Mobile Legends Tips on How to Push

AshuraML

Elite Gamer
May 1, 2019
128
11
18
Sa una, mukhang simple lang ito. Pero kapag nakarating ka na sa higher ranks, mapapansin mo kung gaano na kahirap makapush.



~Simple info muna tayo:

Mas kaunti ang damage mo sa turret bago mag3 minutes.

Bakit may ganyan na rule?

Para magpalevel4 muna at makuha ang first turtle.

So ang pinakaeffective time talaga na magpush ay after 3 minutes.

~ Isa sa mga objectives ng laro ang makapush. Push wins games not kills. Isa ito sa mga macrogame na dapat matutunan para mas makapaglaro competetively.

~First tip: Analyze which is the weakest guarded lane.

Kunwari kapag 2-2-1 ang kalaban, kung saan ang isa lang ang hero, doon niyo magtry magpush.

Ex. Isa lang ang kalaban sa bottomlane niyo. May isa rin kayong bantay doon. Pwedeng magdefense mode muna 'yong nasa top. Kung dalawa sila sa top, rotate sa mid ang isa. Tapos dapat dalawa ang pupunta sa bottom.

Next step: Ambush!

Dapat sa tatlong hero na nasa bottom ngayon, may isa kayong pangdisable or CC skill.

3v1 ang labanan at syempre dapat manalo kayo. Pagkatapos no'n, pwede na kayong magpush along with your minions.

~~~Paano kapag may bumack-up?

Kapag sa harap ng tore dumaan, baka kaya niyo pang mapatay depende sa sitwasyon. Pero kapag sa likod, nakadefense mode na yan kaya wag na muna kayong sumugod. Ang mahalaga, nakapatay kayo ng isa at magiging lamang na kayo sa Gold and XP.

~~Second Tip: Kahit mag-isa ka lang and may minion wave tapos alam mong walang kalaban na malapit sa tore, PUSH!

Kapag may nakita ka na sa mapa na papunta na sayo, back agad kasi delikado kapag nadisable ka habang nasa loob ng tore.

~~~Third tip: Wipe them out para mas safe magpush!

~~~Fourth tip: Kill the lord lalo na kapag alam niyong lamang kayo. Kunwari nakapatay na kayo ng tatlo or mas marami, maglord na kayo. Lamang na kayo sa bilang eh depende na lang kung may namatay din sa inyo.

~~~Fifth tip: Less priority na kasi sa pagfarm kapag lamang na kayo!

May mga carry hero kasi talaga na farm pa rin ng farm kahit 2K+ gold na ang lamang sa lahat ng kalaban.

How about try to pickoff?

Pickoff means killing one by one.

Pasama ka sa tank or fighter or CC hero then mang-ambush kayo.

At kapag lamang kayo, mag-initiate na kayo ng clash.

~~~

Final note: Mahalaga ang kill. Pero mas mahalaga ang push. Pwede niyo naman pong i-convert ang kills niyo sa push kasi mas madali magpush kapag kulang ang kalaban.

Dagdag ko na rin 'yong about sa teamfight.

Ito kasi 'yong common scene ngayon.

Initiator ang Minotaur. Kapag nakita niyong nakarage mode siya, back muna. Pagkatapos no'n, pwede na kayong sumugod. Take advantage po ng mga ganoong sitwasyon.

Tips on How to Push? By: Kaito
 
  • Like
Reactions: denney dimalanta

Reply