Mobile Legends Fanfiction Land of Dawn Academy - Chapter 6

ramleague

Elite Gamer
May 11, 2015
274
11
18
Land of Dawn Academy - Chapter 6

Disclaimer: This is a mobile legends fanfiction. I am not affiliated with MLBB or it's partners. But I do own the copyright of this fanfiction. Tale as old as time. Song as old as rhyme. Plagiarism is a crime.

Read at your own risk (R18+)

3rd Person's POV

Habang walang malay si Lunako, nakalayo na si Mirasol mula sa nagwawalang si Rafaela. Wala na ring malay si Martis at si Estes na lang ang natitira. Muli na naman sanang susugod si Rafaela nang biglang naging itim naman ang mga mata niya ngayon ngunit bumalik na sa dati ang kulay ng mga pakpak.

Tila napagod rin si Rafaela sa pagwawala niya kaya mula sa mataas na kanyang niliparan ay unti-unti siyang bumagsak papunta sa lupa. Mabuti na lamang ay sinalo siya ni Estes kahit pareho pa silang napatumba sa lupa. Dumilat ang mga mata ni Rafaela. Hanggang ngayon ay balisa pa rin si Estes kung bakit tila may sumanib na kung ano kay Rafaela. Hindi pa rim bumabalik sa normal ang mga mata nito kaya bumalik ang takot kay Estes.

Gumalaw ang mga kamay ni Rafaela. Napatingin naman si Estes sa suot nitong green na blouse at palda. Humarap si Rafaela kay Estes at mas pinahiga pa si Estes. Hindi naman maisip ni Estes kung anong sunod na gagawin ni Rafaela.

Itinaas ni Rafaela ang suot na damit ni Estes. Nagulat naman si Estes sa ginagawang ito ni Rafaela. Tila natuod siya dahil hinahayaan niya lang si Rafaela na gawin ang gusto nitong gawin sa katawan niya. Wala na ngayong suot si Estes. As in walang wala na.

Hindi pa rin gumagalaw si Estes habang tinatanggal naman ngayon ni Rafaela ang sarili niyang damit. Noong una ay tila natuwa si Estes sa nakikita niya ngunit bago pa tanggalin ni Rafaela ang suot niyang bra, pinigilan na siya ni Estes.

"Alam kong hindi ikaw 'yan Rafaela", pagpigil ni Estes sa gagawin ni Rafaela. Nagulat naman siya dahil parang hindi ito narinig ni Rafaela at tuluyan ng natanggal ang suot nito.

Sa kabilang dako naman, tumakbo pabalik si Mirasol kay Kaito. Naabutan niya itong tila may ritwal na ginagawa. Nang maramdaman ni Kaito na may tao sa likod niya ay napatigil siya sa ginagawa niya. Isinalin na niya sa isang bote ang ginawa niyang Immortality Potion.

" Ginoong Kaito, nasa panganib po ang mga kasama ko!" sabi ni Mirasol habang hinihingal pa.

Kasalukuyan ding napatitig saglit si Estes sa katawan ni Rafaela bago hinawakan ng mahigpit ang mga kamay ni Rafaela.

" Itigil mo na 'yan. Alam kong wala ka sa sarili mo. Alam kong ayaw mo 'yang ginagawa mo", madiin na sabi ni Estes habang tinitigan sa mata si Rafaela.

Biglang bumalik sa dati ang kulay ng mata ni Rafaela. Nakatitig pa rin si Estes dito. Napailing-iling pa si Rafaela bago muling tumingin kay Estes.

"Anong nangyari sa akin?", tanong ni Rafaela sa nakatingin na si Estes. Bigla namang lumipat ang tingin niya sa nakahubad na katawan ni Estes. Napasigaw naman sa gulat si Rafaela at tinakpan ng dalawang kamay niya ang dalawang mata niya.

" Anong ginagawa mo?! Bakit ka nakahubad?"

Natawa naman si Estes ng kaunti.

"May sumanib sayo na kung ano. At alam mo ba na ikaw may gawa nito sakin? Nag-enjoy ka sa nakita mo 'no?", sagot ni Estes na may halong pang-aasar. Napatigil naman sa pagsasalita si Rafaela at tila mas napahiya pa sa nangyari.

" Sorry! Sisihin mo 'yong sumanib sa akin!"

Nagbibihis ngayon si Estes habang nakatingin pa rin sa katawan ni Rafaela. Napangiti si Estes dahil hindi pa rin alam ni Rafaela na wala ring siyang suot na kahit ano.

Habang nakatakip pa rin ang dalawang kamay ni Rafaela sa mata niya. Hinawakan ni Estes ang baywang niya papataas hanggang sa...

"Whaaaaa!!!"

Nang tanggalin ni Rafaela ang mga kamay niya sa mata niya, tsaka niya lang nalaman na wala rin pala siyang suot na damit habang nakabihis na ngayon muli si Estes.

"Akala ko hahayaan mo kong mahawakan 'yang kinabukasan mo eh"

Napatalikod naman si Rafaela. Nakita niya ang damit niya at agad na sinuot ang mga ito. Namumula ngayon si Rafaela dahil sa kahihiyan pati na rin sa inis kay Estes. Pagkatapos nitong magbihis ay agad niyang sinampal si Estes na agad ring namula ang pisngi.

~~~ Granda
 

Reply