Mobile Legends Minotaur is now a squishy tank?

AshuraML

Elite Gamer
May 1, 2019
128
11
18
How did the nerfs affect Minotaur? Latest nerf on Advance Server
  • Physical Defense Growth Reduced From 3.8 to 3.1
  • Latest nerf on Original Server
  • Reduced Physical Defense from 23 to 18
Ang Physical Defense ng isang tank ay 21 ang average.

Ang Magical Defense naman ng karamihan sa mga hero kasama na tank ay 10.

Sa ngayon, 18 na lang ang physical defense ni Minotaur. Lalo na tuloy siyang mas malambot lalo na sa early game unlike ni Grock na 21 ang physical defense.

2709 ang HP ni Minotaur compared sa 2819 HP ni Grock.

I think na overnerf na nila si Minotaur ngayon.

Alam niyo na kahit ang ibang marksman ay may 18 na physical defense?

Isa na rito si Claude.



So ibig sabihin ba no'n kasinglambot na ng Marksman si Minotaur?

Kapag nakaRage Mode, makunat pa rin siya. Pero kapag hindi, malambot na lang talaga siya.

Ang latest nerf sa kanya ay ang Reduced Physical Defense Growth.

Bawat level kasi, tumataas ang Physical Attack at Physical Defense ng lahat ng hero.

So imagine from 3.8 to 3.1

Sa pagkakaalam ko, inaapply ito every 4 levels.

So ang base Physical Defense ni Mino na 18 ay maaaring maging 29.4 ngayon. Pero kapag inapply na ang nerf, 27.3 na lang. Hindi man halata pero feeling ko malaki na talaga ang impact nito.

Bakit hindi ito nararamdaman ng iba?

Si Minotaur kasi ay ginagamit ngayon na pangset or initiator ng clash. Marami ang naiinis kapag natamaan sila ng Minoan Fury dahil disabled na sila at mas madali nang mapapatay ng mga damage dealers.

Marami rin kasi ang hindi nakakapansin na hindi naman talaga dapat katakutan si Minotaur kapag wala na siyang ult.

Sa tingin ko mga Minotaur Users talaga ang pinakamakakapansin ng paglambot ni Minotaur kasi tantiyado na nila ang damage na kayang ipagtangke ni Minotaur eh.

I am not a Pro Minotaur User. Siguro mga panglegend lang galawan ko sa Minotaur. Marami ang naiinis sa akin na KAKAMPI kasi hindi raw ako marunong magset.

Ang reason ko naman ay pangcounter initiate ko kasi ang Ult ni Mino. Hindi ko talaga pinupuno ang Rage Mode Bar niya. Kusa naman iyong napupuno kapag clash na. Magugulat na lang 'yong mga kalaban na tsaka pa lang ako gagamit ng Ult.

Medyo risky 'yong gameplay ko kay Minotaur kasi dapat hindi mapatay 'yong damage dealers ko hangga't hindi pa ako nakakapag-ult. Mas marunong kasi ako magwasak ng set kaysa sa magset mismo. Counter set kumbaga.

Siguro naman alam niyo na kung bakit bagay talaga sa akin si Belerick 'no. Top 1 local na ko sa kanya and Top 2501 Global.

Conclusion

So hindi porket 18 na lang rin ang physical defense niya ay kasinglambot na rin siya nina Claude na may 18 Physical Defense rin. Ingat ingat na nga lang talaga sa pangtangke ng damage.

Let other setters initiate your teamfight para panggulat na lang talaga 'yong ult ni Minotaur. Mas tatagal siya sa clash kapag gano'n.

PS: Kapag may Gwen, Chou, or Kaja sila talaga pinapauna ko. Tapos heal ko na lang sila then protect.

Follow our page Mobile Legends Tier List and Guide Discussed by: AdminGanda
 
Reply