Warding Techniques

ramleague

Elite Gamer
May 11, 2015
274
11
18
-Top lane--
*Pag may katapat kang champs na mahilig magtago sa bush (ex. Teemo, Darius, Yasuo, Xin Zhao, etc.), make it a habit na magward from time to time sa top bushes.

*Pag nileash ng top laner ng kalaban yung jungler nila, lagi ka ring mag ward sa top river bush after the 3-minute mark lalo na pag pro early gank yung champ na gamit ng jungler (ex. Yi, Lee Sin) para aware ka sa incoming ganks ng jungler nila.

--Mid lane--
*Hindi mo kailangan magward sa parehong mid bushes. Mag ward ka lang sa isang side tapos ihug mo lang yung side na yun.

*Usually dadaan yung jungler sa mid pag naubos na niya yung jungle creeps sa starting side niya at pag nag-attempt na siyang dumalaw. Be aware sa time na yun and magward ka dun sa side na kung saan siya manggagaling.

*Wag yung mid bushes yung lagi mong iward. Mas effective magward deeper into the river and into the enemy jungle. You will not only be able to avoid ganks from their jungler, but you will also be able to ping your teammates on the current location of the enemy jungler.

--Bottom lane--
*Dapat nagtutulungan ang ADC at support sa pagwaward, hindi yung support lang yung laging nagwaward. Split the responsibilities. Let the support ward the river/tribush for incoming ganks, and let the ADC ward the bottom bushes for hiding opponents.

*If you're not leashing the jungler, as a support, make it a habit to ward the buff nearest to you by the 1-minute mark to avoid it from being stolen by the enemy team. Tapos pag posible, iward mo yung enemy buff sa bot lane. It might sound useless pero it's actually useful information for your teammates.

--Mid to late game--
*Pag dumating na yung game sa puntong bawas na pareho yung mga tore niyo, ugaliin niyong magward sa dragon at baron at magclear ng wards dun.

*Magwards din kayo lagi sa jungle, depende sa kung sino yung nananalo sa puntong yun ng game. Ex. pag red team kayo tapos kayo yung losing side, most likely kineclear nila yung jungle ninyo or nagpeprepare ng teamfight. By warding, maiiwasan niyo yung mga unexpected teamfights at baka makapag-comeback pa kayo.

--Vision augmentation--
*Usually, sa karamihan ng mga players, ang ginagawa nila isang ward lang ginagamit nila tapos minsan di pa sila gumagamit ng control wards. Mali yun. Dapat, as much as possible, gamitin mo lahat ng wards mo-- sa tamang paraan. Pwede mong mapalaki yung nakikita mo gamit ang wards mo by spreading them apart enough for their visions to overlap. Pwede ka ring makipatulungan sa mga kakampi mo sa pagextend ng vision. See pics for examples.

Kung gusto niyo pa ng tips, hit me up or Gat Nisperos. Di naman kami snob unless toxic ka. Also, constructive criticism is highly appreciated. Kung may mali, sabihin niyo lang nang maayos at mabuti, hindi yung lalaitin niyo pa kami at mumurahin kami. Thank you.
 

Similar threads


Reply