Land of Dawn Academy - Chapter 4
Disclaimer: This is a mobile legends fanfiction. I am not affiliated with MLBB or it's partners. But I do own the copyright of this fanfiction. Tale as old as time. Song as old as rhyme. Plagiarism is a crime.
Read at your own risk!
Lunako's POV
Pauwi na kami ngayon ni Estes sa dorm namin. Kailangan pa naming maghanda para sa mission bukas. Pinapapunta niya kami sa taong nagngangalang Kaito. Gumagawa raw ito ng mga potion at siya ang nakaimbento nito. Dati na rin daw siyang nagtuturo sa Land of Dawn Academy pero umalis na siya at napiling manirahan sa Land of Dawn Forest. Ang balita nila, nag-eexperimento pa rin daw ito ng kung ano-anong mga potion. At ang mission namin? Makahingi ng immortality potion.
Kumatok si Estes sa pinto. Nasa loob na raw ang isa pa naming roommate. Sino kaya siya?
Pagbukas ng pinto, bumungad sa amin ang isang lalaking mas matangkad sa amin at kulay abo ang buhok. Nakasuot din ito ngayon ng kulay asul na damit.
"Kuya Alucard! Pogi pa rin natin kahit wala na sa school ah!" sabi ni Estes sa tinawag niyang Kuya. Teka, wala namang kapatid si Estes ah?!
"Di ba sabi ko sa'yo lahat 'yan nagloloko! Kaya huwag mo kong tawaging kuya kasi hindi tayo magkapatid. Tsaka wag mo saking ipamukha na mas matanda ako kaysa sa'yo. Siya ba 'yong pinsan mo na naikwento mo?", sabi ni Alucard bago lingon sa akin.
"Siya nga."
Pumasok na kami sa loob at sinimulan ng maghanda ng makakain. Pagkatapos kumain ay hinanda na namin ang mga dadalhin namin bukas.
"Remember! You only have one day to complete this mission. Kapag hindi niyo 'yan nagawa, sa mas delikado na misyon namin kayo susunod na ilalagay. Is that clear?"
Kinabukasan, inagahan namin ang pag-alis para mapahaba ang oras namin sa misyong ito. Tumango naman kaming lima sa sinabing iyon ni Ma'am Mutya. Kasama ko ngayon syempre si Estes, Martis, Rafaela, at Mirasol. Tatlong oras daw na paglalakad ang gagawin namin bago makarating sa Land of Dawn Forest. Iniisip ko pa lang tinatamad na ako. Parte ba talaga ito ng training?
Pagkatapos nga ng tatlong oras ay narating na namin ang harapan ng Land of Dawn Forest. At gaya ng inaasahan, puro puno lang ang nakikita ko sa loob. Napahinto kami ng makitang may tatlong pagpipilian na daan. Paano namin malalaman kung saan ang papunta kay Kaito?
"Paunahan tayong makarating sa bahay ni Kaito!" sabi ni Martis ng may halong panghahamon. Siya ang may hawak ng mapa namin sa Land of Dawn Forest. Ayon daw sa mapa, kahit saan kami dumaan ay makakarating kami doon.
"Sige ba! Kami na ni Insan dito sa kaliwa", pagpayag naman ni Estes.
"Payag din ako. Basta kasama ko si Mirasol at dito naman kami sa kanan dadaan", sabi naman ni Rafaela.
"Tapos ako mag-isa lang? Ang daya yata ah!" biglang reklamo ni Martis.
"Eh ikaw may gusto niyan eh. Paunahan ah! Ang mahuli may gagawing kondisyon mula sa mga mauuna. Tara takbo na tayo Lunako!" sabi ni Estes at tumakbo na rin ako. Pumunta na rin sa kanang daan si Rafaela at Mirasol. Ibig sabihin, sa gitnang ruta dadaan si Martis. Sino kaya sa amin ang mauunang makarating doon?
"Hanap muna tayo ng makakain insan! Alam kong gutom ka na rin eh kaya tara mangubat muna tayo", sabi ni Estes.
"Baka maligaw tayo sa gitna ng gubat! Hindi ba dapat sa daanan tayo mismo dumaan?", sabi ko.
"Malay mo shortcut pala 'to! Tara na tiwala hindi tayo maliligaw!"
Sumunod na lang ako sa kanya. Naghanap kami ng punong may bunga na pwede naming kainin. Nang makahanap kami ay agad umakyat si Estes sa isa sa mga puno.
"Madaming bunga 'to oh! Jackpot tayo sa pagkain."
Sinimulan ng pagpipitasin ni Estes ang mga bunga. Tumikim na rin siya ng isa sa mga prutas.
"Masarap insan! Kuha tayo marami. Saluhin mo lahat ah!"
Mabilis na nagpitas si Estes at inihahagis niya naman ito kaagad.
"Hinay-hinay lang Estes! Hindi ko kayang magbitbit ng marami", sabi ko.
"Oras na para gamitin mo ang skill mo!"
Huh? Paano ko gagamitin ang Moonshield ko dito? Ano 'yon sasalagin ko lang 'yong mga binabato niya?
"Isip-isip din Lunako! Gumawa ka ng pakurbang kalasag. Tapos ipahiga mo!"
Na-imagine ko naman kung ano ang iniisip niya. Gumawa na ako ng moonshield at sinalo ang mga inihagis niya.
"Paano na pala kapag natapos na 'yong duration ng skill ko?" tanong ko.
"Siyempre bibitbitin lang natin 'yong kaya nating dalhin. Kakainin na natin ngayon 'yong iba".
Bumaba na si Estes sa puno pagkatapos mamitas. Kumakain na kami ni Estes ng biglang may narinig kaming tunog. Paglingon namin, may puting halimaw na walang mata ang papunta sa amin.
"Isa siya sa mga halimaw dito sa gubat! Takbo na tayo insan!" sabi ni Estes kaya napatakbo naman ako.
Tumakbo kami palayo sa halimaw pero sinusundan pa rin kami nito. Sinisimulan na kaming hingalin ni Estes.
"Mukhang kailangan na natin siyang kalabanin", sabi ni Estes.
"Paano 'yan wala akong damaging skill? Wala din akong panlaban kahit basic attacks lang", sabi ko sa kanya.
"Lituhin muna natin siya. Takbo ka pakaliwa ako naman pakanan. Paikot tayo hanggang sa magtagpo tayo. Aatakihin ko siya tapos depensahan mo lang ako gamit ng Moonshield mo", paliwanag niya. Tumango naman ako bilang pagsang-ayon.
Pakaliwa ako tumakbo. Napansin kong napatingin siya sa magkabilang direksiyon namin. Nalito siguro siya kung sino ang hahabulin. Pero ang nakakapagtaka lang, di ba wala siyang mata? Paano niya nalalaman kung nasaan kami? Bigla siyang tumakbo papunta sa direksiyon ni Estes. Lumiko na ako at umikot pabalik. Nang malapit na kaming magkasalubong ni Estes, nadapa siya at ngayon ay malapit na siyang sunggaban ng halimaw. Mukhang hindi ako aabot!
Hindi kaagad nakatayo si Estes kaya siguradong mahahabol na siya ng halimaw. Bigla namang nagliwanag muli ang kamay ko at napansin kong dumilim ang buong paligid. Hindi siya as in madilim na madilim. Katulad lamang ito ng dilim tuwing gabi na naliliwanagan ng kaunti ng dahil sa buwan. Naramdaman kong bumilis ang pagtakbo ko at saktong nakapagfirst skill ako para protektahan ang pinsan ko.
"Ngayon na insan!"
Pagkasigaw ko no'n ay inatake na niya ang halimaw ng sunod-sunod. Kombinasyon yata ng basic attacks at second skill ang ginagawa niya. Grabe ang bilis niya namang makapagpalabas ng gano'ng kapangyarihan. Napansin kong pawala na ang moonshield ko.
"Insan patapos na 'yong skill ko!"
Muling nagtapon ng second skill si Estes.
"Takbo na! Hindi na tayo mahahabol niyan dahil babagal na siya"
Tumakbo na kami palayo. Nang hindi na namin matanaw ang halimaw na sumusunod sa likuran namin. Napatigil na kami ni Estes sa pagtakbo. Nagliwanag na rin muli ang paligid.
"Whew! Ang galing mo Insan! Second skill mo pala 'yon!" sabi ni Estes.
"Huh? Anong second skill ko?", tanong ko sa kanya.
"Iyong pagtakbo mo ng mabilis! Nagtataka lang ako kung bakit halos nawalan ng cooldown 'yong skills ko", sagot niya.
Ah ibig sabihin nadiskubre ko na 'yong second skill ko! Pero pinagtataka ko pa din ngayon kung saan nanggaling 'yong liwanag ng buwan kanina. Umaga ngayon kaya imposibleng lumitaw ang buwan. Hindi kaya ultimate skill ko 'yong palitawin ang buwan? Hahaha. Natawa na lang ako sa naisip kong iyon. Tsk imposible.
"Ito na ba 'yon?"
Nakatingin sa harapan namin ngayon si Estes. Pagkaharap ko rin ay nakita ko ang isang bahay. Ito na nga 'yon! Ang bahay ni Kaito!
"Ito lang naman yata ang nag-iisang bahay dito eh. Ayan na nga 'yon insan!"
Lumapit pa kami sa bahay at pumunta sa may pintuan nila. Kumatok naman si Estes sa pinto.
"Tao po", katok ni Estes.
Pinagbuksan naman kami ng isang lalaking nasa forty years old na yata nag edad. Sa tingin ko siya na si Kaito.
"Kayo pala! Inaasahan ko na ang pagpunta ninyo dito. Tama kayo ng iniisip. Ako si Kaito", sabi niya sa amin.
Pinapasok niya naman kami sa loob. Umupo kami sa upuang gawa sa kahoy. Maliit lamang ang bahay niya pero kasya naman yata dito ang limang tao.
"Wala pa po bang nauna dito sa amin?" tanong ko. Sa dami ba naman kasi ng nangyari sa amin, imposibleng wala pa dito 'yong iba.
"Kayo pa lang ang nakakarating. Anong oras ba kayo umalis sa Academy?", tanong niya.
"Alas-singko po ng umaga", sagot ko.
"Alas-dyes pa lang. Maya-mayang alas dose pa dito makakarating ang mga kasamahan ninyo", sabi niya.
"Paano mo po nasabi?", tanong ko ulit.
"Tatlo hanggang apat na oras na pag-iikot sa gubat ang daranasin niyo makarating lang dito kung hindi kayo dumaan sa lungga ng mga halimaw", paliwanag niya.
Ah gano'n pala! Ibig sabihin tama si Estes sa sinabi niyang baka shortcut ang ginawa namin.
Nakipagkwentuhan muna kami kay Kaito at sinabi sa kanya ang tungkol sa misyon. Nasabihan na rin daw siya ng Academy na dadating kami. Bigla namang naalala ko 'yong deal naming lima kanina.
"Sa tingin mo pala Estes, sino ang mahuhuling dumating?", tanong ko.
"Wala na akong pakialam do'n. Basta may naisip na akong pabor na hihilingin", nakangiting sagot niya. Mukhang alam ko na ibig sabihin ng ngiting iyon.
"Kapag nahuli sina Rafaela, yayayain ko siyang magdate kami. Ikaw na bahala kay Mirasol. May gusto ka sa kanya di ba?"
"Wala ah! Anong pinagsasasabi mo dyan?" tanggi ko.
"Tapos kapag kay Martis nama--"
Naputol ang sasabihin niya ng may kumatok sa pinto. Sino kaya sa kanila ang nauna?
~~~ Ganda