Twilight Armor Things to Know

mltlgganda

Casual Gamer
Oct 9, 2018
45
5
8
Things you MIGHT not still know about the "Twilight Armor" Item (Useless daw?! Eh offense plus defense 'to for mages eh)

Introduction: Ginagamit niyo pa ba itong item na ito? Uulitin ko lang 'yong disclaimer ko ah. Ang mga babanggitin ko rito ay baka alam niyo na or hindi pa. At isa pa, just watch Youtube Videos for Validation nitong Guide ko. So let's begin.

1) 1200 HP, 400 Mana, 50 HP Regen. Passive: Defiance

- 4 seconds ang cooldown ng passive nito
- 6 seconds naman nagtatagal ang effect ng passive kaya useful ito for tanks lalo na kapag may kalabang Lesley or Aldous.

2) Maganda ang combination nito sa Lightning Truncheon

Ang dagdag mana nito ay magpapalakas hindi lang sa sustainability ng mage kung'di pati na rin sa Damage nito.

3) Gaya nga ng nabanggit ko kanina, mali 'yong iniisip ng iba na pang-one shot lang ang effect nito tapos balik ulit sa 1K ang damage. No, after 6 seconds pa bago ulit lumagpas sa 900 ang damage. Kaya makakatagal ka sa clash for 6 seconds na bawas ang damage.

4) Good for solo ranking mage users. Makakasurvive ka na sa 1v1 against Lesley or Aldous. Ito ang sample build kay Eudora using Twilight Armor

Clock of Destiny
Rapid Boots
Lightning Truncheon
Twilight Armor
Dominance Ice
Holy Crystal

Kaya siya fourth item kasi kailangan mo munang buuin 'yong burst damage mo bago ka magdefense item. Parehong may additional mana stats ang Twilight Armor at Dominance Ice kaya posibleng umabot sa 2000+ ang damage ng passive ng Lightning Truncheon. Sapat na sapat na iyon kaya kahit huli mo ng i-build ang Holy Crystal. Makunat na nga masakit pa! Yan ang hybrid build ko kay Eudora. Kaya lang binibuild ko lang 'yan kapag walang tank sa team. Solo gaming eh...

5) Twilight Armor is not a defensive nor offensive item. It is a hybrid item na mamamaximize mo lang through synergies. Hylos is the best hero na gagamit nito. Killer Tank si Hylos kapag 'yong binigay ko na build kanina ang ginamit. Palitan lang syempre 'yong holy crystal ng Immortality or Antique Cuirass.
 

Similar threads


Reply