PC COD Competitive Player/Streamer Introduction

haXudon

Newbie Gamer
Jul 19, 2019
4
0
1
37
Team
Noob Clutch Gamerz
Hello guys,

I'm very new here. Pinoy po ako based dito sa Canada. Been gaming all my life, but just recently started streaming. Mostly nilalaro ko mga competitive games like Dota 2, Starcraft 2. Ngayon Call of Duty sa PC. Walang masyadong competitive scene sa COD pero pag meron, ang clan namin laging sumasali. Founder din ako ng Noob Clutch Gamerz, mejo malaking clan ito sa Diablo 3 HC. Laging number 1 sa leaderboards, puro mga adik eh.

Magaling ako mag FPS games. Grand Master ako dati sa Overwatch for 5-6 seasons. Soldier main. Kaso nag quit ako kasi nagustuhan ko ang Black Ops 4, doon ako nag concentrate. Eh ngayon focus ko Battle Royale sa Black Ops, Blackout. Masaya dahil marami akong friends doon. Kaso konti lang pinoy. Gusto ko sana dumami pinoy na gamers na based din sa US or Canada tapos laro tayo sa mga leagues and tournaments. Mas comfortable ako makipaglaro sa mga pinoy eh kesa sa mga dayuhan. hahaha!

Anyways, nood kayo stream ko guys, twitch.tv/haXudon. Ako lang ata ang Pinoy na naglalaro ng COD sa PC at nag stream. Gusto ko sana palakihin ang clan ko so hopefully dumami din kayo na magkagusto maglaro ng COD sa PC.

Minsan, naglalaro din ako ng ibang games like Dota 2 or Starcraft o kahit ano. Stream ko din yun, araw araw naman ako nag-stream eh. Astig sa stream kasi puro pinoy songs pinapatugtog ko. lol. Punta kayo minsan tapos chat tayo habang naglalaro.

Pag may tanong kayo or anything, punta lang kayo sa stream, andun din ang discord link ko para makapag kwentuhan tayo.

Catch you guys later! Salamat sa pag welcome nyo po sa akin.
-haXudon
 

Similar threads


Reply