RO rant

ramleague

Elite Gamer
May 11, 2015
274
11
18
Para sa mga walang trabaho/pasok eto tanong ko: Kung maraming bot sa server, dba dapat maraming equips at cards sa market, so dapat magkakaroon ng oversupply na magiging dahilan ng pagbagsak ng presyo ng mga ito?

Bakit, hindi naman ganun karami ang card at equips sa market?



Lakat ka sa pront, hanap ka ng hydra, hindi madali dba?

Dati bawat pub may pvp equips halos eh. In fact, yung mga ibang cards tulad ng smokie at matyr, ang mamahal, sa dating RO circa 2003,

mura lang mga yun kasi talagang talamak bot dati.

Yung clip dati halos free na pag binili mo na carded, pero ngayon ramdam mo pa presyo ng clip.

Ang ores, dati barya lang yan circa 2003, ngayon ang mamahal pa, asan ang oversupply?

Parang ndi consistent.

At kung marami ding botter, dba dapat maraming zenny na umiikot sa economy, ibig sabihin babagsak ang halaga ng zenny,

kung ganun, eh bakit walang makabili bili ng mga items na 10m up tulad ng mga costume?

Nag vend ako ng GAW, Dba dapat marami nang naka upg at overups at costume, kasi nga "maraming" botter, so in effect, babagsak din ang halaga ng mga yan kasi maraming may pera.

Nawawala value ng items, kapag marami ang may ari. Hindi consistent.



Ang totoong server na talamak ang bot ay:
1. Bagsak lahat ng presyo, basically wala nang economy
2. No such thing as rare, lahat meron na
3. Kung lahat meron na, bagsak presyo para mabenta lang
4. Walang zenny seller, kasi magbot ka nalang kesa bumili pa dba?

Paki explain sakin, kasi alam ko itsura ng server na pinatay ng bot, hindi ganyan ang itsura nyan in terms of economy.

Dami kasi nagcaclaim na marami bot, siguro meron, pero hindi enough para bumagsak ang server...

yet.

Add ko lang ah:

Kasi pansin ko, ang basehan ng pag brand naten ng bot is ang babaw eh.

Dahil lang hindi nagsalita, eh botter na?

Ok sige palalimin naten, dahil marami silang blacksmith sa isang lugar botter na lahat yun, kasi ore farming?



Eh kung magkakaibigan yun sa isang computer shop? or dahil paulit ulit na andun yung rogue sa Toy Factory, bot na yun at KS palagi?

Ang babaw ng basehan. Ang tunay na bot ay malalaman lang ng admin, period, walang labis walang kulang.

Ang behavior maaring ginagago ka lang para isipin mong bot siya.

Example, yung isang friend ko, ang hilig nun sundan ang mga pet at halikan using emoticon, wala lang trip lang niya manggago

kasi raw para daw isipin nung ibang player na bot siya...

wierd dba? pero ganun siya magisip.

Meron din ako kilala, may epilepsy yata, ang hilig mag lakad lakad ng walang direction habang nakikipagchat sa amin mga kaguild niya.

So pag makita mo siya, iisipin mo, "ay botter to kasi lakad ng lakad na parang timang" pero ang totoo



nakikichat siya at fidgety lang siya.

Ang sinasabi ko lang, maging mas edukado sa pagdeal sa mga botter, alam kong meron, pero nakikita ko hindi gaano karami para magka impact sa economy.

Kung gusto ninyo talaga mawala ang bot (although impossible mangyari)

kailangan niyo magtiwala sa systema ng roph at wala nang iba.

Ayun lang po, kasi marami sa "new" gen players, hindi marunong maghandle ng scum that we call "bots"



wag idaan sa init ng ulo at rant,

magtiwala sa systema at maging makulit, parang pulis lang yan roph eh, hindi lahat kaya solutionan in one day

pero kulitin niyo para may kinahinatnan

yun lang po, /mula sa isang matinong player na gusto pa magpatuloy ang roph at wag magsara tulad ng dati
 
Last edited:

Reply