Tips to Rank Up

Kaito

Hardcore Gamer
Apr 22, 2019
53
7
8
Hindi ko na mahanap 'yong dati naming post na ganito kaya gawa na lang ako ulit

Tip#1 About sa Phone

Skip this kung wala kang budget. I highly suggest buying a phone na 4GB ang RAM. 'Yong mga less than 7K na phone kasi 2GB RAM lang kaya madalas hindi smooth 'yong gameplay. I mean kapag clash, nagfre-freeze or delay ang command.

Tip#2 About sa Internet

Bago magrank, test ping sa Classic or Brawl. Pwede rin sa AI kaya lang hindi assured 'yon kasi 5 lang kayong online player. Minsan kasi green ping ako sa AI pero sa Classic Red ping na.

Huwag Magrank kapag Lag para hindi makadamay ng kampi.

Tip#3 About Mastering your Hero

ML Pro Coaches like Dogie suggests 20 Classic Match bago maglaro sa Rank. Please wag magpractice sa Rank.

Tip#4 Adjust

Ang usual lineup ay may isang tank, isang fighter, isang assassin, isang mage, at isang marksman. Kapag may support naman, dapat may 3 damage dealers kayo. Example ko na kapag gagamit ng Diggie. Kakapusin kayo sa damage kapag dalawa pababa ang damage dealers niyo.

At para makapagadjust, master at least 3 heroes each roles.

Tip#5 Momentum

After 2 loses, tigil na muna.

Bakit? Wala ka na sa momentum no'n. Either mawawalan ka ng gana or 'yong mindset mo eh magugulo na. Basta tip ko 'yon.

Tips for each Ranked Mode Division

Warrior & Elite: Madali lang makaalis dito kahit 1 season ka pa lang naglalaro. Use carries like Assassins or Marksman para mabilis makapagrank up.

Master: Dito na nagsisimulang maging mahalaga ang proper line-up. Use carry Mage or Assassin. Madalas walang mage dyan. Ok lang kahit isa lang ang makunat basta may frontliner kayo. Daanin mo na lang sa pagbuhat mo. Adjust to Fighter kapag puro malalambot talaga gustong ipick ng kampi mo. Pwede namang Tank pero kung gusto mo makaalis ng mabilis, use Fighter na kayang magcarry

Grandmaster: Dito ka na magsimulang magpractice ng different roles especially Tank. Learn proper rotation and learn how to get objectives like towers and the Lord.

Epic: Start ng Draft Pick dito. Learn the META Banning and Picks. Mas mataas kasi ang chance na manalo kayo kapag kayo ang nakakuha ng META heroes. Don't reason out na hindi kayo marunong since dapat pinapractice niyo po dapat talaga ang META heroes para makapagrank-up ng mabilis.

Legend: To reach Mythic, patience is the key kung solo player ka. Pero kung may squad ka, easy lang makapaMythic.

Mythic: Alam niyo na gagawin niyo and 'yan na ang pinakamataas na division. Kanya-kanya ng buhay dyan kasi 'yong iba wala ng pake sa stars basta mahalaga Mythic na sila.

Final Tip:

High IQ Gamers can reach Mythic in just 1 season.

Average IQ Gamers can reach Epic in 1 season then Legend/Mythic in the next.

Dinadaan na lang din 'yan sa Experience. Lalo na 'yong mga kina-career na ang ML.

Kung 1 season ka pa lang naglalaro, okay lang kahit hanggang Master ka pa lang.

Kung 2 seasons, kahit GM.

Kung 3 seasons, kahit Epic.

Kaya para sa mga newbies, take your time and wag masyadong madaliin ang pagrank up kasi may mga player na kahit 1 year lagpas ng naglalaro ng ML ay hindi pa naaabot ang Mythic.

Max your emblems and complete your hero collection through time.

Tips to Rank Up By: Kaito
 

Similar threads


Reply