Mobile Legends Layla Guide

Akemis

Newbie Gamer
Nov 13, 2018
15
0
1
Visit site
Disclaimer: Hindi po ako konektado sa may-ari ng Mobile Legends. Fan guide lang po ito ah especially for Philippine Mobile Legend Gamers.
Layla: Best Marksman! (For me) By: AdminPinoy

Introduction: Lahat naman may Layla di ba? Alam niyo na rin naman siguro yung mga skill niya? So para saan pala itong guide na ito? Hindi ako magaling sa items and emblems kaya hindi rin tungkol doon ang guide na ito. Strategy lang talaga ang matuturo ko. As in pure gameplay strategy.



Early Game
Dahil marksman si Layla, mas magandang solo mid siya. Kapag 1v1 lang naman kayo sa mid, kaya na ni Layla yan basta sa tabi lang siya ng tore. Pagkapatay mo ng kalaban mong hero pati ng minions, jungle ka muna. Kung low level ka, recommended ko yung retribution para mabilis makapa-level up. Lalo na para sa mga beginners, mas madali maglaro kapag lamang ka sa level pa lang. Para na rin hindi ka maging pabigat sa mga teammates mo. Pwede rin naman yung inspire kasi bagay 'yon sa mga marksman. Mga dalawa or tatlong round lang yan kaya mo ng maglevel 4 para ma-unlock mo na yung ultimate ni Layla.

Midgame
Kapag naging 1v2 kayo sa mid, magtawag ka ng kampi. Mas maganda kung 'yong tank gaya ng Tigreal. Pwede ring assasin o kaya fighter gaya ng Saber o Zilong. Syempre dahil Layla ang hero mo, sa likod ka lang nila. Basta pag nanalo kayo sa laban, jungle na kaagad para makapalevel-up.

Endgame
Malakas na si Layla kapag endgame lalo na kapag umabot ng level 12 pataas. Makipagtulungan ka lang sa mga kampi mo. Mahirap magsolo kapag Layla kasi hindi basta basta nakakatakas si Layla mula sa mga kalaban. Kapag dalawa na lang yung kalaban or mas maganda kung na wiped out niyo sila, punta kayo sa Lord para tulungan kayo. Kahit solo push ka na no'n sa lane ng lord basta sa likod o tabi ka lang niya. Tulungan mo siyang makarating sa base ng kalaban.

Comeback strategy
Mag-isa kang dumepensa tapos lahat sila magpu-push ng isang lane. Kaya na ni Layla 'yon. Kung kailangan mo ng katulong, dapat marksman din kung may extra kayo para 'yong iba mabilis makapush. Mage + Tank + Support magandang push na 'yon. Kung hindi naman kaya ng mga kampi mong magpush, depensa lang kayo hanggang sa ma-wiped out sila tsaka kayo sumugod lahat.

Average Stat for Layla
20 total kills + assists
2 or 3 deaths lang dapat

Synergy
Kapag sinabi kong synergy, ang ibig kong sabihin ay 'yong magandang kateam-up ng hero na 'yon. Every guide ko may synergy kaya tandaan niyo 'yan.

Layla Synergies

A) Layla + Lancelot
Oo alam kong nakakapagtaka na nakapares si Layla kay Lancelot at hindi kay Clint. Pareho kasing marksman si Clint tapos si Layla. Hindi masyadong magandang synergy 'yon. Kaya si Lancelot ang pinili ko. Nasa mataas na tier si Lancelot kaya alam kong maganda ang combination nila. Aatake si Lancelot habang tutulungan siya ni Layla mula sa likod.

B) Layla + Tigreal
Hindi naman porket nasa low tier silang dalawa eh hindi na sila pwedeng magsama. Two heads are better than one. Kayang talunin ng synergy na ito ang Lancelot + Karrina Combo. Maniwala kayo.

Counters

A) Zilong
Ito 'yong common na match-up lalo na sa lower rank gaya ng elite amd master. Second skill ni zilong plus 'yong first mahihirapan na si Layla

B) Karrina
Ang lakas kaya ng Karrina. Assassin na nga mage pa, san ka pa? Mas mabilis din si Karrina kaysa kay Layla kaya hindi rin ito matatakasan ni Layla.

C) Hayabusa
Lahat naman kayang i-counter ng Hayabusa eh. Best hero daw sabi nila. Malakas naman kasi talaga ang Hayabusa eh. Kahit nga 'nong newbie pa lang ako naka-20 assists ako dito kaagad eh unang gamit pa lang. Kaya nga sunod-sunod 'yong nerf nito eh.

How to counter Layla's counters?

Ang masasabi ko lang dito, use flicker spell. Kung wala naman, i-tank build mo para makapagtawag ka pa ng kakampi para tulungang makatakas si Layla. Kahit nga minion lang minsan nakakatakas ako kahit Layla gamit ko eh.

Conclusion:
Best Marksman? Hindi naman siguro. Sa meta kasi ngayon, mas magaling ang Yi Sun Shin pero hindi lahat ng player makakabili no'n kaagad. Madali lang gamitin si Layla kaya kahit beginner magmumukhang pro gamer kapag namaster ang paggamit kay Layla. Out of 50 matches, 35 do'n kayang ipanalo ni Layla. Sure 'yon kahit para sa beginner. Any comment?
 

Seeker

Casual Gamer
May 1, 2019
33
8
8
Visit site
Layla's Basic Rotation to level 4 and up to her first core item Berserker's Fury

Disclaimer: Depende po sa sitwasyon talaga ang rotation. Kaya specific situation ang gagamitin ko para ma-explain ang rotation ni Layla. Sana may makuha kayong tips not only for Layla but also sa rotation ng marksman generally and ng buong team.

Line-up

Layla
Hayabusa
Rafaela
Uranus
Harith

Laning:

Top: Layla and Rafaela
Mid: Harith and Uranus
Bottom: Hayabusa

~Analysis sa Laning

Usually kasama ng tank ang mage
Kasama naman ng support ang marksman
Since frontliner mage naman si Harith at pwedeng magtank build si Rafaela, wala na silang fighter at ang solo laner nila ay si Hayabusa.

Buff distribution

Harith sa midleft
Hayabusa sa midright

Goldcrab distribution

Layla sa top
Hayabusa sa bottom

Green monsters distribution

Layla sa top
Harith sa mid
Hayabusa sa bottom

~Layla's Perspective

Buy Hunter's Knife at the beginning of the game.

Clear lane.

Kill the monster sa top.

Clear lane.

Level 3 ka na niyan unless wala kang nalast hit.

Then since may kasama ka naman in this specific scenario, you may take the goldcrab para level 4 ka na at may Swift Boots ka na rin.

Always take note na iwas muna sa clash. Kapag tatlo na ang kalaban niyo dyan sa lane, defend turret mode muna kayo.

Beware din sa ambush lalo na kapag may assassin sa kalaban.

~~~Road to Berserker's Fury

Depende sa performance niyo 'yan as a team. Before 6 minutes dapat makuha mo na iyan. Kapag 7 minutes na at wala ka pa ring first core item, mahihirapan ka ng humabol. Level 8 ka na rin dapat kapag nasa 6-minute mark na kasi dyan na kayo magstart magpush ng two towers per lane.

Starting Point natin ay nasa Top ka na level 4 na. Just continue to avoid clashes unless kalaban ang nagpwersa. Try to retreat pero kung malapit na sa iyo ang clash and lamang naman kayo sa bilang, pwede kang bumack-up. Pero kapag lugi, baka isunod ka pa patayin kaya much safer kung lane and jungle ka lang muna.

Kapag naclear mo na 'yong lane and hindi niyo pa kayang ipush kasi wala pang minions and malayo pa 'yong sunod, either go to midlane or sa jungle monster kung available na ulit.

Kapag sa midlane, pwede kang tumulong magclear ng wave para makapagjungle rin 'yong nasa mid. Pwede na rin kayong magpush basta walang bantay.

After midlane, go back to your lane then clear it again. Wait for the next gold crab.

Nasa 4-minute mark na kayo ngayon at probably level 5 or 6 ka na.

Basta ang tatandaan mo lang, iwas sa clash as much as possible.

Bumack-up kapag malapit ka at hindi kayo lugi sa bilang.

Defend turrets. Wag hayaang may lane na walang bantay.

At 5:30 mark, level 7 ka na niyan kahit may 1 death ka pero dapat nakakuha ka na rin ng at least 1 kill and 1 assist.

May Berserker's Fury ka na niyan at the 6-minute mark.

~~~Tips and Tricks for Layla

1. Nakikita po sa minimap ang range ng ult ni Layla. Please use it to your advantage.

2. At level 12, kaya na ni Layla na tamaan ang turret kahit nasa labas siya ng range nito.

3. Kapag may humahabol sayo, use skill 2 para maslow ito. Gano'n rin kapag ikaw ang humahabol to secure a kill.

4. Spam skill 1 kasi pangharass mo iyan. Makakatulong ka para mas makasecure kill ang Assassin niyo.

5. Always check your gold count. Para alam mo kung kaya niyo bang pumalag o hindi. Kapag mas kaunti gold niyo, huli kayo niya sa items at mas mataas ang chance na matalo kayo sa clash. Marksman ka kaya dapat wag kang maging panghuli sa gold count. Commonly tanks and support ang nahuhuli sa gold count.

~~~If may tips pa kayong maidadagdag or may tanong, comment lang po and I'll try to read and respond.

By: AdminGanda / Mobile Legends Tier List and Guide
 

AshuraML

Elite Gamer
May 1, 2019
128
11
18
Visit site
Layla's Items Discussion

Intro: Since mukhang maraming gagamit ng Layla mamaya para sa 2 hero fragments, 2 premium fragments at 4 rare skin fragments, discuss natin siya

Top 1 Global Layla: StefanoZ Indonesia
MMR: 3331
Wins: 950
Winrate: 56%

Swift Boots
Berserker's Fury
Scarlet Phantom
Haas' Claws
Immortality
Blade of Despair

Spell: Flicker
Emblem: Assassin Emblem Bounty Hunter Talent (Agility and Fatal - MovSpd plus Crit chance)

Top 2 Global Layla: PrenciusF-'s
Rank: Mythic 36 Stars

Swift Boots
Berserker's Fury
Windtalker
Endless Battle
Scarlet Phantom
Immortality

Top Global Builds Analysis

Parehas silang sa Crit nakabase. Core items nila ay ang Berserker's Fury at Scarlet Phantom.

Magkaiba sila ng lifesteal item. 'Yong isa Haas' Claws tapos 'yong isa Endless Battle. Ako nga Demon Hunter Sword gamit ko eh haha.

Why Assassin Emblem?

Nakakatulong kasi ang Bounty Hunter para makapagpagold ka ng mabilis through killing sa early game. After makabili ni Layla ng 2 core items, kaya niya ng pumatay.

Agility sa Tier 1 kasi need ni Layla ng Mobility

Fatal sa Tier 2 kasi nakarely sa Crit ang damage niya.

Items Analysis

Need niya ng hunter's knife kasi since hindi inaabot ng 10 minutes ang usual na labanan sa Mythical Glory, kailangan makapalevel 12 na siya within 9 minutes.

Focus on jungling and laning ka lang hanggat wala ka pang Swift Boots and Berserker's Fury.

Apat na item lang ang madalas mong mabubuo sa loob ng sampung minuto. Ang apat na item na iyon ay isang boots, dalawang damage item at isang lifesteal item.

Final Note

Mahirap talaga magLayla sa Rank Game lalo na sa Higher Ranks. Kung napansin niyo 'yong winrate ng Top 1 Global Layla, 56% lang ito kahit 950 wins na siya. Hindi tulad ng sa ibang hero na kahit wala pa sa 500 wins, 80%+ ang winrate at mas mataas ang MMR.

Hindi talaga siya recommended for high competitive plays kasi nga madali lang siyang patayin sa early game kapag hindi maingat ang gumagamit sa kanya. Good teammates din ang need mo. Pero kapag solo player ka lang, better use META heroes sa Rank Games para mabilis kang makapagrank up.
 

Reply