Vexana Lore Tagalog

ramleague

Elite Gamer
May 11, 2015
274
11
18
Long time ago! Si Vexana ay Reyna sa isang kaharian sa Western Land , masaya silang namumuhay ng kanyang hari. Ang layunin nila is protektahan ang kanilang sinasakupan.

Si Vexana ay sobrang ganda na kung saan kaya siya nagustuhan ng hari. Sila ay namumuhay ng mapayapa nang biglang dumating ang Queen of the Apocalypse Alice. Pinadala sya ng Dark Lord para akitin o landiin ang hari. Dahil gusto ng Dark Lord na mawala ang atensyon nya sa pagiging hari.

Dahil sa pang-aakit ni Alice sa Hari. Di na sya nakakasama sa mga mahahalagang okasyon, at nawala na rin yung pagiging mapagmahal nya sa kanyang kaharian at gayundin sa reyna na si Vexana.

Nakita lahat ito ni Vexana kaya nagselos ito. Walang magawa si Vexana kundi malungkot at maiyak. Naisip ni Vexana kung pumapanget na ba sya?

At bigla nalamang nagpakita si Dark Lord kay vexana , kinatakot nya ito ngunit sinabihan sya ng dark lord na huwag ka matakot, dahil tutulungan kita na mabalik sayo ang hari. Sinabihan sya na mag-alay ng magandang babae sa kanya para mas lalo syang gumanda at bumata.

Araw araw may nawawalang babae sa kanilang kaharian. Nawala na sa sarili si Vexana sa kakaisip sa pagpapaganda, nawala na yung pagiging reyna nya.

Hanggang sa bumagsak na ang kanyang kahiraan. Nawala nalamang ang hari ng parang bula,Wala naring babae na maiialay . Dahil sa kapangyarihan ng Dark Lord na bumabalot sa pagiging maganda ni Vexana ay nawala na.

Unti unti nagbago si Vexana, naging green ang kanyang mga katawan, nagkaroon ng sungay. At nagkaroon ng kapangyarihan dahil sa mga inalay nya sa dark lord.

Thousand years from now. Sira na ang kaharian ngunit narito parin si Vexana, naging masama. Binuhay nya ang isa sa mga malakas na knight nya "Leomord" at ibang mga patay at ginawang bantay sa kanyang kaharian na tinawag na Fortress of Despair,Para sa mga taong gustong pasukin ito.

Ngayon si Vexana ay handa para magpalaganap ng kaguluhan sa Land of Dawn.

Ctto: sofie claire miryana
 

Reply