Tips and tricks kay Cyclops

ramleague

Elite Gamer
May 11, 2015
270
12
18
Visit site
Hindi dapat basta basta ini-spam ang skills ni Cyclops. Marami kasi akong nakikita at nababasa na rin na magandang i-spam ang skills niya dahil sa passive niya. Ganito ang tamang pag-spam sa skills ni Cyclops...



Sabi sa passive ni Cyclops, magrereduce lang ang cooldown niya kapag TUMAMA ang skills niya. Meaning, dapat asintado pa rin lahat ng atake mo.

Magbibigay akong situation...

Napasolo Top ka. Tapos nagclear ka ng minions, madali lang ipatama ang second skill mo sa kanila.

Note: Kahit isa lang po sa limang planetary attack ni Cyclops ang tumama ay babawas kaagad ang cooldown niya.



Yung first skill kaya, syempre kailangan mo ng i-aim iyon. Hold mo lang po yung skill kapag mag i-aim. Mas maganda kung yung tatlong minion ang matatamaan.

Another situation

Paano kapag may hero na dumating? Gamitin mo na muna yung ultimate mo and then use your first and second skill para mapabilis ang cooldown ng ultimate mo.



Last example...

Paano naman kapag hindi mo kayang talunin yung hero kasi may backup na siya? Syempre run using your second skill. Pero syempre hindi lang basta takbo. Patamain mo yung skill mo sa jungle monsters para maspam mo pa yung second mo. Advantage mo rin kapag nakakapagtago ka sa bush para hindi ka na nila pagtiyagaang habulin.



Nakatulong po ba tips ko? At saka may maidadagdag pa bang tips yung mga Cyclops users dyan ^_^ Kaway kaway naman po shoutout sa inyo.

Another Trivia: Top 12 si Cyclops ngayon sa best heroes in Mythic with a win rate of 52.08%
At isa sa pinakaginagamit na mage sa very high rank games.
 

Similar threads


Reply