parang sinasabi nila sa akin na ayaw gumana ng button nila. Siguro nagtataka sila kung paano ako nakatakas.

"Class listen!", sabi ni Ma'am Yosores kaya napatigil ang lahat pati ang labanan ni Lancelot at Natalia at itinuon ang atensyon sa aming teacher.

"Martis at Estes. Sumama kayo sa akin. Standby muna 'yong iba. Babalik ako kaagad."

Umalis si Ma'am Yosores kasama si Martis at Estes. Nagtataka naman 'yong iba kung bakit umalis si Ma'am kasama si Martis at Estes.

"Sige. Sundan ko lang sila Mirasol", paalam ko.

Sinundan ko nga kung saan sila pupunta. Huminto sila sa tapat ng ikalawang pinto sa first floor ng school building. Nakalagay sa taas ng pinto ang mga salitang "Guidance Office". Ilang saglit lang ay lumabas na ulit si Ma'am at mukhang pabalik na siya sa training court. Syempre bumalik na rin ako.

Pinagpatuloy ang mga laban. Nanalo sa mga unang laban sina Lancelot, Odette, Hanabi, Hayabusa, Alice, Zilong at Freya. Wala namang nakalaban sina Rafaela at Kagura dahil nga nasa guidance pa rin si Martis at Estes. Dahil naubusan na ng oras, hindi na natuloy ang laban namin ni Mirasol. Napagdesisyunan namin na pumunta sa guidance office kasi nandoon na rin ang pinsan niyang si Rafaela. Sakto namang pagpunta namin doon ay kakalabas pa lang nila mula sa guidance office.

"Paano ba 'yan Lunako. Isasama ka namin sa parusa namin", sabi ni Martis at napatawa siya sa sinabi niya.

"Sinabi namin na kasama ka namin", dugtong pa ni Estes.

"Wag kang maniwala sa mga 'yan. Isasama namin kayo ni Mirasol para makapagtraining na rin kayo. Ang parusa kasi talaga nila ay kailangan nilang pumunta sa Land of Dawn Forest. At dahil sa mga ganitong misyon ay lima ang kailangan, kasama nila tayo", paliwanag ni Rafaela.

~~~ Ganda
 

Reply