Tips on how to get out of Bronze/Silver

ramleague

Elite Gamer
May 11, 2015
270
13
18
Visit site
Tips on how to get out of Bronze/Silver. Magpost ng tips (sa interesado lang naman na hijo at hija) Kung hindi scroll down. :) Okay, isheshare ko lang yung konting knowledge ko kung paano ako nakalaya sa Hell Division.

Tip#1: Muting toxic players
I-mute mo na agad yung teammate o enemy na sobrang ingay sa chat, nasa hell division ka expect that 90% of players there were toxic. Kasi once patulan mo yan e most likely mawawala ka sa laro, maniwala ka naranasan ko yan. Paano ka makipag usap? May smart pings, use it kaya nga nilagay ni RITO yan para may purpose. :) Ugaliin tumingin sa minimap. Respo at play safe kapag may dadalaw.

Tip#2: Laning phase
Mga hijo at hija, kung alam mo na late gamer ka at walang impact sa early game e syempre naman susmaryosep magplaysafe tayo, wag puro padalaw need din tumaba ng jungle niyo para kapag nag gank sayo e sure may mapick na na kill. Paulit ulit ng reminder to but 13cs e equivalent to 1kill. So far to the fullest, pag aralan kung pano maglasthit ng minions nang maayos. :) Nakuha ng farm mo yung kill? Magpasalamat pa din wag kang gamol may assist naman at makakapagcs ka. Magpasalamat sa maliliit na bagay. Nagwards ba support mo? May sweeping? May control wards adc mo? At iba pa? Magpasalamat ka. Trust me nakakataas ng morale yun at mas gaganahan gumawa ng tama yung teammates mo at most likely you will get an honor after a game, tried and tested mga hijo at hija. ;)

Tip#3: Counter picks
Siopaaao! Paano yan kuya counter ako ng top? Blitz yung support? Zed yung mid? Etc etc. Kalma ho mga hijo at hija. Tandaan "Counter picks doesn't necessarily mean insta-lose"
Mag play safe, wag na umadvance susmaryosep! Ikaw na nga lugi sa match up aadvance ka pa bigwasan kita e. Jokejoke. Pero ayun nga, since hell division yan haharass sayo yan. "Timing" ayan magpapanalo sayo sa match up niyo. Kung alam mo na di tumama yung major damage niya try mo inengage at pakiramdaman mo. Make sure may wards ka para iwas gank. Then kung alam mo na malulugi ka pa din out na agad kahit magamit mo Summoners mo. Tapos magcs. Cs lang talaga muna. Then kapag may item na try to communicate with your farm. IN A NICE WAY. MGA HIJO AT HIJA. NASA HELL DIVISION KAYO DON'T BE THE TOXIC ONES. PLEASE.


Tip#4: Warding/Dewarding
Hello ulit mga hijo at hija, eto ang isa sa mga pinakamahalaga sa game yet underrated af. Yes. Warding. From 75 gold e ginawa ng libre ni RITO kasi masyado daw underrated yung wards yet it is the heart of all strategies, ganks, objectives and can win you the game most of the time. Ganito na lang isipin niyo para sa chess kapag alam mo na move ng kalaban mo edi mapaghahandaan mo na. Most likely you will win the game. How? Hijo at hija hayaan niyong bigyan ko kayo ng halimbawa.

Kapag warded buong jungle nila and baron, tapos mag baron sila, edi makakapagregroup kayo para iambush sila at steal the objectives. Ez

Eto pa, mag pupush silang lima sa mid walang tp top nila or in cd, yung top niyo meron, edi makakapagsplit push siya lalo na kung ang line up niyo e heavy poke and sustain susme, di nila alam kung diretso push pa o def na. In the end may magrerecall dyan at may maiiwan and most likely may mapipitas kayo, meaning free baron o elder o another split pushes and sieges.

Dewarding naman tayo. Sweeping lenses and oracle alterations, underrated din to. Ginagamit lang kapag may teemo na kalaban ih pagbibigwasan ko kayu ih. Jukes. Kidding aside. Supports must have these, siya kasi yung kumbaga yung lighthouse niyo. Taga sense ng danger lalo na kapag warded ang lugar. (Please ugaliin samahan ang support kapag nagsweep ng vision kasi kapag namatay yan siya nasisisi, e ginagawa niya lang role niya ih, alam ko yan former supp main ako ih) At please kahit di ka support no? Ang bigat ba sa bulsa ng 75? Kung makabili nga kayo ng 5 pots e di naman mapindot pagclash 250 yon upakan kp kayo e jkjk. Need din ng control ward sa mga tamang bushes and spots mga hijo at hija.

Tip#5: Priorities
Nexus > Inhibs/BR> Turrets > DR > Kills > Neutral > CS

Ehhhh teka lolo, bakit yung kill parang isa sa least priorities? Ganito yan hijo at hija. Kapag nabasag niyo nexus ng kalaban kahit na gaano ka throw team mo at kahit sina faker kalaban mo e kayo ang may lp (if ranked game). Kahit mag isa ka at napulis mo nexus nila, kahit lock items na sila at ikaw puro tear of the goddess e sayo ang lp so pinakamahalaga kung matatapos na ang game wag niyo na landiin kurutin ko singit niyo e. Maraming nababaligtad pa kasi nilalandi pa at gusto lock item, ang resulta nakakabuild pa ang kalaban at nagsisisihan sa dulo (Nasaksihan ko na yan sa ilang taon ko sa liga). Baron and inhibs are almost equivalent since pareho silang nakakadagdag ng lane pressure lalakas minions niyo ganern. Yung turrets naman kaya ayan sunod e lahat kasi kayo may gold at yung part ng map ng kalaban na yon e magiging dead lane (neutral na pero lamang sa inyo kasi kapag may wards yon magiging trap yun at takot mag engage don kalaban) Next e DR since may perma buff kayong lahat but iisa lang gold at parang minion lang kaya minsan underrated siya. But kapag may tatlo kayong infernal o tatlong ocean o tatlong earth o tatlong cloud o kahit halo. Sabi ko sa inyo magiging big deal sa kalaban ang elder dragon. Paano double yun at may burn pa. Susmaryosep tatlong infernal plus elder will cost them the game.
Kills e nah! Yes gold and lamang sa clash but remember ang adc (lalo na vayne jinx kaisa --- hyper carries na ad) kaya umubos ng lima so what kung nakapatay ka ng isa kung ubos kayong lima? CS syempre ang lowest yet mahalaga pa din 13cs = 1 kill so kung naka 130 cs ka in almost 15mins e aba para kang naka 10 kills sa early. Minsan mas mahalaga pa ang cs sa kills tandaan niyo yan mga hijo at hija.

Ayan na muna mga hijo at hija hirap ako magtype sa phone jusme. Abangan ang susunod na mga tips. Kung may tanong balak ipalagay sa susunod na tips e magcomment lang hijo at hija.
 
Last edited:

ramleague

Elite Gamer
May 11, 2015
270
13
18
Visit site
Basic Tips For Climbing Elo from Bronze to Gold. Sorry na agad sa ibang mag TT base on may Exp lang yan dagdagan nyo na lang if may kulang oh mali ako.

TOP - Need mo ng Tank/CC, skiller basta kayang mag roaming ng tuloy tuloy kapag nabasag mo na turret ng kalaban, dapat yung pick hindi madaling ma outplay. Kailangan ikaw mag command ng Warding Point sa Bot para kung sakaling respo maganda ang TP.

JUNGLE - Need ng CC, Tanky, dapat laging may dalang Vision mag iwan ka sa mga spot na alam mong pwedeng daanan ng kalaban kapag mag invade sila oh mag steal sila ng objectives tsaka dapat marunong kang maki ramdam kapag kailangan ng respo, kailangan may " MAP AWARENESS " ka para maganda ganda ang farm mo at dapat marunong ka tumingin kung sinong lugi sa laning nyo kung lugi ang bot mag camp ka sa bot same lang din sa ibang lane.

MID - Need ng Burst may CC, skiller, sa picking dumipende ka sa pick ng kalaban matuto kang mag counter pick lalo na pag ranked wag basta basta kumuha ng champ na madaling ma out play especially map awareness at dapat ikaw ang gagawa ng play ng jungle nyo naka dipende sayo kung anong play at pano siya ga'gank sa mid at laging mag dala ng vision para iwas gank.

ADC - Kahit anong ADC need mo basta kailangan din yung pick hindi lugi sa laning phase much better ng ADC eh yung may scape tool at dapat ikaw yung main damage ng team kung lugi man ang mid or top dapat maayos mong magawa ang Role mo.

At ito na ang pinaka maangas na role sa lahat
SUPPORT - Ito yung kailangan TANK, CC, more CC, CC Dapat alam mo pano i handle ang isang laro especially ang ADC mo, alam mo kelan re'respo, kelan ka tutulong pinaka best pick is Thresh, Naut, Karma, Blitz mga enggaging champ kayang mag set nh laro Much better kung NAMI, JANNA ewan ko mas trip ko kasi mga disengage champ, mas masaya sila pang support kesa ibang champ.

-MAP AWARENESS, COUNTER PICK,
COUNTER BUILD, COMMAND, OBJECTIVES, VISION, SMART PINGS, much better kung LESS TT para maganda ang laro.
Ps: i posted it long time ago ang dami na naman kasing humihingi ng tips eh about climbing elo
Pss: tong tips na kasi to nagawa ko to mid s7 kaya puro tank/cc meta ang nasa guide tinamad na ako mag dagdag eh hahaha pero hanggang ngayong meta pwede pa naman yan.
 

Reply