Napansin ko kamakailan lang na madaming post dito na nagrereklamo kung bakit hindi sila nakaabot ng S-/S/S+ rating sa laro nila kahit maganda naman KDA nila.
Nandito ako para maghandog ng advice para sa mga member na ito, pero una sa lahat, hindi lang sa kill nadadaan ang mataas na rating.
Ililista ko sa baba ang iba pang paraan para tumaas ang inyong mga rating kahit hindi naman masyado karamihan ang kill nyo.
-CS: Simpleng bagay lang at madaming bumabalewala dito. Kahit na mabaog ka, basta matino ka mag CS, kahit papano ay makakahabol ka sa gamit para hindi ka tuluyang dehado sa kalaban mo.
-Vision score: Ang vision score ay makikita sa ibabaw ng trinket mo kapag pinindot mo ang tab. Ang vision score ang sukatan kung gaano ka epektibo ang pag wawarding mo. Ugaliing magbaon ng kahit isang control wag pagkatapos umuwi. Proteksyon na laban sa gank, tataas pa rating mo dahil sa vision score kapag tumagal ang control ward mo. 75 gold lang ang isa nyan kaya wag na kayo magpalusot pwede nalang kung saktong sakto talaga yung pera nyo para sa item na kailangan nyo.
-Wards placed/destroyed: Mejo parte na din ito ng vision score. Ang pagtatayo ng control ward ay maaring magpakita ng mga nakatanim na vision ward ng kalaban at subukan mo itong basagin kung hindi ka naman mawawalan ng CS.
-Damage to objectives/towers destroyed: Ugaliing sumama sa pagkuha ng DR/BR at pagbasag ng tore at kung maari ay subukan nyo din itong ilast hit para mataas na ang naibawas nyo sa mga ito, sayo pa ang kill credit.
-Healing done/damage mitigated: Kung naglalaro ka ng champion na may shield o heal, gamitin nyo ito ng maayos para mataas ang bilang nyo sa statistic na ito. Madalas ito sa mga support champion.
Advice lang ng isang jungler/supp/top main na plat 3 na gustong makatulong sa kapwa nya player