Why Grock is the best tank?

AshuraML

Elite Gamer
May 1, 2019
128
11
18
Visit site
Featuring Why Use Meta Heroes as a Solo Player? and Why MM takes buff? Base stat pa lang. Makikita mo ng lamang si Grock sa ibang tank.

Notable Stats:
  • HP 2819
  • Physical Defense 21
  • Physical Attack 135

Early game mararamdaman mo kaagad iyan lalo na 'yong Physical Attack na 135. Mas mataas pa ang Physical Attack niya kahit sa mga marksman kapag Early Game.

Ex:
  • Claude - 97 Phy Atk
  • Layla - 130 Phy Atk



Additional Info: Sa mga nagsasabing walang silbi buff sa MM kapag level 1, meron naman po kasi hindi 0 ang Phy Atk nila. Mas recommended lang talagang ibigay sa Assassin and Mage. Pero kapag wala kayong Assassin which is common na ngayon, Marksman and Mage ang nakakakuha ng buff.

Kaya masakit na ang first skill ni Grock sa level 1.

Ang usual na rotation kay Grock ay clear wave sa mid then punta sa buff ng kalaban kasama ang mage or assassin na nasa mid rin. Makakakuha kayo ng mas maraming gold at XP at mahuhuli na ang kalaban niyo.

Mahalaga po talaga ang early game kasi kapag mas mabilis ka nakapagpalevel-up, lalayo ang agwat niyo sa kalaban at mas madali na kayong mananalo ng teamfights at makapush. Kaya kapag lamang kayo early game, force teamfights para makapush kayo and end the game as early as possible.

Next reason: Immune siya sa CC kapag nagfirst skill siya habang malapit sa wall or turret.

Mahalaga ito sa teamfights kasi masasayang ang CC ng kalaban kapag si Grock ang natamaan nila imbes na 'yong damage dealers. Kayang saluhin ni Grock ang Second Skill ni Nana and other disables basta malapit siya sa wall or turret

May CC rin siya. May knock up effect ang Ult niya. Blink CC ang skill na ito na pwede pang SK (secure kill).

4th reason ay ang zoning capability niya. Masakit ang first skill niya at malakas pangclear ng wave. Mapapalayo mga kalaban sa laning phase. Pwede ring pangzone out ang second skill niya.

Good Grock Users already memorized the different placements and good spots kung saan ilalagay ang wall.

Final note: Each hero po ay may unique na strengths. Pero syempre para mailabas ang strengths ng ibang hero, dapat nakadesign para sa kanila ang lineup.

Example ko ay 'yong Hanabi Lineup ng Bren ESports. Nakadesign talaga para ma-maximize si Hanabi. Mahina si Hanabi sa solo ranking sa Mythical Glory ngayon. Pero kapag marunong ang mga kakampi na mag-adjust and alam ang galawan ng Hanabi, kaya namang magpanalo ni Hanabi ng laro.

Kaya po talaga pinupush namin na gumamit ng META heroes ang mga solo gamers ay dahil iyon talaga ang magbibigay sayo ng Mas Mataas na Chance para manalo.

Malakas rin naman 'yong ibang hero basta squad kayo. Kunwari ang Bane Composition. Alam niyo bang OP iyan sa early game kasi malakas ang early damage ni Bane at mabilis lang siyang magpush? Hindi lang talaga siya bagay sa META ngayon or sa common scene ngayon kasi nga teamfight-focused. Ang Bane Comp kasi ay dapat push-focused. May nakalaro kasi akong 4-man bale ako 'yong naging panglima. Ang galing lang kasi 8 minutes tig-iisang tore na lang kada lane kaagad ang natitira sa kalaban. Hindi ko alam kung anong sekreto nila kasi lagi kong binabantayan ang MM namin na Moskov. Nagugulat na lang ako pagkatapos ng clash kahit talo minsan kasi tatlo lang kami pero nakakapush talaga Bane. Ang bilis niya magrotate and magpush promise.

Follow our page Mobile Legends Tier List and Guide
 

Reply