Real Talk MOBA AoV

aovph

Newbie Gamer
Jul 10, 2018
3
0
1
Episode 1 - "Suggested" beginner tips
(Tagalog na para wala nang dahilan na di maintindihan)

*TANK*: (Tanke)
- Tank, Warrior/Tank, Tank/Mage
- mga makukunat/pinapakunat na heroes
- Taas defense, mahina o medyo mahina damage
- Late bloomers
- Nagsasalo ng damage para mabuhay ang mga kasama
- Lane: Top/bottom
- Jungle?: NO
- Example: Arthur, Maloch, Grak
- suggested items: Mantle of Ra, Frost Cape, Amulet of Longevity (taas def o HP)

*MARKSMEN*: (MM)
- Marksmen (meron pa bang iba?)
- mga malalayo tumira, malakas sumira ng tore
- ok damage, malayo tira, malambot def
- pwede introboys, pwedeng pangmatagalan, depende sa player
- Nangungunang magbasag ng tore. Pag wala nang tore, pwede na sa kalabang heroes
- Lane: Mid or Abysal lane
- Jungle?: minsan pero hindi lagi. Bigay 1st wave sa Jungler, pitik sa gilid after
- Example: Yorn, Valhein, Joker
- suggested items: Claves Santi, Slikk's Sting, The Beast (taas critical rate at armor pierce)

*MAGE*: (Mage)
- Mage (wala na ring iba )
- Mga heroes na umaasa sa skill at tira na umaasa sa "Ability Damage"
- ok damage, may malayo tumira, meron malapitan, malambot def
- introboys din pero pag nabihisan ng gamit, masakit!
- laging may slow/stun kaya gamitin ito, lalo sa clash. Suporta sa Tank, MM at assassin.
- Lane: Mid or Abysal lane
- Jungle?: NO
- Example: Veera, Natalya, Diao Chan
- Suggested items: Soaring Aura, Holy of Holies, Staff of Nuul (magic pierce at extra HP kasi malambot mage)

*ASSASSIN*: (Jungler)
- Assassin, Warrior/Assassin
- Mga heroes na malakas damage at mabilis tumira/kumilos. Malambot sa umpisa.
- Malakas damage, madalas nga lang malapitan at madalas din mababa HP.
- introboys pag hindi nag farm or jungle.
- laging ambush dapat ang intro sa clash at inuuna patayin malalambot na kalaban, last na ang mga tank.
- Lane: Jungle/roving/roaming
- Jungle?: YES
- Example: Butterfly, Batman, Kriknak
- Suggested items: Jungling items (Leviathan or Soulreaver), Mantle of Ra, Frost Cape

*SUPPORT*:
- Support (wala na rin iba )
- mga heroes na tumutulong sa kapwa heroes, lalo na sa clash sa pamamagitan ng heal, shield or stun ang kalaban.
- mahina damage, mababa din buhay, kailangan may kasama.
- never silang introboys
- bumili ng arcana at items na pampababa ng cooldown ng skills dahil dapat sagana ka sa heal, shield or stun.
- Lane: Top/bottom/Abysal Lane
- Jungle?: NO
- Example: Payna, Alice, Lumbur
Suggested items: Virtue's Necklace, Asterion's Buckler, Tome of Reaper (Mana recovery at bawas skill cooldown)



Disclaimer: Hindi ito official at batayan na ginagamit ng AoV o nang ano mang MOBA games. Kulang ang impormasyong mga ito at maiging magdagdag pa ng pagsaliksik sa AoV para makatulong manalo sa laro. Yung mga gusto magdagdag, palagay na lang sa comment section. Salamat!
 

Reply