VEXANA GUIDE (based on my own experience, *not a pro*)
Naniniwala ako na si Vexana ay isang underrated hero lalo na nung hindi pa s'ya nare-revamp, pero sa maniwala kayo o sa hindi, isa s'ya ngayon sa nasa meta-heroes list dahil na rin sa pag-revamp sa kanya.
Si Vexana ay isang Mage type hero na umaasa at tumutulong sa team gamit ang kanyang BURST damage (when I say BURST, I mean "WHERE DID MY FUCKIN' HP GO?" ) at kanyang Crowd-CONTROL ability. So here it is....
Part 1: Skills
Passive: Necromancy Spell
- Ito talaga ang nagbibigay ng mas malakas na power kay Vexana. Magkakaroon ng "occult spell"/marka 'yung mga enemy units (enemy heroes/jungle monsters/enemy minions) kapag naka-receive sila ng damage mula sa basic attack or skills mo. Tatagal ng 5 seconds ang "spell" sa unit na namarkahan mo, at kapag namatay ang unit na may "spell" ay sasabog sila at magde-deal ng 320-600 Magic Damage sa mga units na masasabugan. Ang mga units na masasabugan ay magkakaroon din "spell".
1st skill: Charmed Specter
- Ito 'yung may hihilang kamay sa kalaban hahaha. Kapag tumama sa enemy hero/es 'to, magde-deal 'to ng 280 (+30 kada level mo sa skill na 'to) + (60% total magic power) at gegewang ang kalaban. Ito ang tanging Crowd-control skill ni Vexana. Dati sa isang hero lang 'to umeepekto (single-target) at mahihila ang hero na 'yon papalapit sa'yo. Ngayon lahat na ng kalaban, kahit lahat pa sila.
2nd skill: Nether Snare
- Ito 'yung may pinakamalaking damage sa mga skill ni Vexana. Kumbaga ito yung black hole na hihigop sa buhay ng kalaban. Magde-deal 'to ng tumataginting na 500 (+70 kada upgrade ng skill na 'to) + (250% ng buong magic power mo). Oh diba? Ang kati neto par, hindi mo gugustuhing matamaan netong skill na 'to hahaha.
3rd skill: Cursed Oath
- Single at lock-on target ang skill na 'to. Magkakaroon ng "Sumpa" ang kalaban na malalagyan mo nito.
- Ang "Sumpa" ay tatagal ng 8 seconds sa target.
- Once na ma-cast mo ang skill na 'to, magde-deal 'to ng 250 (+50 kada upgrade) + (80% ng buong magic power mo). May additional pa na 75 (+20 kada upgrade) + (20% total magic power) KADA SEGUNDO.
- Kapag namatay ang target within 8 seconds o kaya kapag natapos ang 8 seconds na 'yun (kahit hindi pa namamatay ang target), magkakaroon ka ng "Puppet" na ginaya ang na-target mo.
- Ang "Puppet" na 'yun ay makukuha ang 70% ng lahat ng attributes ng "Original hero" na pinaggayahan.
- Ang "Puppet" ay magde-deal ng magic damage sa sakop ng "Aura" n'ya ng 5% ng MAX HP ng pinaggayahan.
- Ang "Puppet" ay tatagal ng 20 seconds.
- Ang "Sumpa" ay hindi nagagamot ng kahit ani. Kahit purify o kaya ULT ni Miya, wala kang kawala hahaha.
PART 2
Eto na ang Part 2 ng guide, sa mga hindi pa nakakabasa ng part 1 na about sa skills ang nilalaman
Aaaaat eto na nga! Ang part na 'to ay naglalaman ng gameplay tips, skill combo & upgrade pattern, at situational builds (personal kong mga build kaya don't bash hahaha)
2.1: Skill Combo and Skill patterns
- Well, "easy as 123" lang naman ang combo kay Vexana...like...literally. 1-2-3 lang ang combo sakanya, pwede ring 3-1-2.
- Make sure na mape-predict mo ang movements ng kalaban para alam mo at tatama ang pagca-cast mo ng skills.
- Sa Skill upgrade pattern naman, 2-1-3 ang pattern. Priority mo dapat ang 2nd skill kasi ito ang pinaka-source mo ng damage, i-upgrade mo ang ULT mo kapag pwede s'yang i-upgrade, at least priority ang 1st skill mo since pang-crowd-control lang talaga 'to.
2.2: Item Builds
- Nasa baba na 'yung mga build (personal build) ko sa kanya, nandun na rin ang explanation.
- Wag ka nang mag-"Boots of Tranquility" as first item. Ang i-first item mo ay "Elegant Gem". Ang "Elegant Gem" ay magbibigay sa'yo ng 20% HP & MANA regen kada magle-level up ka. Mas malaki ang 20% kaysa sa "20" regen ng "Boots of Tranquility". I suggest na 'yung boots na may magic penetration o kaya 'yung may cooldown reduction na lang ang gamitin mong boots.
- Spell vamp? Nope. Para sa'kin mas okay kung full-magic damage ang items ni Vexana. Mas mahaba ang range n'ya kaysa sa ibang mage kaya mas safe ang pwesto n'ya, at dahil doon, hindi na n'ya kailangan ng spell vamp. Hindi naman s'ya masyadong nalalapit sa mga kalaban.
- Lagi mo s'yang lalagyan ng "Glowing Wand" na item, perfect ito para sa ULT n'ya kasi may burning effect din ito. Damage per second ng ULT mo tapos Damage per second pa ng Glowing Wand, boom!
2.3: Battle Spell
- Dalawa lang 'yan. It's either "Sprint" or "Flicker", bahala ka na, malaki ka na alam mo na kung anong gusto mo hahahaha dejoke.
- Dati "Sprint" ang gamit ko sakanya nung nasa lower ranks pa ako (GM-Epic). Kasi yung mga kakampi mo hindi magce-clear ng waves kahit nakikita na nila, ang hanap nila eh kill kaya magagamit mo ang Sprint para makapunta ka kaagad sa ibang lane para mag-def or mag-clear wave.
- Ngayon na nasa Legend-Mythic na ako, Flicker na ang gamit ko sa kanya kasi pwede kang makapag-"We are electric" na galawan gamit ang flicker hahahaha. Saka mas mainit ka kasi sa mata ng assassins kaya mas okay 'yang Flicker. Kayo, bahala na kayo kung ano gusto n'yo, gusto n'yo mag-Retribution kayo hahaha.
2.4: Gameplay Tips
- Sa pagpili ng lane, bahala ka na hahaha. Kung walang ibang magmi-mid, ikaw na ang mag-mid. Pero mas okay kung may kasama ka para iwas ka maging pulutan, top or bottom lane. I-prioritize mo munang bilhin ang "Elegant Gem", naipaliwanag ko na 'yan hahaha. Sa minion waves, mag-basic attack ka muna sa minions hanggang sa mag 30% below na lang ang buhay tapos saka ka mag-cast ng 2nd skill mo sa gitna, i-cast mo dun sa mas madaming matatamaan na minions para tuloy-tuloy ang chain-reaction. Hangga't maaari, i-last hit mo ang minions para hindi ka mapag-iwanan, hindi ka mahihirapan sa paggawa nun kasi napakabilis mag-clear ng waves ni Vexana.
- Lagi mong i-save ang 1st skill mo hangga't maaari, pwede kang maligtas neto kapag iga-gank ka ng kalaban.
- Once na nag-level 4 ka, pwede ka na rin mag-gank.
- Yung command na katabi ng recallna lumalabas kapag nagka-Puppet ka, ayun ang command sa puppet. Blue means defensive mode, stay lang s'ya sa'yo. Yellow means offensive mode.
- I-activate mo 'yung "Lock-hero mode" sa settings. PRIORITY mo sa ULT mo ang FIGHTERS & TANKS. Hangga't maaari, wag na wag mong gagamitin sa mga Mage kasi masasayang lang ang puppet na lalabas, unless mamatay naman na, reasonable naman 'yon.
- Kung bakit FIGHTERS & TANKS ang dapat na maging Puppet? Kasi mas makunat sila, mas tatagal sila. Saka ang 5% ng Max HP ng pinaggayahan ng puppet ay magiging Magic Damage per second (yung aura nung puppet). Saka mas maganda rin 'yon kapag clash, may Extra tank kayo. Ngayon kung puro naman na tank ang line-up n'yo, pwede mo namang gawing puppet 'yung Marksman nila para may extra marksman na din kayo.
- Kapag clash, hintayin mo 'yung charger nila o yung unang papasok. Example:
May kalaban kayong Tigreal tapos nangangamoy clash, hintayin mong sumugod s'ya sa inyo. Kapag naramdaman mong gagamitin na n'ya yung ULT n'ya sa inyo, gamitan mo s'ya ng 1st skill mo para mapurnada 'yung set n'ya. Effective din 'yan kay Akai at Ruby, kahit sino, basta predict mo lang, pakiramdaman mo.
- Pwede mong gawing katulong mag-push ang Puppet. Kasi base sa experience ko, minsan nagiging split-pusher si Vexana nang dahil sa Puppet n'ya at sa range n'ya.
- Kapag may puppet ka tapos wala namang minion wave at walang clash, pwede mong gamitin yung puppet para tulungan kang kumuha ng buff. Just make sure na naka-offensive mode ang puppet para inaatake n'ya yung jungle monster. Pwede ring gamiting katulong para patayin ang Lord/Turtle. *just make sure na naka-offensive mode ang puppet para umaatake s'ya*
- Kapag tinitira ng turret ang Puppet mo, alisin mo dun. Dapat ma-maximize mo yung 20 seconds na duration n'ya para naman hindi sayang.
- Kapag may kalaban kayong Lesley tapos nag-ult s'ya, pwede mong gawing pangharang 'yung puppet mo (naligtas ako at ang teammates ko ng puppet ko, sobrang daming beses na hahaha).
- Kapag may Helcurt ang kalaban, dun mo i-cast ang ULT mo para yun ang maging puppet mo. Ang "Puppet" ay makukuha din ang passive nung pinaggayahan, so masa-silence din ang kalaban kapag may puppet ka na Helcurt.
- Eto general na, lagi ka lang sa back line. Wag kang bida-bida. Malakas ang damage mo pero sobrang papel ka lang, wag ikaw ang sasalo ng damage okay? May puppet ka naman na pwedeng gumawa non.
- Map awareness. Sobrang general na n'yan. Wag kang masyadong lalayo at magso-solo kapag hindi mo nakikita sa map ang mga kalaban, lalo na kapag hindi mo nakikita ang assassin nila (unless patay sila hahahaha). Kapag buhay ang mga kalaban at hindi mo sila nakikita sa map, i-ready mo lang ang 1st skill mo. Pwede mo 'yong gamitin kapag na-gank ka, i-crowd-control mo sila tapos hingi ka back-up.
- Kapag may enemy minions na sa tore na binabantayan mo at ito-tower dive ka ng isa o dalawang kalaban, unahin mong patayin ang minions para sila na ang tirahin ng tore mo. Ganun din ang gawin mo kapag pinu-push na ang tore n'yo, minions first kasi pansin mo ba? Kapag walang minions, sobrang konti ng damage sa tore. Kapag may minions na nasa loob ng tore, biglang lalakas yung damage n'yo sa tore, diba?
Aaaat ayan na nga ang Vexana Guide ko na ayon sa sarili kong karanasan, at hindi ako PRO okay? Nakaka-tsamba lang hahaha. Sana makatulong sa inyo kahit napakahaba hahaha. Play safe mga kaibigan, enjoy the game
.
IGN: INFINIT3
ID: 7878713