Tutorials para sa mga newbie sa Mir4

Bantillo

Elite Gamer
Nov 4, 2018
249
7
18
Visit site
Good day sa lahat.. Ish-share ko lang ung basic tutorial at basic knowledge ko sa game.. Tulong ko po ito sa mga newbie at mga players na gusto mag pa taas ng PS..

Disclaimer, di po ako pro player lalo na hindi po ako nag mamagaling, gusto ko lang ishare ang nalalaman ko.. sa mga mabubuting player dito, kung meron pa kayong gusto ishare sa lahat at idagdag, kindly share your ideas, experience, at knowledge sa game.

Tutorials para sa mga newbie sa Mir4

I assume lahat kayo nakapag DL na ng Mir4 pero still deciding on what to do and how to play the game to catch up sa mga nag lalaro na or matagal na sa game..



First, try to search for characters na akma sa play style nyo.. Madami yan sa google or YouTube

After creating character, syempre you need to follow in game instructions..

Tip: Try to reach level 10 – 25 para ma open ang ibang game functions

Do main quest as much as possible at hanggat kaya ang mobs or main quest na located sa right side pane ng game window na may blue exclamation mark.



Kapag na reach na ang level 25 or even higher. Mag oopen na ang ibang game functions.. Doon makikita na ang mga pwede gawin para ma improve ang character which is located sa upper right corner ng game window na may ( + ) icon.



First and for most na makakatulong sap ag taas ng PS (Power Score) ay skills at pag uupgrade ng skills.



Yung Skill tome, makukuha sya sa mga quests, missions, request and iba pang game feature reward.

Note: Pwede rin kayo bumili ng skill tome summon ticket sa market using Real money or In game Copper..

Spirit, Malaki ang ambag ng spirit sap ag taas ng PS ng character dahil may binibigay itong attributes at special effect skills sa character



Note: Maaaring makakuha ng Spirit sa Quests, Mission Rewards.. Makakakuha rin ng spirit sa Market using Real Money or In game Copper (makukuha sa common product “Spirit Stone Summon Ticket ranges from 60k, 120k, 240k Copper”, at sa Step Up. Additional info, mas mainam na bilihin ang worth 60K copper na Step up items from 10k, 20k at 30k)

Training, isa rin ito sa nakakapag pataas ng PS ng characters gamit ang upgrade materials na makukuha sa quest, mission rewards, request, gathering at monster drop at crafting



Note: Ang mga materials ay pwede makuha sa mga nabanggit na game features.

Tip: Pwede ka mag AFK grinding sa pag kuha ng materials like sa Gathering, at sa mga dungeon kung saan pwede mag drop ng mga upgrade materials.

Next is Enhancing and Enchanting.. Mataas din mag bigay ng PS ang enhancing at Enchanting sa item.



Note: Ung mga enhancing materials makukuha sya thru quests, missions, raid rewards
“Need ng Darksteel sap ag eenhance and enchant ng item”

Darksteel po ay makukuha sa Clan rewards, Achievement reward at Daily Rewards, Valley Mining, Secret Peak Portal at Magic Square Portal, at lastly sa Daily quest mission which is 30 times available sa isang araw. 30 Times daily quest = 30K DS (DarkSteel) daily.

Aside sa Enhance at Enchant, makakatulong din ang pag craft or pag papataas ng level ng items (Tier) from tier 1 – 4



Note: Makakakuha ng mga crafting materials thru mining, quest, mission rewards, monster drop
“Minsan ang mobs nag ddrop din ng item mismo na pwede mor in magamit sap ag papataas ng tier ng weapon, armor, accessories.”

Need din ng Dark steel each time na mag uupgrade ng Tier ng item at rarity ng item from Uncommon to Legendary.

Mission at Request, dito ay Malaki ang maitutulong sapag papalakas ng character dahil dito maraming crafting materials, items, darksteel, copper at experience na makukuha for free by just doing the quest and request missions. Dito rin makikita ang Daily quest na may Darksteel ang reward.



Conquest, isa ito sa may pinaka malaking factor ng pag papataas ng PS, at makakatulong ng Malaki sa improvement ng character.. each time na mauupgrade ang mga towers ng Conquest, may katumbas itong additional attributes para sa character improvements.



Note: Need din ang mystery quest para ma enhance ang towers.. Need ng copper, energy at Darksteel sap ag eenhance ng towers sa conquest.

Isa sa mga paraan para makakuha ng Darksteel, Craft Materials, Copper, Exp ay ang Magic Square at Secret Peak which is available 1 (once) a day with two (2) tickets each portal.



Maliban sa Portals, meron din Raids kung saan makakakuha ng mga materials at items. Take note, minsan nag ddrop or nag bibigay ng rare items at rare materials sa mga raids.



Note: Free and ticket sa Raids and portals everyday. Nag rereset ang raids and portals every 12am
GMT 00:00 (+8 Server Time)

So, maliban sa mg ana mention na tips sa taas.. wag kakalimutan ang pag grind ng mats, items, at energy which is best to do kung matutulog kayo or busy kayo kasi madali kayo makakakuha ng mga required for PS upgrade.. Here are some tips kung ano mga dapat gawin at ma kukuha..



Note: Most of the maps may available na Gathering and Quarry positions.. Ung items na makukuha sa Quarry is pwede magamit sap ag craft ng items or pag craft ng higher crafting materials



Sa gathering naman, dun makukuha ang pang enhance or upgrade ng Training constitution

Note: May chances na makakakuha ng rare items na magagamit sap ag enhance or pag upgrade sa higher constitution level.. Pwede rin ito gamitin sap ag craft ng higher materials sap ag upgrade ng higher level constitution.

Maliban sa mga mentioned above, meron din makukuhang copper at ibang items sa daily rewards, at achievments.. Kahit sa events na located sa upper left window part ng game window below HP/MP Bar..



Wag kakalimutan sa lahat, Clan. Sumali sa clan. Dahil ang good community ng clan ay isang malaking part na makakatulong sa inyo sapag papalakas sa tulong ng clan members, maliban don. May mga Clan activities na may makukuhang Clan rewards.



Last but not the least, AFK Grinding. Dito makakakuha ka ng EXP, Copper, at maraming materials.. Magandang gawin ito kapag matutulog na or busy at pwede mong iwan ang character mo nan aka Auto Battle sa map as long as meron kang Pots for HP and Mana also, make sure na kaya mo ang mobs sa map para hindi saying ang exp, dahil each time mamamatay ang character mo mababawasan ka ng 5% exp and pots each time mamamatay char mo. Pwede mo naman ma recover and lost exp at items thru recovery sa baba ng HP/Mana Bar sa upper left corner ng game window.

Sana po ay nakatulong ng Malaki ang simple tutorial na ito lalong lalo na sa mga baguhan at mga free to play player na gusto mag palakas..

DISCLAIMER: HINDI PO AKO PRO PLAYER.. LAHAT PO NG NAISHARE KO SA DOCUMENT NA ITO AY BASE SA EXPERIENCE AT CURRENT GAME PLAY KO.

HINDI RIN PO AKO SPONSORED OR KAHIT ANO PA MAN.. ITO AY BASE LANG PO SA MGA NALALAMAN KO SA LARO.. BEST WAY IS TO EXPLORE THE GAME, DO SOME MORE RESEARCH AT WATCH MORE VIDEOS SA YOUTUBE WHICH IS GINAWA KO AT CURRENTLY GINAGAWA KO PARA MAKAKUHA NG TIPS AT IAPPLY SA CURRENT CHARACTERS KO..


ctto MN Westwood
 

Reply