Mobile Legends Fanfiction Land of Dawn Academy - Chapter 5

ramleague

Elite Gamer
May 11, 2015
274
11
18
Land of Dawn Academy - Chapter 5

Disclaimer: This is a mobile legends fanfiction. I am not affiliated with MLBB or it's partners. But I do own the copyright of this fanfiction. Tale as old as time. Song as old as rhyme. Plagiarism is a crime.

Read at your own risk!

Lunako's POV

Tila excited si Estes malaman kung sino ang mahuhuli kaya siya na ang lumapit sa pinto para buksan ito. Sumilip na lang ako mula dito sa kinauupuan ko. Pagbukas niya ng pinto, tila nagtaka si Rafaela dahil si Estes ang naroon. Napatingin din naman ako sa kasama niyang si Mirasol.

"Nandito na pala kayo! Kami ba ang nahuli?" tanong ni Rafaela. Nakita na rin niya akong nakaupo na dito sa sala. Pinapasok na rin naman sila ni Estes.

"Wala pa si Martis. Akala nga namin kami ang mahuhuli eh kami pa pala mauuna", sagot niya sa tanong ni Rafaela. Yumuko naman si Rafaela at napagaya na rin si Mirasol ng makita nila si Kaito.

"Halina't umupo na kayo rito. Pinaghanda ko kayo ng makakain at maiinom habang hinihintay niyo pa ang huli niyong kasama", sabi ni Kaito.

Tila nawala nga 'yong mga kinain namin kanina ni Estes dahil sa nangyaring pagsugod sa amin ng halimaw. Pagkatapos naming kumain ay nakarating na rin sa wakas si Martis.

"Oh bakit ang tagal mo Martis?" tanong ni Estes pagkabukas niya ng pinto.

"May nakita kasi akong kakaibang puno! Pagkakain ko ng isa sa mga bunga no'n, parang napunta ako sa langit!"

Nagtaka naman kami sa sinabing iyon ni Martis. Pumasok naman siya at naupo sa tabi ko.

"Basta pagkakain ko no'n, napapikit ako sa sarap. Tapos pagdilat ko, may mga babaeng nakahu---"

"Oo na Martis alam ko na namin 'yan respeto naman dyan", pagputol ko. Bumalik naman na sa sala si Kaito at nakitang kumpleto na kaming lima.

"Hanggang ngayon pala ay nagpapadala pa rin sila ng limang estudyante para sa isang misyon. At dahil pakay niyo ang Immortality Potion ko, papahirapan ko pa ng kaunti ang misyon niyo. Ipagkuha niyo ako ng bunga mula sa Tree of Luck. Kulay pula itong puno na may--"

"May dilaw na bunga?" nagulat naman kami dahil pinutol ni Martis ang sinasabi ni Kaito.

"Tama. Nakita mo na ba iyon?" tanong ni Kaito sa kanya.

"Kanina lang. Iyon 'yong sinasabi ko sa kanila kanina pa".

At dahil nga alam na ni Martis kung saan namin iyon makikita, dinala na niya kami doon kaagad. Nasa harapan na namin ngayon ang isang higanteng puno na kulay pula at dilaw naman ang bunga nito.

"Ang taas naman niyan. Paano ka nakakuha ng bunga niyan ah Martis? Kahit ako hindi ko kayang akyatin 'yan", sabi ni Estes. Marunong sa pag-akyat sa mga puno si Estes pero ang puno kasing nasa harapan namin ngayon ay higante talaga.

"Use your skill din kasi!" sabi ni Martis at tila humanap ng magandang pwesto.

Tumakbo si Martis ng mabilis at binangga ang malaking puno. May nalaglag na isang bunga.

"Ang galing naman no'n! Second skill mo naman kasi 'yang ginamit mo. Wala naman akong skill na kayang makakuha ng bunga", sabi sa kanya ni Estes.

"Hindi lang siya ang may kapaki-pakinabang na second skill. Panoorin niyo ito!"

Tinaas ni Rafaela ang hawak niyang wand at lumipad siya pataas para maabot ang bunga nito. Nakita naming tumikim siya ng isang bunga. Nagtaka na lang kami ng biglang naging itim ang kanyang pakpak at namumula ang kanyang mga mata. Nagulat ako nang bigla niyang inatake si Mirasol.

Dali-dali naman akong gumawa ng moon shield para protektahan si Mirasol. Ngayon naman napatingin siya kay Estes at Martis na nagulat din dahil sa bilis ng mga pangyayari. Inatake sila ni Rafaela mula sa mga ilaw galing sa ilalim ng lupa. Hindi naman makagalaw ngayon si Martis dahil tinamaan siya. Nakailag naman si Estes. Bakit kaya hindi makagalaw si Martis?

"Ultimate skill 'yon ni Rafaela. May stun effect iyon dahil sa passive niya", sabi sa akin ni Mirasol na tila narinig niya ang tanong sa isip ko.

Agad namang lumusob papalapit si Rafaela palapit kay Estes. Tumakbo naman ako ng mabilis para protektahan naman ang pinsan kong si Estes. Nagawa ko siyang maitulak bago siya matamaan. Pero dahil sa ginawa kong iyon, sa akin tumama ang atake ni Rafaela at hindi na rin ako makagalaw ngayon. Nakita ko namang tumakbo na si Mirasol palayo sa amin bago ako tuluyang nawalan ng malay

~~~ Ganda
 

Reply